Chapter 2

5 0 0
                                    

BUMUNGAD sakin ang tahimik na kapaligiran nang Isla Pagpalangga kaya mas lalong naging kampante ang tibok nang puso ko.

Matagal na din akong hindi nakabalik dito dahil hindi na ako pinapagayan ni mama at papa.

Naalala ko,10 years old palang ako nun nang muli kaming bumisita dito pero sa pagkaalala ko din yun na ang huling pagbalik namin dito.

"Aba? Alice? Ikaw ba yan?" napabalik ako sa wisyo ko nang niyakap ako nang isang matandang lalaki?

Agad siyang kumalas sa yakap at hinawakan ang kamay ko.

Teka sandali!!! Matandang lalaki?

"Patawad at nagulat kita, ako ito si Tatay Delfin." nakangiti nitong sabi

Napahawak ako sa ulo ko at pilit na hinahalukay sa memorya ko ang mukha nito.

Siya nga!!! Si Tatay Delfin nga ito!!

Legit talaga siya!!!! kyahhhhh

"Opo, ako po ito. Si Alice po ito." nakangiti kong sabi

"Buti nalang at nakilala kita dahil sa bracelet na yan. Huling kita ko sayo ang liit liit mo pa noon eh." mangha na sabi nito

"Patawad po Tatay Delfin, hindi na po ako pinapagayan ni mama at papa na lumabas nang bahay at pumunta sa malalayong lugar eh. Ngayon lang ako nagkaroon nang pagkakataon." nakangiti kong sabi.

"Sige na at pumunta muna tayo sa bahay para makapaghinga ka." aya nito nito sakin kaya tumango lang ako at sinundan siya.

Tahimik na baybayin ang sumalubong sakin nang naglalakad kami papuntang bahay nila.

Lumipas na ang ilang dekada ngunit halatang inalagan talaga nang mga tumitira dito ang Isla.

"Sige na pumasok kana" napabaling ang tingin ko kay Tatay Delfin at di kalaunan ay napatingin sa bahay nila.

Maganda ang bahay nina Tatay Delfin at pati na din ang mga katabing mga bahay din nila.

Lahat nang makikita mong bahay ay hindi bahay na gawa sa semento.

Kundi ito ay ang traditional na mga bahay na tinatawag nating kubo.

Malaki at tahimik na loob nang bahay ang bumungad sakin.

"Wala dito ngayon si Nanay Elisa mo at baka nasa bayan pa iyon at nakikipagchismisan pa sa mga kumare niya." natatawa na sabi ni Tatay Delfin.

Kaya napatawa nalang din ako.

"Ah oo nga pala, nasaan po si Roxanne at Nato?" takang tanong ko

"Si Roxanne malamang nasa bayan din at sinasamahan si Elisa samantala si Nato, ewan ko lalaking iyon at saan pumupunta." mahaba nitong paliwanag at nagsalin nang tubig sa baso at agad na ininom ito.

"Oh siya sige at susunduin ko lang ang mag ina ko sa bayan. Pwede ka naman maglibot libot dito tutal kilala ka pa naman nang iba dito. Oh siya alis muna ako." paalam nito tumango lang at napaupo sa upuan nila na gawa sa kawayan.

At di nagtagal ay umalis na din siya.

Napangiti ako nang makita kong mula sa inuupuan ko kitang kita ang payapa at ang kaakit akit na dagat.

Kaya agad kong kinuha ang bagpack ko at nagmamadaling tumakbo palabas nang bahay.

This it it!

Eto na yung lugar kung saan masisimulan ko na ang ipu-publish kong libro.

Nag ikot ikot ako ibang bahagi nang isla at nag pop out sa utak kong may malapit na rock formation dito.

Na kapag dun ka naka pwesto kitang kitang mo ang magandang tanawin nang baybayin.

Sinigurado akong alam ko pa yung daan papunta dun eh.

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad basi sa mga naalala ko.

"Kyahhh nahanap na nga kita!!!!!" masaya kong sabi at napatalon dahil nasa harapan ko na ang mga naglalakihang mga bato.

"Hindi pa naman pala mapurol ang utak ko hahaha" natatawa kong kausap sa sarili ko at napaluhod para I make sure na nakatali nang maayos ang shoelace ko.

Nakangiti akong tumayo at muling napatingin sa rock formation na nakapameywang.

"Go go go" natatawa kong sabi habang ginagaya ang boses ni Rufa Mae Quinto

Kaya maingat akong umakyat dito.

"Kyahhh ang ganda pa din dito!!" napasigaw nalang ako sa dahil sa saya nang na realize kong nakikita ko na mula sa kinatatayuan ko ang kagandahan nang dagat.

"Hindi man ako si Rihanna pero I need to work work work hehehehe" nakangiti kong sabi at komportable nang umupo dito.

Agadkinuha ang laptop at mga notebooks ko mula sa bag ko ngunit napabaling ang tingin ko sa cellphone ko.

Aishttt kakainin ako nang konsesya sa ginagawa ko, pero okay lang bahala na.

Kaagaran kong hinahanap ang pangalan ni Iza sa contacts ko at mabilis siyang tinawagan.

Sige naaaa Iza sagutin mo na ang tawag!!!

"Oh ano?!! Buhay kapa?!!" napangiwi nalang ako dahil sa lakas nang boses nito.

Para kang talagang si Mama tsk.

"Hello, sa pinakamaganda kong kaibigan." pambobola ko dito

"Ay nakoo Alice, hinding hindi mo ako maloloko ano na naman ang gusto mo?" inis na tanong nito

"Dito sana ako for 1 week hehehe pagtakpan mo ako oh!" alam kong impossible pero kailangan kong ngayon sumugal.

"Baliw ka ba Alice?!!! One week? baka katayin na ako nang pamilya mo! Nakooo ayoko! mamaya susunduin kita!" napapikit nalang ako nang mga mata dahil sa sinabi niya.

"Huy Alic--e and-iya--n ka pa?!" bakit parang paputol putol ang sinasabi nito?

Inilayo ko ang cellphone ko at halos pagsakluban ako nang langit nang makitang pawala wala ang signal.

"Izaaaa! naririnig mo pa ako?!!! Izaaaa" nagbabasakali kong tanong

Pero nawalan na ako nang pag asa nang   tuluyan nang hindi ko na makontak si Iza.

Mapapatay ako ni Mama, Papa at Kuya nito.

Ah basta bahala na!!!

Muli kong ibinalik ang cellphone ko sa bag at ibinaling nalang ang atensyon ko sa laptop.

Hmmm ano kaya ang magandang title?

Pag-ibig pag-ibig parang ikaw ay nag iigib?

Ikaw at ako edi tayo?

Mahal mo 'ko? Ilan kami sa puso mo?

Ahhhh!!! halos dumugo na ang utak ko dahil title palang nang libro hindi ko na mapag desisyunan.

Hindi kaya mapapatay ako ni mama, papa at kuya?

Aishtttt ewan ko naaaaa!!!!

Ibinaling ko nalang ang tingin ko sa dagat at napabuntong hininga.

"Pag lumaki na tayo at may sari sarili nang trabaho papakasalan kita!!!"

"Basta ako? magiging sikat ako na writer at papakasalan kita!"

ahhh shittt!!

Napahiyaw ako sa sakit dahil kumikirot na naman ang ulo ko at may mga blurred na imahe ang nag pa pop-out sa utak ko

Hindi, hindi ngayon......

Naramdaman ko nalang may humawak sa likuran ko at tapos nun tinakasan na ako nang malay.


Lost in LoveWhere stories live. Discover now