MIKHAIL's POV
Now Playing: I Lay my Love on You by Westlife
"HUY Mikhail umupo ka nga! nahihilo ako sa pinanggagawa mo eh!!." inis na sabi ni Roxanne
"Kinakabahan ako!" bwelta ko
"So ano sisigaw na ba ako na hindi na 'to tuloy?" nang aasar na sabi nito
Hindi ko nalang siya pinansin at muling kinabisa ang mga sasabihin ko mamaya.
Napagdesisyunan kong I surprise si Alice hindi dahil wedding anniversary namin ngayon kung hindi para muling hingin ang kamay niya.
Kahit ang mga pamilya namin ay kinuntyaba ko na din.
Lahat nang mga angkan ko ay andito din ang mga kaibigan at katrabaho ni Alice ay nandito din.
Sinundo niya pa ang kambal sa school kasama si Hail.
Ang akala niya kasing konting salo salo lang ang magaganap ngayong araw.
Kaya ginrab ko na ang opportunity na'to para muling ipadama sa kanya na ilang taon man ang lumipas siya at siya lang ang ihaharap ko sa altar.
Nasa pool area kaming lahat ngayon, at ang mga kapamilya at mga kaibigan din namin ang nag tulong tulong para idesign itong pool area.
Dahil mula sa kinatatayuan ko kitang kita dito ang paglubog nang araw.
At gusto kong ipahiwatig sa kanya na tapos na ang mga araw nang paghihirap niya.
Ganun pala talaga 'yun no? Ilang taon man ang lumipas kapag mahal ko talaga ang isang tao hindi ka makakaahon sa kumunoy nang pagmamahal mo sa kanya.
Kahit na may tatlo na kaming anak, palagi tinatanong nang mga katrabaho ko kung bakit nagawa namin nagawa magtagal ni Alice.
Ang sinagot ko? yun ay ang pagmamahal at pagrespeto ko sa buong pagkatao niya.
Dahil kung mamahalin mo lang isang tao base sa panlabas na anyo nila darating ang araw na magsasawa ka at papalitan mo din siya.
Naging malupit si Tadhana samin noon.
Sinong mag aakala na ilang ulit na kaming naghiwalay.
Ilang ulit siyang umalis at ilang ulit din akong naghintay.
Pero masasabi kong dahil sa mga nangyari samin noon naging matatag kami ngayon.
Hindi ko pa ding kinakalimutan na kahit once a month ay yayain ko siya mag date.
Dahil hindi ko nagawa ang mga bagay na 'yun noon.
Masyadong limitado ang oras at ang mga araw ko noon, pero ngayon na asawa ko na siya ang dami kong pagkakataon na bumawi sa kanya.
Araw araw pa din akong kinikilig, araw araw pa din namumula ang pisngi ko, araw araw pa din akong nahuhulog kay Alice, at araw araw gusto koa pa din siyang pakasalan.
"Andito na si Ma'am Alice!!" sigaw ni Nanay Dorothy kaya mas lalong bumilis ang tibok nang puso ko
Agad din naming lumabas si Chard, Shannon at Kristen para kunin ang mga bata kay Alice at iguide siyang pumunta dito.
Yung pakiramdam ko noong araw na kinasal kaming dalawa, yun din ang nararamdaman ko ngayon.
Punyemas naman Mikhail! nababakla ka na na..man eh..
Parang tumigil ang ikot nang mundo nang nakita ko si Alice na nag naglalakad papunta sa direksyon ko habang pinunasan ang mga mata niya.
Bawat hakbang niya naalala ko ang mga nangyayari samin noon.
YOU ARE READING
Lost in Love
Romance'TRUE LOVE WAITS' -Siguro para sa inyo isa na ang salitang ito sa mga pinaka common na mga salita na palagi mong naririnig sa mga teleserye o sa mga soap opera. Pero hindi sa kanilang dalawa, dahil naging mahirap ang mga araw na naghintay sila isa't...