ALICE's POV
"CALI MIKHAIL!!!!!!!!!" sigaw ko nang makita ko sa living room si Titus na naglalaro.
Ngunit hindi mga laruan ang nilalaro nito kundi ang chocolate cake na binake ko kanina.
"Ano 'yun Misis ko? binabantayan ko pa kasi si Titussa. Omayghash what you have done Titus?!" gulat nitong sabi at ibinigay sakin si Titussa
Tinignan ko lang siya nang masama dahil sa inasal niya.
Tumakbo siya papunta kay Titus at agad itong kinarga.
Akala niya siguro hindi ko alam na siya ang nag bigay nang cake kay Titus.
Palagi naman niyang sino-spoil si Titus eh tapos si Titussa naman ganun din.
Kaya kahit minsan kapag pinapagalitan ko silang dalawa palagi silang nagsusumbong kay Mikhail.
"Mikhail!!!! linisin mo 'tong living room! Mamaya dadating na sina mama!" sigaw ko at pinaupo si Titussa sa couch
"Sandali lang Misis!!!!!!! pinapalitan ko pa nang damit si Titus." sigaw din nito sakin
Napabuntong hininga nalang ako at muling kinarga si Titus tsaka naglakad papunta sa kusina.
"Nanay Dorothy paki bantay po si Titussa maglilinis lang ako." nakangiti kong sabi at ibinigay sa kanya si Titussa
Tapos kinuha ko ang tornado mop namin at galit na naglakad pabalik sa living room.
At agad kong nilinisan ang kalat sa buong living room.
Nang sinigurado kong malinis na ang living room agad kong binalik ang mop sa lalagayan nito at kinuha si Titussa mula kay Nanay Dorothy.
"Malapit na po bang maluto ang mga pagkain?" tanong ko
"Nakooo tapos na po kami sa pagluluto." nakangiti nitong sabi
Kaya napangiti ako at napatango.
"Mabuti naman po para makasabay na din kayo sa reunion." nakangiti kong sabi
Ngunit agad din naman siyang umiling
"Nako h'wag na po! nahihiya kami eh." mahina nitong sabi kaya napatawa nalang ako
"Ahh Basta! asahan kong andun kayong lahat sa labas mamaya para makapag enjoy okay?" nakangiti kong sabi
Magsasalita pa sana siya ngunit agad akong tumakbo palabas nang kusina.
Dahil panigurado ako kapag nagtagal pa ako dun, maririnig ko na naman ang pagtutol ni Nanay Dorothy.
"Nako nakabusangot na naman ang misis ko." napa irap nalang ako nang marinig ko na naman ang boses nang magaling kong asawa
"Dada!! Dada!!" nakangiting tawag ni Titussa sa kanya
Kaya masama ko siyang tinignan ngunit tinawanan niya lang ako at hinalikan ang noo ko.
"Pagod ka?" tanong nito
Tumango lang ako at naglakad papuntang couch tsaka umupo dito at agad din naman niya akong tinabihan.
"Oo eh." mahina kong sabi at pinaupo si Titussa sa gitna namin ni Mikhail
"Nabibigatan na ako kay Titus Misis ko." malambing nitong sabi kaya tinignan ko siya nang masama
"Bakit nung dinala ko ba sila nang 9 months nagreklamo ba ako?!" asik ko
"Uwaaaa Uwaaa Uwaaaa." iyak ni Titus kaya kinuha ko siya sa kanya at ako naman ang kumarga.
YOU ARE READING
Lost in Love
Romance'TRUE LOVE WAITS' -Siguro para sa inyo isa na ang salitang ito sa mga pinaka common na mga salita na palagi mong naririnig sa mga teleserye o sa mga soap opera. Pero hindi sa kanilang dalawa, dahil naging mahirap ang mga araw na naghintay sila isa't...