"GOOD Job Everyone, that's for today. Pack your things now!! It's kainan timeeeeeee." rinig kong sabi ni Ate Leyna kaya nagsigawan ang lahat kaya napangiti na lang ako at inayos na ang gamit ni Rayver
"SAMGYUPSAL! SAMGYUPSAL! SAMGYUPSAL!" rinig kong sigaw nang lahat pagkalabas ko nang canopy at ibinigay kay Kuya ang bag ni Rayver
Taka niya akong tinignan kaya tinasaan ko siya nang kilay.
Ano na naman kaya ang trip nang hudas na to? tsk
"Akin na nga yan!!" agaw nito sa bag kaya napangiti na lang ako nang palihim dahil nanalo na naman ako kay Kuya
"Nasan si Itlog?" tanong ko at nilibot ang tingin ko sa mga kasamahan namin na kasalukuyang nag aayos na nang mga gamit ngunit hindi ko makita si Itlog
"Ayun na sa kay baklang Chard si Itlog." sabi nito kaya napatango nalang ako
"Miss Alice!! Sasama ka po ba samin?" tanong nang baguhang writer sakin nang dumaan sila sa harapan namin ni Kuya
"Oo naman." nakangiti kong sabi
Napangiti din sila at yumuko tsaka naglakad na paalis.
"Buti nalang at hindi ko na nakalimutan, mayroong mga changes ang mangyayari." kumunot ang noo ko dahil sa sinabi ni Kuya kaya agad ko siyang hinarap habang nakapameywang
"Chill sis, since andito na kami ni Leyna kailangan namin nang room na syempre kasama si Itlog. So napagdesisyunan namin at kung okay lang sayo na kami muna gumamit nang hotel room mo and kina Roxanne ka muna tutuloy since malapit din sa location ang bahay nila at makapagbonding din kayo. So ano call?" nakangiti kong sabi
Kaya natatawa ko siyang inakbayan at ginulo ang buhok niya bago sumagot
"Call!" sabi koNarinig ko lang siya na tumawa kaya nilubayan ko na ang buhok nito at muli siyang hinarap.
"Pero Kuya, hindi ko pa nakukuha ang mga gamit sa hotel, pano na yan?" tanong ko at nagsimula nang maglakad
Agad din naman siyang humabol sakin
"Nasa kotse ko na ang mga damit mo, para hindi kana ma stress." sabi nito
Kaya napatigil ako at taka siyang tinignan
"H'wag mo nga akong tignan nang ganyan!. Concerned lang naman ako! tsk." depensa nito
Kahit kailan talaga ang palpak ni Kuya mag sinungaling.
"Oh siya sige sige! halatang plinano mo talaga ang lahat." asik ko
Ngunit nagkibit balikat na lang siya at naunang naglakad.
Kahit kailan talaga 'tong si Kuya grrrrr.
Tumakbo ako papunta sa likod niya at nilingkis ang mga kamay ko sa leeg niya at buong lakas kong ginulo ang buhok niya kaya napayuko ito at pilit akong nilalayo.
Bonak ka Kuya!!!
Ganti ito nang isang API mwhahahaha
"Magsitigil nga kayo, si Mayor nasa harapan niyo oh!" rinig kong saway samin ni Ate Leyna ngunit hindi ko siya pinakinggan at mas lalong ginulo ang buhok ni Kuya.
"Alice!, Keifer!" galit na sabi nito at kinurot ako kaya agad akong lumayo kay Kuya habang hawak hawak ang braso kong kinurot ni Ate.
Pag may ka sadista talaga si Ate Leyna huhuhuhuhuhuu
"Ohhh Cali? Mayor ka na pala dito ngayon? Nice meeting you again pare." nakangiti na sabi ni Kuya at mahinang sinuntok ang balikat ni Mikhail
As if naman close silang dalawa, minsan feeling close din tong hudas kong kapatid eh.
YOU ARE READING
Lost in Love
Romance'TRUE LOVE WAITS' -Siguro para sa inyo isa na ang salitang ito sa mga pinaka common na mga salita na palagi mong naririnig sa mga teleserye o sa mga soap opera. Pero hindi sa kanilang dalawa, dahil naging mahirap ang mga araw na naghintay sila isa't...