Chapter 8

2 0 0
                                    

"ANO pala ginagawa mo dito?" nagtatakang tanong nito ngunit nakatingin pa din sa dagat

"Para makita ang Fireworks Display, bakit ba?!" mataray kong sagot at umusog nang konti papalayo sa kanya.

Parang special child din kasi 'tong si Mikhail eh.

"Ang weirdo mo" out of the blue kong sambit

Ramdam kong tumingin ito sakin ngunit itinuon ko pa din ang atensyon ko sa pagtitig sa dagat.

"What?!" gulat nitong tanong.

"Oo weirdo ka, dahil ang weird nang sinasabi at pinaggagawa mo sakin twing nagkikita tayo eh." nagtatakang kong sabi.

"Bigla mo akong yayakapin, bigla mong hahawakan yung mg kamay ko, bigla kang magtatanong kung okay lang ako, at bigla kang bibitaw nang mga salitang hindi ko ma intindihan. Gets mo?" inis kong asik dito

Napakunot nalang ang noo ko nang tinignan ko siya at nakita kong nakangiti lang siya at nakatitig sakin.

"H'wag mong sabihin kinikilig ka?" nakakaloko na sabi nito

Kaya napatawa nalang ako at napabuntong hininga.

"Nababaliw ka na ba? bonak mo, para sakin okay lang kung gawin mo sakin ang mga 'yun dahil para kasi sakin isa ka lang kulang sa pansin na bata kaya naiintindihan ko kung gusto mo nang atensyon. Pero hwag mong gawin sa ibang tao yun dahil baka mag assume sila na ganto at ganyan pero in the end hindi naman talaga ganun ang intention mo." mahaba kong paliwanag dito

"Di halatang affected ka" natatawa nitong sabi at umiling iling pa.

Bonak din ang lalaking 'to eh.

"Ba't ka pala hinahabol nang mga lalaki kanina, runner ka 'no?" seryoso kong tanong

Ngunit as expected, tumawa lang siya nang malakas kaya tinignan ko siya nang masama.

"Chill, katuwaan lang 'yun." nakangiti nitong sabi

Bonak, bat ko ngayon ko lang na realize na chinito pala siya? hayst

Mga chingchong kasi di dapat pagkatiwalaan eh.

Taga dala nang virus yan tsk.

"Alam mo ba ang salitang karma?" baling ko sa kanya

Napatigil siya nang ilang sandali bago nagkibit balikat.

"Tsk, karma my ass" masungit na sabi nito

"Alam mo kapag yang karma talaga maningil sayo, mamamanhid ka sa sakit." seryoso kong sabi at kinindatan siya.

Katahimikan ang namayani saming dalawa at hindi na ako nag abala pa para basagin ito.

Minsan kasi mga gantong lugar lang ang makakatulong satin kapag gusto na nating makalimot.

Yung malayo ka sa lahat nang tao na kahit kailan hinding hindi ka maintindihan.

Minsan din kasi akala natin gusto nating mawala na parang bula nalang pero in reality gusto nating may makahanap satin.

"Tumayo ka na diyan, ilang minuto nalang at makikita mo ang fireworks display na hinihintay mo nyenyenye." parang bata na turan nito

Napabuntong hininga nalang ako at napakamot nang batok dahil sa inasal nito.

Hindi na ako umimik at tumayo na lang tsaka pinagpagan ang pwetan ko.

Tsaka ako yumuko at kinuha ang jacket nito na inalok niya sakin kanina para upuan ko at inabot iyon sa kanya.

"Thank you nga pala." maiksi kong sabi

Di nagtagal ay tinanggap niya din ito at nauna nang maglakad.

Bonak parang bakla din tong anak ni mayor eh.

beep beep

Napatigil ako sa paglalakad nang narinig kong tumunog ang cellphone ko kaya agad ko itong kinuha mula sa bag ko at nangtinignan ko ito napabuntong hininga nalang ako.

9:15 na din at kailangan ko nang uminom nang gamot ko pero bonak hindi ko man lang makita kita ang gamot ko.

Hindi naman siguro ako agad agad na mamatay kapag nag skip ako nang isang araw na pag inom nang gamot.

Ewan ko! Basta!

"ALICE!!" napabaling ang tingin ko sa sumigaw at napatigil nang makitang si Mikhail ito na nakatayo at kumakaway sakin.

Hindi ko alam kung ano ang kinalaman ni Mikhail sa nakaraan ko o baka trip niya lang talagang painitin ang ulo at pagtripan ako.

Pero isa lang nasisigurado ko, yun ay ang kapag nakakasama o nakikita ko siya may naalala ako tungkol sa nakaraan ko.

Ewan ko, basta sa tingin ko si Mikhail lang ang makakatulong sakin ngayon.

"Lutang ka na naman, tumingin kana sa taas."

Napahawak ako sa dibdib ko nang nagsalita na naman siya sa tabi ko.

Bonak, baka dahil sa kanya mapapadali ang pagkamatay ko.

"Pwede ba! H'wag kang nanggugulat!" asik ko sa kanya at hinarap siya na nakapameywang.

Ngunit tinignan niya lang ako nang diretso at dahang dahang inilapit ang mukha niya sa mukha ko.

Dug.

Dug.

Dug.

Mas lalong akong nabingi nang mas lalong bumilis ang tibok nang puso ko at rinig na rinig ko ito.

Nanigas ako sa kinatatayuan ko nang hawakan niya ang mukha ko gamit ang dalawa niyang kamay at nginitian ako.

Kaya napapikit nalang ako nang mga mata ko at hinihintay na dumampi ang labi niya sa labi ko.

Shemayyy di ako mamatay na di pa nakaranas nang halik.

This is it!

Okay lang kahit si Mikhail pa ang maging first kiss ko, pwede nang pagtiyagaan.

"Imulat mo na ang mga mata mo." bulong nito

Choosy naman nang chingchong na 'to.

Pagkamulat ko bumungad sakin ang matagal ko nang hinihintay.

Hindi ang halik nang isang Cali Mikhail De San Juan na anak ni Mayor Alejandro.

Kundi ang mga magagandang fireworks na para bang nagsasayaw sa kalangitan.

"Ang gandaaaaaaa" natutuwa kong sabi

Hindi naman kami mahirap, hindi naman kami mayaman pero promise, ngayon lang ako naka experience na makakita nang fireworks.

"Yung laway mo tumutulo na." pang aasar nito

"Tumahimik ka nga diyan." asik ko

"Tara na, kailangan na nating umuwi." aya nito

Kaya napabuntong hininga nalang at tumango.

Nauna siyang naglakad papunta sa kotse at ako naman ay nakasunod lang sa kanyang likuran.

"CALI MIKHAIL DE SAN JUAN NA ANAK NI MAYOR ALEJANDRO!!!" malakas na sigaw ko

Nakita kong tumigil siya sa paglalakad at nagtatakang tinignan ako.

Kaya mo yan self, para yan sa bright future mo at para makaalala kana.

"MAG DATE TAYO HANGGANG SA MAMULUBI KA!!!!" muli kong sigaw kaya napapikit nalang ako nang mga mata ko dahil sa kahihiyaan.

Naglakad siya papunta sa direksyon ko at nakangiting tumigil sa harapan ko.

Tsaka binitawan ang mga salitang hindi ko inakala na mag pababago nang buhay ko.

"Fine, let's date Maria Grace Alice Dela Fuentez Arsol."

Lost in LoveWhere stories live. Discover now