Chapter 29

1 0 0
                                    

"MOMMY!!!! Inaaway na naman ako ni Kuyaaaaaa!!!"

Napabuntong hininga nalang ako nang marinig ko na naman ang boses ni Titussa.

Ibinaba ko ang hawak hawak kong ballpen tsaka shinutdown ang laptop ko tsaka naglakad papunta sa Living Room.

Nasaan na naman kaya ang magaling kong asawa?

Bumungad sakin ang umiiyak na si Titussa habang si Titus ay kumakain nang lunch niya.

Agad kong nilapitan si Titussa at inayos ang buhok nito hinalikan ang noo niya.

"Bat umiiyak si Titussa hmmmm?" pangbaby talk ko

Ngunit nagulat ako nang ini angat niya ang ulo niya at nakita kong puno nang marker ang pagmumukha niya.

Kaya agad akong tumayo at kumuha nang wet wipes sa kwarto nilang dalawa at maingat na tinanggal ang mga marker sa mukha niya.

"Good afternoon Misis ko." nakangiti na bati sakin ni Mikhail kaya napabuntong nalang ako at hinarap siya.

"Paki dala si Titussa sa kwarto nila. Kakausapin ko lang si Titus." nagpipigil kong sabi

Hindi na siya nagtanong pa at tumango nalang tsaka kinarga si Titussa at naglakad na paalis.

Muli akong napabuntong hininga at umupo sa couch habang nakatingin kay Titus na kasalukuyan pa ding kumakain.

Nang matapos na siyang kumain agad din naman itong niligpit ni Nanay Dorothy at sinamahan siya para mag toothbrush na. 

Pagkatapos nitong magtoothbrush naka yuko siyang naglakad papalapit sakin kaya napapikit nalang ako nang mga mata ko.

"Mommy." mahina na sabi ni Titus kaya napamulat ako nang mga mata ko nang marinig ko ang boses nang anak ko.

Nakayuko lang siya habang nakatayo sa harapan ko kaya hinawakan ko ang kamay niya.

"Titus tignan mo si Mommy." mahina kong sabi

Mabilis niyang itinaas ang ulo niya at tinignan ako kahit naiiyak na siya.

"Ba't mo nagawa sa kakambal mo 'yun?" tanong ko

Pero wala na, umiiyak na siya.

Ngunit, pinipigilan ko pa din ang sarili ko na yakapin at patahanin siya.

Kailangan niya ding malaman na nagkamali siya.

"Kasi mommy, narinig ko sa mga classmates kong lalaki, nagagandahan sila kay Titussa huhuhuhuh." paliwanag nito habang umiiyak

Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.

"Pero bakit umabot sa ganun?" mahina kong tanong

"Kasi ayaw ko sa kanila, baby pa si Titussa mommy huhuhuhu." sabi nito at niyakap ako nang mahigpit.

Mahina kong tinapik tapik ang balikat niya at lihim na napangiti.

Naalala ko kami ni Kuya noong mga bata pa kami, ayaw niya din akong lumalabas nang bahay dahil natatakot siyang makita ako nang mga kaibigan niya.

"Sige na, puntahan mo na ang kakambal mo at humingi ka nang sorry tapos muli tayong mag uusap okay?." muli kong sabi at hinalikan ang noo niya.

Tumango lang siya at tumakbo na, kaya napatayo ako at napabuntong hininga.

Ilang buntong hininga na kaya ang nagagawa ko ngayong araw?

"I love you Mommy!" napatigil ako nang sumigaw si Titus at nang tinignan ko siya, nginitian niya lang ako at nagthumbs up tsaka muling tumakbo papuntang kwarto nila.

Lost in LoveWhere stories live. Discover now