"ABA!!! Bat ang aga mo ngayong umuwi?" nakangiti nitong sabi habang naglalaro nang x-box
Hindi ko nalang siya pinansin at binaling ko nalang ang atensyon ko kay Rayver.
Hayyy namiss ko din ang bulinggit na 'to.
"Baby Rayver come to titaaaaa." masaya kong sabi at itinaas ang hawak hawak kong box nang cake
Agad lumiwanag ang mga mata nito at tumakbo papunta sa direksyon ko at pilit na inaabot ang hawak hawak kong cake.
"Sige na, alam ko namang na miss niyo ang isa't isa eh, patikim nga nang binili mong cake hmp." sabi nito at agad na kinuha mula sa kamay ko ang cake.
Kaya tinignan ko siya nang masama at binato nang tennis ko.
"Tirhan mo kami ni Baby Rayver ha!! Patay Gutom!" sigaw ko
Ngunit narinig ko lang siyang tumawa kaya napabuntong nalang ako at kinarga si Rayver.
"Hello baby Rayver ang big mo na ah? hihihihi bigat bigat na nang pamangkin kooo." pangbaby talk ko sa kanya at naglakad papunta sa couch at umupo dito
"Lay! Lay! hihihihi lay!" bulol na sabi nito at itinaas taas pa ang mga kamay nito
"Nakooo itlog, busy yang si Auntie mo." sabi ni Kuya habang lumalamon nang cake at umupo sa tabi ko
Napa irap nalang ako at ibinaling ang atensyon ko kay Rayver at nagulat ako nang isinubo nito ang mga daliri niya.
"No! Bad yan, bad!" saway ko dito at pilit na inilalayo ang mga daliri nito sa bibig niya
"Ikaw talaga itlog, ang dugyot mo haistttt." rinig kong reklamo ni Kuya at kinuha si Rayver sakin at siya ang kumarga dito
"Ikaw yung dugyot!" inis kong sabi sa kanya at tumayo tsaka naglakad papuntang kusina
"Nasaan pala si Leyan?" rinig kong sigaw niya mula sa living room
Kahit kailan talaga walang good manners and right conduct 'tong si Kuya.
Nagslice nalang ako nang cake at inilagay iyon sa plato ko at nagsalin na din ako nang juice sa baso ko tsaka naglakad pabalik nang living room.
"May tinatapos lang sila para sa upcoming movie na pagtutulungan namin." kaswal kong sabi at umupo sa tabi niya tsaka kumain nang cake.
"Kailan alis niyo?" tanong nito
Ininom ko muna ang juice ko bago sagutin ang tanong niya.
"Maybe sa Monday." tipid ko sabi at nilaro laro ang mga daliri ni Rayver
"Alam mo bunso ang ganda mo." napatigil ako sa sa paglalaro nang kamay ni Rayver at masama siyang tinignan
Punyemas parang umiba ang ihip nang hangin?
Alam ko ang mga ganitong galawan ni Kuya eh.
"Ano na naman ang kailangan mo kuya?" inis kong tanong sa kanya
"Sa Monday kasi hindi makakasama sa inyo si Leyna pero sa Tuesday naman ay makakahabol siya at sasamahan ko na din siya papunta dun at para ma check ko na din ang location kung okay ba gawin ang photoshoot dun for our wedding." malumanay na sabi nito
Kaya taka ko siyang tinignan.
"At??" tanong ko ulit"Pwede bang ikaw muna magbantay kay itlog? hehehehe" nagdadalawang isip na sabi na nito
"Okay lang basta kay Baby Rayver, pero sa Tuesday kukunin niyo naman siya sakin hindi ba?" pangka-klaro kong tanong dito
Tumango lang siya kaya napangiti ako at nag thumbs up sa kanya.
YOU ARE READING
Lost in Love
Romance'TRUE LOVE WAITS' -Siguro para sa inyo isa na ang salitang ito sa mga pinaka common na mga salita na palagi mong naririnig sa mga teleserye o sa mga soap opera. Pero hindi sa kanilang dalawa, dahil naging mahirap ang mga araw na naghintay sila isa't...