"HELLOO sis, di ka ma sleep?" napabaling ang tingin ko sa nakabukas na pinto at napabuntong hininga nang makitang si Roxanne lang ito.
Napabangon nalang ako sa higaan ko at umupo dito.
"Matutulog na sana ako kaso pumasok ka sa silid ko" pang aasar ko dito
"Ikaw talaga! sige sige mag pahinga kana kalerky yung nangyari kanina di ko kinaya hahaha sweet dreams sissy." natatawa nitong sabi at agad na nilisan ang kwarto ko.
Haistttt hanggang ngayon di ko pa din ma digest sa isip ko ang mga pinag gagawa at pinag sasabi nang demonyo na si Mikhail.
Kanina niyakap niya ako tapos parang praning na sinabihan niya yung abogado niyang mukhang pwet at pina check ang buong area.
Tapos nun wala na umalis din agad sila dahil baka naduwag siguro.
Tutal natutulog naman din nang mahimbing ang sina Roxanne.
Siguro pagkakataon ko na ito para pumunta sa kabilang bayan at makapag isip sip at para makapag travel.
Tutal almost 7 o clock pa lang maaga aga pa kaya marami pa akong oras para maka pag travel.
Agad kong kinuha ang bagpack ko at nilagay dun ang cellphone at ang wallet ko tsaka tahimik na binuksan ang pinto.
Shemayyy parang magnanakaw naman ako nito.
Buti nalang at tulog mantika silang apat kaya hindi ako mahihirapang lumabas
Maingat akong lumabas nang bahay at napakayap ako sa sarili ko dahil sa malamig na hangin na sumalubong sakin.Mas maganda pag nakatira ka sa probinsya, sariwang hangin at wala masyadong polusyon.
Agad akong napatigil sa waiting shield at hinihintay ang bus papunta sa ibang bayan.
Punyemas bat ang tagal? Haystttt
"Oh Isla Pulupandan na Isla Pulupundan na da!" napangiti ako nang marinig ko na ang konduktor at tumigil na ang bus sa waiting shield kaya akong sumakay dito.
Nagulat ako na kahit dis oras na nang gabi, marami pa ding pasahero ang papunta sa Isla Pulupandan.
Agad akong napabaling ang tingin ko sa isang bakanteng upuan at kaagarang umupo dito.
Kinuha ko ang cellphone ko sa bag at nag search nang maaring puntahan sa Isla Pulupandan at napangiti nang makita may isang beach dito na may Fireworks display mamayang 9:30 nang gabi.
Tignan mo nga naman at sinuwerte pa ako.
"Lihis Beach Resort" mahina kong sabi
Ahhh yun pala ang name nang beach resort hmmmmm.
"Miss ticket oh ticket" napatigil ako at napatingin sa konduktor nang inabot sa akin nito ang na punch na niyang ticket ko.
Agad ko itong tinanggap at kumuha nang pera sa wallet ko at ibinigay iyon sa kanya.
"Manong pwede mag tanong?" out of the blue kong tanong
Alam ko naman iba ang lenggwahe nila, pero eto lang ang nag iisang paraan para magkaintindihan kami.
"Ano na miss?" tanong nito pabalik
"Paano po ako makakapunta sa Lihis Beach Resort?" nakangiti kong tanong
"Pagkababa mo sa Terminal, sakay ka jeep pakadto lihis, kag dal on ka nalang to nila." explain nito
Syempre hindi ko masyadong naintindihan ang sinasabi niya like duhhh dito nga ako lumaki pero sa nagugol ang kalahati nang buhay ko sa Manila.
At hindi ko na maintindihan ang ibang salita nila dito.
YOU ARE READING
Lost in Love
Romance'TRUE LOVE WAITS' -Siguro para sa inyo isa na ang salitang ito sa mga pinaka common na mga salita na palagi mong naririnig sa mga teleserye o sa mga soap opera. Pero hindi sa kanilang dalawa, dahil naging mahirap ang mga araw na naghintay sila isa't...