"GOODMORNING Miss Alice, eto na po yung mga list nang mga lugar na pupuntahan para makapag donate nang mga storybooks at mga libro." napatigil ako sa pagtipa nang laptop ko at napatingin sa assistant ko na nakatayo sa harapan ko hawak hawak ang folder na last week ko pa hiningi sa kanya.
"Thank you for this, i do-double ko nalang 'to mamaya, you can go now." diretso kong sabi at kinuha sa kanya ang folder tsaka inilagay iyon sa mesa ko at muling itinuon ang atensyon ko sa laptop ko.
Ngunit kumunot ang noo ko nang nakita kong nakatayo pa din sa harapan ko si Shanon at parang may gustong sabihin.
"You have a meeting with Mr. Tolentino, Miss Alice." nahihiya na sabi nito
Kaya napabuntong hininga nalang ako bago siya sinagot.
"Sabihan mo siya na busy ako." maikli kong sabi
Tumango lang siya at yumuko tsaka naglakad palabas nang opisina ko.
*ringgg ringgg ringgg
"Damn it!!!!!!!" yun nalang ang lumabas sa bibig ko dahil sa inis at stress
*ringgg ringgg ringgg
Napahilamos nalang ako ng mukha nang marinig kong nag iingay ang cellphone ko.
Agad ko itong kinuha sa bag ko at agad na sinagot ang tawag.
"Wazzup lil sis." bungad na sabi nito
Kumukulo talaga automatically ang dugo ko kapag naririnig ko ang boses nang hudas na 'to.
"Not now Kuya, busy ako." inis kong sabi at niligpit ang mesa ko.
"Busy saan? hahahaha who's the lucky guy?" nang aasar na tanong nito
"Come on Kuya, marami akong meetings and appointments sa mga bagong writers at editors nang company." paliwanag ko dito
"Miss Alice ------- ay sorry po, babalik nalang po ako." napabaling ang tingin ko kay Heather na kakapasok pa lang sa opisina ko
Ngunit sinenyasan ko siyang lumapit kaya nahihiya itong naglakad papunta sa direksyon ko.
Agad kong inabot sa kanya ang folder na ibinigay kanina ni Shanon at inilayo ko muna nang konti ang cellphone ko.
"I don't have enough time to check the list, kayo na ang bahala mag asikaso nang lahat." diretso kong sabi
Nakangiti niyang tinanggap ang folder at tumango pa siya sakin bago naglakad palabas nang opisina ko.
"Alice?? Aliceee??? Aliceee??" agad na bungad na tanong ni Kuya
"I'm tired Kuya, I'm hanging up, bye." tipid kong sabi at agad na binaba ang tawag
Almost 8 years na ang nakakalipas pero isip bata pa din si Kuya tsk.
Tumayo nalang ako at kinuha ang bag ko tsaka naglakad palabas nang opisina ko.
"Goodmorning Ma'am."
"Goodmorning Miss Alice."
"Goodmorning Miss."Bungad na bati nila sakin ngunit ngitian ko lang siya at mas lalong binilisan ang paglalakad papuntang parking lot.
"Goodmorning Miss Alice!" energetic na bati sakin ni Sir Guard
"Goodmorning din pooo" nakangiti kong sabi at nilagay ang pangalan ko sa log book nito
"I don't think na makakabalik ako ulit dito para makapag OT, pero kindly tell My assistant Shannon na kapag may nag OT ngayong gabi bilhan niya nang coffee at dinner, thank you Sir." sabi ko dito
Ngumiti lang siya sakin at sumaludo
"Sige po, mauna na ako." paalam ko dito
"Sige mo Ma'am, mag iingat po kayo!!" masaya na sabi nito at kinawayan pa ako
Kaya tumango nalang ako at naglakad papuntang parking lot at hinanap ang kotse ko.
Agad akong sumakay dito nang mahanap ko ito at mabilis itong minameho.
Almost 8 years na ang nakakalipas at madami na din ang nagbago.
Tama nga si Kuya, na dapat hayaan nalang natin si tadhana na siyang humilom nang mga sugat natin.
Itinigil ko ang kotse ko sa harapan nang isang coffee shop at agad na bumaba sa kotse at naglakad papasok dito.
"Good morning Ma'am." nakangiti na bati nang Guard kaya tumango nalang ako at agad kong hinahanap si Chard.
Napatigil ang tingin ko sa lalaking kumakaway sakin at nang tinignan ko ito nang mabuti nakita ko si Chard lang pala ito.
Kaya naglakad ako papunta sa direksyon niya at napabaling ang tingin ko sa mga kasama nito na sa tingin ko sila ang mga bagong writers at editors nang company.
Umupo ako sa tabi ni Chard kaya napatahimik sila at sabay sabay na yumuko tsaka ako nila nginitian.
"Hello, I'm Maria Grace Alice Dela Fuentez Arsol, the owner of Fate Publishing Company." nakangiti kong pakilala sa kanila
Halos napanganga silang lahat at halos hindi sila makapag salita sa sinabi ko.
"May mali ba akong sinabi?" taka kong tanong at tinignan din si Chard ngunit nagkibit balikat lang siya kaya muli kong ibinalik ang tingin ko sa kanila.
"Hehehe nagulat lang po kami, ilang taon na po ba kayo?" tanong nang isang lalaking nakasuot nang makapal na eyeglasses
"I'm 28 years old." nakangiti kong sabi
"Wow!!!" masaya na bulalas nang katabi nito na nakapony tail ang buhok.
Bakita ang we-weird nila?
Don't get me wrong okay? Hindi ako nag ja-judge base sa mga panglabas na kaanyuan nila.
I'm just curious kung bakita ganito sila manamit? hmmmmm.
Napatayo ako nang nakita kong naglalakad papalapit sa direksyon namin si Ate Leyna na fiance ni Kuya.
Agad ko siyang niyakap ngunit narinig ko lang siya na tumawa kaya agad akong kumalas sa yakap at hinawakan ang mga kamay niya.
"Hello Ate, by the way this is our new team para sa collaboration nang team niyo at nang team namin." nakangiti kong sabi
"Hello everyone, I'm Leyna Lopez nice meeting you all." bati nito sa kanila
"Goodmorning Direk Leyna." sabay nilang bati
Kaya napatawa nalang si Ate at umupo sa tabi ni Mr.Makapal Eyeglasses at inilabas ang laptop nito.
"So let's start! I already got the email from Shannon your assistant para sa script nang story and I already discuss it to my team and they said yes. They like the concept and plot of the story." mahaba nitong paliwanag kaya napatango nalang ako
"We are all set, nakapili na din kami nang mga actors at nakapili na din kami nang lugar na kung saan doon natin isho-shoot ang buong movie." mahaba nitong paliwanag at inabot sakin ang isang blue folder
Agad ko itong binuksan at nakita ko ang mga list nang mga actors na kinuha nila.
"It's good dahil mga hindi pa masyadong kilala ang mga actors na kinuha niyo, by next week pwede na ba natin simulan ang shooting?" tanong ko at inalapag ang folder sa mesa at ininom ang frappe na binigay ni Chard kanina
"Yes of course, ready na ang team ko." nakangiti nitong sabi
Kaya napapalakpak nalang ang mga bagong writers at editors na nasa tabi niya dahil sa tuwa.
"Okay Call, next week pumunta na tayo sa location, thank you for the time Ate." masaya kong sabi
"Okay kumain na tayo, gutom na ako hahaha." natatawa na sabi nito
Kaya napatawa kaming lahat dahil sa sinabi nito.
Hmmmm this is it!
Malapit ko nang maabot ang mga pangarap ko.
Malapit na.
YOU ARE READING
Lost in Love
Romance'TRUE LOVE WAITS' -Siguro para sa inyo isa na ang salitang ito sa mga pinaka common na mga salita na palagi mong naririnig sa mga teleserye o sa mga soap opera. Pero hindi sa kanilang dalawa, dahil naging mahirap ang mga araw na naghintay sila isa't...