Chapter 27

0 0 0
                                    

MIKHAIL's POV

1 year later

"ZUP bro, kamusta?" nakangiti na bati sakin ni John at umupo sa upuan na nasa harapan ko.

Napailing nalang ako at napangiti dahil sa tanong nito.

"Eto, subsob pa din sa trabaho. Eto lang yung alam kong paraan para malibang ang sarili ko habang hinihintay siya." nakangiti kong sabi tsaka tumayo at tinapik ang balikat niya

"Puntahan mo na kasi siya sa Maynila bro. Parang pagong ka naman kasi eh!" rinig kong sabi nito ngunit nakangiti lang ako na nagkibit balikat

Palaging ganito ang routine ko, palaging subsob sa trabaho, wala na akong time para lumabas pa at mag enjoy.

Pinipilit ni John na maghanap na ako nang babaeng mamahalin ko at pagtutuonan ko nang pansin ngunit tinatawanan ko nalang siya.

Ayoko, faithful ako eh.

Hihintayin ko siya kahit gaano pa katagal yan. Ilang ulit na kaming pinaghiwalay ni Tadhana at ngayon? Umaasa akong papayagan na kami nang mundo na maging masaya.

"Ahh oo nga pala 'tol may pa kain si Misis sa bahay nila mamayang gabi. Pumunta ka ha? Ge tol mauna na ako." paalam nito tsaka tumayo

Tumango lang ako at nakangiting nag thumbs up sa kanya at muling umupo sa upuan ko.

"Baliw!" asik nito kaya tinignan ko siya nang masama at babatuhin ko siya sana nang folder ko ngunit tumakbo na siya palabas nang opisina ko.

Napabuntong hininga nalang ako at napatingin sa bracelet na pina-frame ko  na nakadisplay sa mesa ko at napangiti.

I year na ang nakakalipas ngunit hindi ko pa din matanggal sa isip at puso ko ang perpektong mukha ni Alice.

Simula nang umalis siya para muling bumalik sa manila, kinausap ko ang Kuya niya.

At sinabi niya ang lahat sakin, kaya simula nun nag focus na ako sa projects nang Isla.

Ngunit hindi ako naging open sa bagong pag ibig.

T'wing pipikit ako nakikita ko ang nakangiting si Alice.

Nagawa ko nga siyang hintayin nang ilang taon, isang taon pa kaya?.

Balita ko mas lalong lumago pa ang publishing company nito kaya hindi ko mapagilang maging proud sa kanya.

Habang ako naman ay fino-focus na ang atensyon ko sa pag serve sa mga nasasakupan ko.

Sigurado na ako na kapag muli kaming magkikita, tamang oras na para saaming dalawa.

Nakangiti kong niligpit ang mesa ko at kinuha ang bag ko tsaka lumabas na nang opisina ko.

"Goodevening po Mayor."
"Magandang Gabi po Mayor."
"Magandang Gabi Mayor."

"Magandang Gabi din." nakangiti kong bati din sa kanila

Dumiretso ako kung saan nakapark ang sasakyan ko at agad na sumakay nito.

Inayos ko muna ang seatbelt ko at nang binuhay ko na ang makina, biglang tumunog ang cellphone ko.

Napabuntong hininga nalang ako at kinuha sa bag ko ang cellphone ko.

Hindi ko na tinignan kung sino ang caller, agad kong sinagot ang tawag.

"Hello Anak, kamusta ka na diyan?"

Napatigil ako nang marinig ko nang marinig ko ang boses ni Mommy.

"Hello Mom goodevening, okay lang po ako dito. Kayo ni Daddy kamusta?" nakangiti kong tanong

"Ayy nako, pinipilit niya akong mag enroll sa cooking class dito. Alam mo na, tunatanda na din ang Daddy mo hahahaha." natatawa nitong sabi

Lost in LoveWhere stories live. Discover now