"GOODMORNING Ma'am, Sir." nakangiti na bati samin nang isang staff kaya nginitian ko din siya.
Bumungad sakin ang malinis na dagat, nagkalat na mga bakasyonista, at mga bata na naglalaro.
Na amaze din ako dahil kahit dumadami na ang mga tao, na napanatili pa din nila ang kalinisan nang Resort.
At magandang location din ito dahil mula sa kinatatayuan namin kitang kita ang dalawang bundok na sigurado akong magiging isa itong magandang tanawin kapag lumubog na ang araw.
Nice!!! Pwede ito!
"Maglibot libot muna tayo." nakangiti kong sabi at tinignan siya
Ngunit nagkibit balikat lang siya kaya napabuntong hininga nalang ako.
Kanina pa kasi siya tahimik, pero isinawalang bahala ko lang ito.
Tsaka wala din naman akong karapatan mag demand sa kanya.
Kinuha ko yung cellphone ko sa bag ko at kinuhanan nang litrato ang mga magagandang spots dito sa beach resort.
"What? Ngayong araw ba 'yun?" napatigil ako sa pagkuha nang litrato nang marinig kong may kinakausap si Mikhail.
Kaya nilingon ko siya at hawak hawak nito ang cellphone niya.
Halatang halata sa pagmumukha nito ang pagod at stress.
Di nagtagal ay ibinaba na niya ang cellphone niya agad akong tumingin sa cellphone ko na kunwari busy ako pagtitingin nang mga nakuha kong litrato.
"Aalis na ako" napa angat ako nang tingin ko nang marinig ko siyang nagsalita.
Nginitian ko lang siya at tumango.
"Sige, I send mo nalang sakin via email ang mga iba pang lugar na maari kong puntahan." sabi ko
"I need to go." maikli nitong sabi at nagmamadaling tumakbo
Busy nga siguro talaga siya, so I guess kailangan ko nang pumunta sa iba pang mga tourist spot para hindi ako abutan nang dilim.
Hahakbang na nasa ako ngunit narinig kong tumutunog ang cellphone ko kaya agad akong napatingin dito at napabuntong hininga nang makitang si Ate Leyna lang pala kaya agad kong sinagot ang tawag.
"Hello Ate," bati ko
"Hello Alice so kamusta?" tanong nito
"Si Cali po umailis na, baka may emergency sa City Hall. At okay lang din Ate, may mga lugar na akong puntahan dito at sigurado akong maganda ding gawing location ang mga 'yun." paliwanag ko
"Ahh ganun ba? Sige, basta mag ingat ka Alice." paalala nito
"Oo naman Ate, sige po ba byeee ingat din kayo." paalam ko at inibaba na ang tawag
Napakamot nalang ako sa batok ko dahil sa sobrang pagkastress sa nangyayari.
Owww shoot wala na akong sapat na oras, kailangan ko nang magmadali!
Agad akong tumakbo palabas nang Resort at dumiretso sa sasakyan ko tsaka mabilis na nagmaneho.
Habang nagmamaneho pilit ko ding hinahalukay sa alala ko ang daan papunta sa pares na kinainan namin noon.
Yung motif kasi nang kainan nila sobrang inspiring.
Ang mga pictures nang mga kamag anak nila na at kung pano nagsimula ang kainan nila.
Pero di lang ako sure kung nakatayo pa ba 'yun.
Agad kong pinatigil ang sasakyan nang na maaninag ko ang isang pamilyar na kainan.
YOU ARE READING
Lost in Love
Romance'TRUE LOVE WAITS' -Siguro para sa inyo isa na ang salitang ito sa mga pinaka common na mga salita na palagi mong naririnig sa mga teleserye o sa mga soap opera. Pero hindi sa kanilang dalawa, dahil naging mahirap ang mga araw na naghintay sila isa't...