"AYY sis lutang ka?"
"Ha? hindi ah!" bwelta ko
Agad akong tumayo at lumayo kay Roxanne tsaka tumakbo papasok nang kwarto ko.
Napahiga nalang ako sa kama at napapikit nang mga mata ko.
Kahit hanggang ngayon, hindi ko pa din nag sink in sa utak ko yung sinabi niya kagabi.
Na maaring siya nga makatulong sakin, pero natatakot daw siya na baka hindi siya yung pinangakuan ko nang walang hanggan?
Oo, alam kong masyado pang magulo ang sitwasyon ni hindi ko nga din alam kong sino si Mikhail, kung parte ba siya nang nakaraan ko o baka twing nakikita at nakakasama ko siya naalala ko yung nakaraan ko dahil sa mga kilos nito at pananalita.
Kahit ako, hindi ko din maintindihan ang sarili ko.
Gusto ko nang makaalala para makabalik na ako sa maynila at makapamuhay na nang normal.
Pero may parte sa pagkatao ko na nagsasabi na sana hindi na bumalik ang mga alala ko at dito nalang manatili.
Argggggggghhhhhhh nababaliw na talaga ako!!!!!!!
"Alice! Tara na, kumain na tayo." napatigil ako sa pag over think ko nang marinig ko ang boses ni Roxanne mula sa labas
"Sige!" maikli kong sabi at bumangon na sa higaan
Inayos ko muna ang damit ko at ang sarili ko bago lumabas nang kwarto.
Bumungad sakin ang gulat na gulat na pagmumukha nilang apat nang umupo ako sa tabi ni Roxanne.
Sinubukan kong hindi pansinin ang mga titig nila at sumandok nang kanin at ulam tsaka nilagay iyon sa plato ko at kaagarang kinain ang mga ito.
"Aishttt ano po ba ang problema?" basag ko sa katahimikan at ibinaba ang hawak hawak kong kutsara at tinidor at hinarap silang apat.
"Yung mga mata mo kasi....." mahina na sabi ni Nato
Kaya nagtataka ko siyang tinignan
"Ayan tignan mo sa salamin sis." napabaling ang tingin ko kay Roxanne nang abutan ako nang salamin at agad ko din itong tinanggap.
Halos mahulog ang panga ko nang makita ko ang pagmumukha ko sa salamin.
Malalaking mga eyebags at mga pimples na nagkalat sa pagmumukha ko.
"Magpahinga ka muna ngayon Alice." napayuko nalang ako at inilapag ang salamin sa mesa dahil sa sinabi ni Nato
Ganun na ba talaga ka stress ang pagmumukha ko para kailangan ko na nang mahabang pahinga? huhuhuhuh
Muli kong iniangat ang ulo ko at nagsalita.
"Sige, ako nalang po muna bahala ngayon dito sa bahay, tsaka h'wag na po kayo mag alala okay lang ko." nakangiti kong sabi"Kailangan mo talaga nang beauty sleep sis." mahina na sabi ni Roxanne at tinapik ang balikat ko tsaka tumayo.
"Oh siya sige, aalis na kami at magpahinga ka na din." malumanay na sabi ni Nanay Elisa at tumayo na din
Tumango lang ako at di nagtagal ay umalis na din sila.
Tsaka ko niligpit ang pinagkainan namin at agad ko ding hinugasan ang mga plato at ang iba pang mga kubyertos na ginamit namin.
Napabuntong hininga nalang ako at napaupo sa upuan na nakaharap sa TV dahil na din sa pagod at stress.
Baka mawala na ako sa katinuan nito huhuhuhuh
Wala din naman akong choice kundi manood nalang ng TV
"Whaa---t? Adventure Time at Amazing World of Gumball? Omooooo." di ko makapaniwalang bulalas nang ipinalabas sa TV ang mga paborito kong cartoons
Siguro kapag nagpatuloy tuloy pa ang pag iisa ko at pagkaburyo sa buhay ko feeling ko mababaliw na ako nito.
"Hello Ate!!!!" napatayo ako mula sa pagkakaupo at napatingin sa kakadating lang na si Clyde hawak hawak ang isang malaking paperbag.
Akala ko sinabihan siya ni Nato na h'wag munang pumunta dito at magbantay dahil hindi naman ako lalabas.
Kahit nagdadalawang isip lumapit ako sa kanya at kinuha ang dala dala nitong paperbag at inigalay iyon sa inuupuan ko at tinignan siya.
"Sino nag bigay sayo nito baby Clyde? Diba sabi nina Mame mo don't talk to strangers?" pangbaby talk ko at ginulo ang buhok niya
"Hindi naman po siya stranger, si Kuya Cali po ang nagbigay nyan. Sabi niya ibigay ko daw sayo yan para di ka na maging sad at sasamahan kita ngayong araw." masaya nitong sabi
Napangiti nalang ako kinurot ang pisngi niya.
"Sige umupo ka na dun at pwede mo nang kainin ang binigay niya lalabas lang ako sandali." sabi ko at itinuro ang inuupan ko kanina kaya tumango lang siya at tumango tsaka naglakad papunta sa upuan at umupo dito.
Agad kong isinuot ang tsinelas ko at nagmamadaling lumabas nang bahay.
Ngunit ang bumungad sakin ay hindi si Mikhail o ang kotse nito.
Kundi ang mga batang naglalaro
Bonak na bokya na naman ako
Napabuntong hininga nalang at naglakad nalang ulit pabalik nang bahay.
"Ate kain ka." nakangiti nitong sabi pagkapasok ko sa bahay kaya napaupo nalang ako sa tabi niya at niyakap siya.
Kapag nakakaramdam ako nang lungkot nagiging clingy ako.
Ewan ko ba parang eto lang ang nagiging way ko para hindi ako maging masyadong malungkot
"Ate sad ka ba?" rinig kong tanong nito
Kaya napatawa ako at kumalas sa pagkakayap sa kanya tsaka mahinang kinurot ang pisngi niya.
"Nakoo baby Clyde okay lang si Ate, Kain nalang tayo nito." nakangiti kong sabi at itinaas ang paperbag na naglalaman nang mga candy, chocolate at mga biscuits.
TAWA lang kami nang tawa whole day dahil sa mga comedy na movie na pinapanood namin.
Mga almost 5 o' clock siguro nung pinatoothbrush ko na siya at pinainom nang maraming tubig tsaka hinatid sa kanilang bahay.
At di nagtagal ay dumating na din sina Roxanne.
At kasalukuyang nang naghahanda nang hapunan.
"Kamusta ka?" bungad na tanong nito at umupo sa tabi ko at nanunood na din nang TV.
"Okay lang nakakatuwa nga si Clyde eh." natatawa kong sabi
"Ngumiti ka nga, pero ang tanong masaya ka ba?" napatigil ako dahil sa sinabi nito at tinignan siya
"Okay lang ako Nato h'wag kang mag alala." mahina kong sabi dahil iniiwasan kong marinig iyon nina Nanay Elisa.
"Palagi mong piliin maging masaya." makahulugan na sabi at tinapik ang balikat ko tsaka tumayo at naglakad papunta sa kusina para tumulong kina Nanay.
Di nagtagal ay tumayo na din ako at sumunod sa kanya tsaka niyakap sa likuran si Nanay Elisa na halatang busy sa paghahanda nang ulam.
"Nanay paano niyo po nalaman na si Tatay Delfin na ang love of your life?" mahina kong tanong
Ngunit narinig kong tumawa silang lahat kaya kumalas ako sa pagkakayap kay Nanay Elisa at tinignan sila habang nakapameywang.
Ngunit hinahawakan lang ni Nanay Elisa ang dalawa kong kamay at binitawan ang mga salitang nag pa bago nang perception ko sa salitang pagmamahal.
"Makakatagpo ka nang taong handa mong ipaglaban at iiyakan mo gabi gabi. Pero piliin mo yung taong ipaglalaban ka din, at handang palitan ang mga gabi gabi mong pag iyak nang mga ngiti sa labi mo at pagmamahal sa puso mo."
YOU ARE READING
Lost in Love
Romance'TRUE LOVE WAITS' -Siguro para sa inyo isa na ang salitang ito sa mga pinaka common na mga salita na palagi mong naririnig sa mga teleserye o sa mga soap opera. Pero hindi sa kanilang dalawa, dahil naging mahirap ang mga araw na naghintay sila isa't...