Chapter 11

2 0 0
                                    

"MAG FOCUS ka nga sa pagmamaneho!." asik ko sa kanya

Kanina pa kasi siya nakatingin sakin habang nagmamaneho.

"Sorry, sinisigurado ko lang na okay ka." malumanay na sabi niya

Kaya tumango nalang ako at muling ibinaling ang atensyon ko sa labas nang kotse.

Pagkalabas namin sa ospital, pumunta kami pinaka malapit na pharmacy para bumili nang mga gamot ko.

At bumalik din kami agad sa kotse malapit na ding gumabi.

Ang bilis nga nang oras eh, ilang lugar pa lang ang napupuntahan namin tapos  mag-gagabi na hayst.

"Gusto mo muna mag dinner?" tanong nito

Tumango lang ako bilang sagot ko ngunit hindi ko na siya liningon.

Katahimikan ulit ang namayani sa amin at wala ni isa saming dalawa ang gustong bumasag dito.

Bipolar yata 'tong si Mikhail eh!

Kasi kung minsan ang ingay ingay niya pero minsan din naman ang tamitahimik niya.

"Andito na tayo." napabalik ako sa wisyo nang magsalita siya

Kaya tinignan ko siya at nagtatakang din niya akong tinignan.

Ano 'to staring contest?

"Mauna kana munang bumaba, ipapark ko pa kasi ang kotse." paliwanag nito

"H'wag mo akong tatakasan ha! Lagot ka sakin!" pananakot no dito

Ngunit tumawa lang siya at tumango kaya agad kong kinalas ang seatbelt ko at binuksan ang pinto tsaka bumaba.

Bumungad sakin ang iba't ibang food stall nang pagkain.

At madami dami din ang taong kasalukuyang kumakain na.

Huhuhuhuh nagugutom na ako!

Eto yung nakikita ko sa mga vlogs eh, yung mukbang ba.

Yung lalamon ka lang lamon grrrrrrr natatakam na talaga ako.

"Boom!!! tara na, tumutulo na ang laway mo eh." bwesit talaga tong si Mikhail, mahilig manggulat ang powtek.

Aangal pa sana ako kaso hinawakan niya na ang kaliwa kong kamay at hinila ako papunta sa mga food stall na gusto niya.

Wala talagang sweet cells 'tong si Mikhail sa katawan.

Tumigil kami sa stall nang mga street foods, kaya napalunok agad ako nang laway nang makita ko ang mga paninda nila.

Huhuhuhuh na miss ko din 'to.

"Pumili kana nang sayo." sabi nito at nagsimula na din siyang pumili nang ipapaluto niya.

Hmmmm daya naman eh! Masasarap ang lahat nang paninda nila eh.

Kaya kinuha ko yung 15 sticks ng isaw, 20 sticksng baboy, at 10 sticks ng paa ng nang manok tsaka 7 sticks nang betamax.

At agad ko itong inabot kay Kuya na siyang in charge sa pagluluto nang mga binili namin at halatang halata sa mukha nito ang pagkagulat kaya ngumiti nalang ako.

"Siguradong ma e-ebs ka pagkatapos nating kumain." natatawa nitong sabi at inabot na din kay Kuya yung mga napili niya.

"250 po lahat mam/ser." rinig kong sabi ni Kuya

Kaya agad akong dumukot nang 250 sa wallet ko at mabilis na inabot iyon kay Kuya.

"Babalikan nalang po namin thank you." magalang na sabi ko

Lost in LoveWhere stories live. Discover now