"HUY ikaw Alice san ka naman pumunta kagabi?!" mataray na tanong ni Roxanne sakin.
Hindi ko nalang ito pinansin at ipinagpatuloy ang paglilinis nang bahay.
"Nakooo nang bumisita ako sa kwarto wa------" agad kong binitawan ang feather duster na hawak hawak ko at naiinis na tinakpan ang bibig niya.
"Oh may problema ba?" napabaling ang tingin naming dalawa kina Nanay Elisa, Tatay Delfin at Nato na kakalabas lang mga kwarto nila.
Kaya nakangiti kong ibinaba ang kamay ko at inakbayan si Roxanne.
"Nagkukulitan lang po kami, mag almusal ho muna kayo bago umalis." nakangiti kong sabi sa kanila
"Nako pwedeng I take out nalang 'to?, dahil late na kami sa trabaho." biro ni Tatay Delfin
Kaya napatawa nalang kaming lahat.
"Oh siya sige, aalis na kami. Salamat dito Alice." nakangiti na sabi ni Nanay Elisa at itinaas ang hawak hawak na paperbag nito na naglalaman nang kanin at ulam.
"Tara na Roxanne!" asik sa kanya ni Tatay Delfin
Napabuntong hininga nalang siya at sumunod na naglakad palabas nang bahay ngunit nagawa pa itong lumingon sa direksyon ko.
At sinenyasan ko siyang I zipper niya ang bibig niya.
Ngunit tinignan niya lang ako nang masama at tuluyan nang umalis.
Owww shoot, ako na naman naiwan sa bahay hayst.
Siguro pupunta nalang ako sa bayan ngayon para maka pag grocery at para makatawag na din kina mama, papa at kuya.
Tinapos ko na din ang lahat nang gawain sa bahay, nagwalis na din ako at naghugas na din ako nang mga plato.
Napaupo nalang sa upuan nila na gamit sa kawayan at napabuntong hininga.
Kapagod pala mag linis nang bahay, never ko din 'to na experience nang nasa manila ako.
"Fine, let's date Maria Grace Alice Dela Fuentez Arsol."
Agad akong napatayo at napasabunot nang buhok ko nang nagreplay na naman sa utak ko ang nangyari kagabi.
"Nakakainis kaaaa Mikhallllllll!!!" malakas kong sigaw
Bonak talaga! Nakakainis!!!!!
Fine, sabihin na natin na ako nga ang nag aya sa kanya, pero sana hindi siya pumayag!!!!.
Halatang may pinaplano din ang bonak na 'yun eh.
Pagkatapos niyang sabihin ang nakakarinding mga salita na 'yon inihatid niya ako pauwi at wala ni isa saaming dalawa ang sinubukang basagin ang katahimikan hanggang sa naka baba na ako sa kotse nito at nakapasok na sa bahay.
Ang bonak ko din naman eh!! Halatang affected ako sa nangyari!
Sana pala nag sabi ako nang 'thank you' at 'mag ingat ka'.
Ewan ko!!! Bahala na!
"Magandang umaga ate!"
"ay HOTDOG NA WALANG ASO" gulat kong bulalas at napatayo habang hawak hawak ang dibdib ko.
"Patawad ate kung nagulat kita hehehe" nahihiya nitong sabi kaya naglakad ako papalapit sa kanya at yumuko nang konti tsaka ginulo ang buhok niya.
"At ano naman ang pinunta ni Baby Clyde dito?" pang baby talk ko sa kanya.
Kapitbahay siya nina Roxanne, at siya daw ang nagiging bantay nang bahay nila kapag wala sila dahil nagtratrabaho.
At gusto gusto niya ding tumambay dito dahil may TV at maraming pagkain na pwedeng niyang kainin.
YOU ARE READING
Lost in Love
Romance'TRUE LOVE WAITS' -Siguro para sa inyo isa na ang salitang ito sa mga pinaka common na mga salita na palagi mong naririnig sa mga teleserye o sa mga soap opera. Pero hindi sa kanilang dalawa, dahil naging mahirap ang mga araw na naghintay sila isa't...