MIKHAIL's POV
"Good morning Mayor."
"Goodmorning Mayor ang pogi pogi mo po talaga"
"Good morning Mayor"Nginitian ko lang silang lahat at ipinagpatuloy ang paglalakad ko palabas nang City Hall.
"San mo gustong pumunta ngayon yorme?" natatawa na sabi ni John
"Gusto ko sanang bisitahin ngayon sina Nanay Elisa." maikli kong sabi
"Sige, kukunin ko lang ang kotse." sabi nito kaya tumango lang ako
"Hello Mayor, eto nga po pala si Nene anak ko." napabaling ang tingin ko sa may kaedarang babae na lumapit sakin
"Hello mayorrrrr grrrrr." halos mamutla ako nang hawakan nang dalagitang babae na kasama niya ang braso ko
John asan ka na baaaaaa????????
"Magandang araw din po sa inyong dalawa, masyado po kasi akong busy ngayon pero kapag may extra time po kayo, dumalaw kayo sa opisina ko." nakangiti kong sabi
Nakita kong umilaw ang mga mata nila kaya mas lalong bumilis ang tibok nang puso ko
"Sige po mauna na po ako, andyan na po kasi si Attorney John, salamat po sa pagbisita." magalang kong sabi at kinawayan ang kotse ni John na papalapit samin
"No problem, Mayor grrrrr hihihihi." nakangiti na sabi nang dalagang babae kaya tumango lang ako at nginitian siya
Nang nakita kong tumigil na sa harapan namin ang sasakyan ni John agad akong nag paalam sa kanila at mabilis na binuksan ang pinto nang sasakyan nito at agad na pumasok dito.
"Iba ka talaga Yorme, ang daming babae na nagkakarandapa sayo." natatawa nitong sabi
Kaya napabuntong hininga nalang ako at tinignan siya nang masama
"Tara na baka hindi ko pa maabutan sina Nanay Elisa sa bahay nila." asik ko sa kanya ngunit sinaluduhan niya lang ako tsaka nagmaneho
"Hindi ba ako nagiging rude sa mga babaeng lumalapit sakin?" out of the blue kong tanong habang nakatingin pa din sa labas ng kotse
"Hindi naman, pero Cali naman 29 years old kana wala ka bang balak na mag ka jowa man lang, my gosh grow up!." exaggerated na sabi nito
Pero may point din naman siya, pinilit ko din naman na magkagusto sa ibang babae pero di ko magawang pilitin ang puso ko
"Pinipilit ko naman John at alam mo din yun, pero wala eh. Iba talaga ang hanap nang puso ko." mahina kong sabi at napahawak sa sentido ko
"Bingo! That's it my man! Dahil hanggang ngayon naka kapit ka pa din sa pag asang muli mo siyang makikita. At wala naman akong problema dun pero Cal naman!" napatigil ako dahil sa sinabi nito at tinignan siya
"Ano ba ang ibig mong sabihin?" diretso kong tanong
"Hanggang ngayon Cal kumakapit ka pa din sa kakarampot na pag asa na muli mo siyang makikita pero paano Cal kapag matagal na pala siyag bumitaw at kinalimutan ka na niya?" makahulugan na sabi nito
Agad akong napahawak sa puso ko dahil naramdaman kong kumirot ito.
"Paano kapag hindi? paano kung umaasa din siya na muli kaming magkikita?" muli kong tanong
Napabuntong hininga nalang siya bago sagutin ang tanong ko.
"Paano kapag Oo Cal ha?, ano? araw gabi ka na naman maglalasing para makalimutan siya? kung hindi pa umuwi dito si Tita Sheril hindi ka titino. Tama na Cal, kaibigan kita pero ayokong nakikita kang nagiging tanga."
YOU ARE READING
Lost in Love
Romance'TRUE LOVE WAITS' -Siguro para sa inyo isa na ang salitang ito sa mga pinaka common na mga salita na palagi mong naririnig sa mga teleserye o sa mga soap opera. Pero hindi sa kanilang dalawa, dahil naging mahirap ang mga araw na naghintay sila isa't...