Chapter 6

3 0 0
                                    

"GOODMORNING po"  nakangiti kong bati sa kanila pagkalabas ko nang kwarto.

"Ano plano mo ngayong araw?" tanong ni Roxanne ngunit nakatutok pa din ang atensyon sa TV

"Gusto ko sana mag libot libot mamaya." nakangiti kong sabi at umupo sa tabi niya.

"Nakita mo ba sa kwarto ko yung mga lalagyan nang gamot ko?" baling na tanong ko dito.

Napatigil siya nang ilang sandali at tinignan ako bago sumagot.

"Hindi eh, baka na misplace mo lang try mo kaya ulit hanapin mamaya." naguguluhan nitong sagot kaya tumango lang ako at itinuon nalang ang atensyon ko sa TV.

"Nasaan nga pala sina Nanay, Tatay at Nato?" takang tanong ko ngunit nakatingin pa din ako sa TV

"Si Nanay nasa bayan at nagbebenta nang mga street foods ba, tapos si tatay nasa kabilang bayan, nagtatrabaho. Si Nato? nasa kabilang bayan din." paliwanag nito.

Mabo-bored lang ako dito kapag wala akong pag kakaabalahan.

"Tara punta tayo sa bayan, tulungan natin si Nanay Elisa." nakangiti kong aya dito

"Oh siya sige" labag sa kalooban nito na sabi.

"MATAMIS na katas ni Mikhail?!" gulat kong tanong nang makita ang pangalan nang stall ni Mikhail.

Bwesit talaga ang anak nang mayor nito!!

"Nakoo sis meron kang ka kompetensya." rinig kong bulong sakin ni Roxanne

"Kompetensya niya, pwet niya." nakangisi kong sabi habang tinignan siya nang masama.

"Food Stall ni Alice VS. Palamig Stall ni Mikhail whoooooo bili na po kayo!!! bili na!!" malakas na sigaw ni Roxanne kaya napatingin ang lahat nang mga taong kakalabas lang sa palengke.

"Ate pabili po nga nang isang peshbol" napabaling ang tingin ko sa batang hinihila ang damit ko.

"Sandali lang po sir" nakangiti kong sabi  at agad na inabot sa kanya ang binili nito.

Napangisi nalang ako nang makita kong marami na ang bumibili sa stall namin at mukhang nilalangaw na ang stall ni Mikhail.

Kanina pag kadating namin agad kong sinabihan si Nanay Elisa na ako nalang muna ang magtitinda at magpahinga na lang siya muna.

Dahil kahit ganito katirik ang araw nagbebenta pa din siya.

Ngunit laking gulat ko nang dumating 'tong si Mikhail at kasama ang mukhang pwet na kaibigan nito na isang abogado at nagtayo nang isang stall sa harapan nang pinagtitindahan ko.

"Nakoo Alice magpahinga ka na muna." napabalik ako sa wisyo nang may nagsalita sa tabi ko.

Napangiti ako nang makitang si Roxanne lang ito.

"Sandali lang ah tatawagan ko lang si papa at mama" nakangiti kong sabi at itinaas ang cellphone ko.

"Oh siya sige, ako na muna bahala dito." sabi nito kaya tumango lang ako at lumayo muna nang konti bago tinawagan sina mama at papa.

Mamamaga na naman tainga ko nito tsk.

"Huy Maria Grace Alice Dela Fuentez Arsol!!" agad akong napangiwi at inilayo ang cellphone dahil sa sigaw ni kuya.

Minsan talaga parang si mama si Kuya.

"Baliw ka! okay lang ako" natatawa kong sabi

"Malalagot ka talaga sakin!" kahit kailan wala talagang good manners and right conduct 'tong si Kuya.

"Nasaan sina Mama at Papa kuys?" takang tanong ko

Punyemas bakit ang init init dito sa Pilipinas?!

"Oh hello Alice ikaw ba 'to? Kamusta ka? Ikaw talang bata ka!!!" napatigil ako sa pag papaypay nang sarili ko gamit nang isa kong kamay nang marinig ko ang boses ni papa.

"Okay lang po ako dito." mahina kong sabi

Kahit gaano katigas ang ulo mo at kung gaano ka kagago titino ka talaga pag Tatay mo na kausap mo eh.

"Iinom mo ba ang gamot mo? H'wag kang magpapa init okay? Teka saang lulalop ka na naman ba napadpad?" nag alala nitong tanong

Punyemas kinakain na naman ako nang konsesya ko.

"Opo naman po, okay nga dito pa eh nakakalanghap ako nang fresh air tsaka okay lang po ako dito." nakangiti kong sabi

Papa sorry nang sinungaling na naman ako mwehehehe.

"Nakooo! Subukan ni Maria gumawa nang kalokohan, malalagot sakin yan. Bantay Sarado ka ni Natoy dyan no! kala mo!" rinig kong sigaw ni kuya mula sa kabilang linya.

Kahit kailan talaga chismoso yun.

"Mag iingat po kayo diyan!"

Hayst na iistress na talaga ako sa mga kasinungalingan ko.

"Sige anak, ako na bahala sa nanay mo at kay Keifer basta mag iingat ka diyan mahal na mahal ka namin ba bye anak." paalam nito

"Mahal na Mahal ko po din kayo ba byeeeee" paalam ko at inibaba na ang tawag.

Haystttt sorry papa, mama at kuya.

Babalik na sana ako sa food stall nang biglang umikot ang paningin ko kaya napatigil ako at napahawak sa ulo ko.

Shemayyy naman.

"ALICEEEEEEE!!!"

Punyemas sino naman ang sumigaw nang pangalan ko?!!

Napapikit nalang ako nang mga mata ko nang naramdaman kong may humila sakin at niyakap tsaka umikot.

"Patuloy kitang sasagipin kahit na kailangan ko ding ma sagip." bulong nang lalaking yumakap sakin

At nang tinignan ko kung sino ito halos mahulog ang panga ko.

Wtf?! CALI MIKHAIL DE SAN JUAN NA ANAK NI MAYOR ALEJANDRO?!

Lost in LoveWhere stories live. Discover now