"THANK you nga po pala sa Breakfast." nakangiti kong sabi kina Nanay Elisa at Tatay Delfin
"Hay nakooo ikaw talagang bata ka" nakangiti na sabi ni Nanay Elisa
"Sige po, Mauna na po ako." paalam ko sa kanila at nagmano
"Oh siya sige kami na ang bahala mag explain kay Rxanne kung bakit maaga kang umalis. Mag iingat ka, Alice." sabi naman ni Tatay Delfin
Kaya ngumiti nalang ako at nagthumbs up sa kanila tsaka ko kinuha ang bag ko na nasa upuan at naglakad na palabas nang bahay.
*ringgg ringgg ringgg
Napatigil ako sa paglalakad papunta sa kotse nang narinig kong tumunog ang cellphone ko.
Kaya agad ko itong kinuha sa bag ko at sinagot ang tawag
"Hello, goodmorning." bungad kong sabi
"Aliceee my beautiful sister."
That damn voice
"Ano na naman ang trip mo ngayon Kuya?." inis kong tanong
"Kakausapin ka ni Leyna no!, attitude ka bunsoy?" bwelta naman nito
Kaya napailing nalang ako dahil sa nilulumot na utak ni Kuya.
Pero ano kaya ang kailangan ni Ate Leyna sakin? hmmmm
"Hello Alice? Si Leyna to, by the way goodmorning."
"Hello, Ate goodmorning din po bat po kayo napatawag?" tanong ko
"May favor sana akong hihilingin sayo." mahina nitong sabi
Hmmmmm I smell something fishy
"Ano po 'yun?" kinakabahan kong tanong
"Si Elise kasi, yung taga check nang mga location natin para sa mga upcoming shootings natin ay umuwi kani kanina lang dahil may emergency daw sa kanila. Sinubukan kong mag reach out sa team ko at sa team mo pero sabi nila kahit sila daw ay walang kilala at hindi alam ang pasikot sikot dito. So I need your help Alice." paliwanag nito
Sinasabi na nga ba eh, hayst
"Ok--ay lang sakin Ate hehehe." yun nalang ang nasabi ko kahit nagdadalawang isip pa ako.
Wala din naman akong magawa kaya pumayag nalang ako.
"So syempre para sa mapanatag ang loob namin ni Kiefer napagdesisyunan namin na pasamahan ka sa taong sure kaming hindi ka papabayaan." sabi nito
Kaya napaisip ako kung sino na naman kaya ang makakasama ko?
"Aishttt Ate, hindi pwedeng sumama si Roxanne alam naman ni Kuya na buntis na siya." depensa ko
Si Roxanne lang naman ang pinagkakatiwalaan ni Kuya eh.
Kaso minsan talaga hindi pinapagana ni Kuya ang utak niya.
"Ano akala mo sakin tanga?, never kong naisip na ang ipapasama ko sayo ay si Roxanne. At syempre pinili ko din ang taong alam ang pasikot sikot dito sa Isla at syempre trustworthy din. Hulaan mo Alicee, surprise!! si Mayor Cali iyon hahaha" mahaba na paliwanag ni Kuya
Ba't kasi ang kulit kulit ni Kuya? nakakainis na talaga siya!!!
Wh--a--t?!! Si Mikhail? Baliw ba siya?
No! No! No! Ayoko! Ayoko! Ayoko!
"Uyy speechless si Bunsoy hahaha, and by the way sunduin mo daw siya sa City Hall wala daw siyang kotse eh. Gamitin niyo muna kotse ko para sa roadtrip niyo. Ingat bunsoy! Iloveyou hahahaha."
YOU ARE READING
Lost in Love
Romance'TRUE LOVE WAITS' -Siguro para sa inyo isa na ang salitang ito sa mga pinaka common na mga salita na palagi mong naririnig sa mga teleserye o sa mga soap opera. Pero hindi sa kanilang dalawa, dahil naging mahirap ang mga araw na naghintay sila isa't...