Chapter 18

0 0 0
                                    

"CHARD paki abot nga nang bag ni Rayver." utos ko sa kay Chard na kasalukuyang nag pi-picture.

Obsessed din sa sarili tong baklitang to eh.

"Ay sorry sis, eto na oh." nakangiti nitong sabi at inabot sakin ang bag ni Rayver na agad ko ding kinuha at nilagay sa tabi ko.

Napatingin ako loob nang van at napa kunot ang noo ko nang makita kong bakante ang ibang upuan at tanging ako pa lamang at si Chard ang nasa loob nang van.

Kaya tinignan ko siya nang masama kaya napatigil ito sa pagpi-picture at taka akong tinignan.

"Paki explain mo nga at bakit tayong tatlo lang ang andito sa loob nang Van?"  inis kong tanong

Ngunit ngitian niya lang ako kaya mas lalo ko siyang  tinignan nang masama, magsasalita na sana siya ngunit agad na bumukas ang pintuan nang sasakyan kaya nalipat ang atensyon ko.

"Bakit ka nandito?!!" gulat kong tanong at itinuro si Iza

Gulong gulo na talaga ako bat nandito si Iza at talagang kasama pa nito ang dalawa kong assistant

"Calm down sissy, kami ang glam team niyo at si sis Leyna ang kumuha samin okay?" nakangiti nitong sabi at umupo na sa likuran namin katabi ang dalawa kong assistant

Kaya napabuntong hininga nalang ako, ano pa ang magagawa ko? andito na sila eh tsk.

"By the way, okay na ba ang lahat? How about our writers? The actors? At ang mga camera man natin?." sunod sunod kong tanong at nilingon si Shannon

Agad niyang inilabas ang cellphone niya  at sinagot ang mga tanong ko.

"Okay na po ang lahat, we have 3 vans at isang private Bus na prinovide nang Kuya niyo po. Since marami po ang crew at ang mga writers napagdesisyunan nalang din po nila na sa Bus nalang sila para mas komportable. And for the actors pinagamit na po namin sa kanila ang dalawang Van, while yung natitirang isang Van po ay pinagamit po namin sa Glam team at sa team po ni Miss Leyna. Okay na po ang lahat and we're ready to go!!!!" nakangiti na sabi nito

Kaya napatawa nang malakas si Chard at mahinang hinampas si Shannon.

"Ang OA mo sis" natatawa nitong sabi

Kaya napailing nalang at napatingin kay Rayver na kasalukuyang natutulog habang karga karga ko.

"I assume air condition ang Bus?." pahabol kong tanong

"Yes Miss Alice." mabilis na sagot ni Heather kaya napatango nalang ako.

"Tell them that we need to move para maaga tayong makadating sa location." diretso kong sabi at napasandal habang tinapik tapik ko ang likuran ni Rayver

"I already texted them Miss at nauna na ang Van nang Glam Team, tapos sinundan po nang dalawang Van nang Actors and then tayo at sa likuran po natin ay ang Private Bus." mahaba nitong paliwanag

Hindi na ako nagsalita pa at napatingin nalang sa labas nang sasakyan.

"Sis kung nangangalay ka na kay Rayver sabihan mo kami ha? Para palitan kami sa pagbabantay sa kanya." rinig kong sabi ni Chard kaya napatingin ako sa kanya at napatango

"Thanks, Chard." nakangiti kong sabi at muling ibinaling ang atensyon ko sa labas

Naramdaman kong gumalaw si Rayver kaya agad ko siyang tinignan.

At kitang kita sa pagmumukha nito na kakagising pa lang niya dahil yung mga talukap nang mga mata niya ay bumabagsak pa kaya napatawa ako at hinalikan ang noo niya dahil sa panggigil ko

"Mamoo dlenk melk, dlenk melk" bulol na sabi nito at nagsisimula na niyang ulit isubo ang mga daliri niya kaya agad ko itong inilayo sa bibig niya at kinuha sa bag niya ang lalagyan nang gatas niya at agad na pinadede ito sa kanya.

Kinuha ko sa bag ko ang wet wipes nito at pinunasan ang mga daliri niya.

"Dapat clean ka always h'wag mong gayahin si Daddy mo kasi si Daddy mo dugyot yun okay?" pangbaby talk ko sa kanya ngunit napabuntong hininga nalang ako nang makita kong tulog na naman ito

Hayst manang mana talaga siya kay Ate Leyna hayst.

Kamusta na kaya ang dalawang 'yun? hmmm matawagan nga sila

Kinuha ko ang cellphone ko na nasa bagpack ko na nakaconnect sa powerbank dahil na lowbat ako kagabi kakapanood ko nang k-drama

Agad akong nag connect sa pocket wifi na dala ni Chard at binuksan ang messenger ko.

Bumungad sakin ang sangkatutak na messages mula sa mga ka batchmates ko dahil nagpa-plano na naman ulit sila para sa susunod na reunion.

Reunion my ass, lahat nang pupunta dun I'm sure lahat sila magpaplastikan lang tsk.

Agad kong chinat si Kuya nang makita kong online siya.

'Kuys kasama mo ngayon si Ate Leyna?'
chat ko dito

Di nagtagal ay nakita ko na ding typing siya

'Helloo goodmorning my Dear sister, yes kasama ko si Leyna why?'
sagot nito

Kahit kailan talaga!! grrrrrrr

'Video call tayo'
reply ko

Nang nakita kong na seen na niya ang message ko agad ko siyang tinawagan

Di naman matagal ang paghihintay ko na sagutin niya ang tawag agad na lumabas ang pagmumukha niya sa screen nang cellphone ko.

Maingat kong hinawakan ang likuran ni Rayver gamit ang isa kong kamay at ang isa naman ay ginamit ko sa paghawak nang cellphone ko.

"Zup kuys good morning, zup ate good morning." bati ko sa kanilang dalawa

Halatang kakagising lang ni Kuya dahil magulo pa ang buhok nito ngunit si Ate Leyna halatang kakatapos niya lang
mag shower dahil basa pa ang buhok nito

"Ang aga aga Kuya, ML na agad ang inaatupag mo." inis kong sabi sa kanya

Ngunit narinig ko lang siya na tumawa kaya agad siyang binatukan ni Ate.

"Tama ka Alice! pagkagising niya agad siyang naglaro nang ML at buti nalang at chinat mo siya para mag video call." rinig kong sabi ni Ate

Kaya napatango nalang ko at ibinababa ang cellphone para makita nila si Itlog.

"Abaaa buhay senyorito ang anak ko ah." rinig kong sabi ni Kuya kaya napatawa nalang ako

"Nako Alice baka mangalagay ka niyan, ang bigat pa naman ni Rayver." nag-aalala na sabi nito kaya muli kong itinaas ang cellphone ko at nginitian lang silang dalawa

"Okay lang, i enjoy niyo muna ang mga oras na magkasama kayo, mag date kayong dalawa okay? Ako na muna bahala kay Itlog." nakangiti kong sabi

"Thank you talaga Alice, thank you." halos maluha na sabi ni Ate Leyna

Kaya mas lalong lumapad ang ngiti ko dahil sa sinabi niya.

"Sige ate, kuys baka naistorbo ko kayong dalawa hahahaha. Kitakits nalang bukas mag ingat kayong dalawa okay? Mamaya papalitan ko na din nang diaper si Rayver dahil mag lu-lunch na din kami mamaya. And yes!, allergy si itlog sa peanuts noted ate and kuys hahahaha. I love the both of you okay? Ingat kayo mwaaa byee" paalam ko at di nagtagal ay nagpaalam na din silang dalawa dahil may pupuntahan pa daw sila.

Muli kong ibinalik ang cellphone ko sa bag ko ngunit napatigil ako nang ilang sandali dahil naramdaman kong bumilis ang tibok nang puso ko.

Mali 'to, hindi maaring bumilis ang tibok nang puso ko.

Huling bumilis ang tibok nang puso ko 8 years na ang nakakalipas.

At naramdaman ko lang iyon sa iisang lugar at sa iisang tao.

Sa Isla Pagpalangga at sa lalaking hinding hindi ko makakalimutan.

Lost in LoveWhere stories live. Discover now