Chapter 10

2 0 0
                                    

"BWESIT laptrip naman nun HAHAHA." natatawa kong sabi

"Gusto mo?" alok nito nang boy bawang

Tumango lang ako at kinuha yun sa kamay niya tsaka pinapak.

"Ahh oo nga pala ba't mo ako dinala sa kainan na 'yun? Balita ko palugi na yun" takang tanong ko

Ngunit tinignan niya lang ako at ngumiti.

"Sila lang yung kainan na hindi nag bago, noong bagong tayo pa lang yung kainan nila palaging sold out yung pares nila. Kaso dumaan ang mga taon, marami na ang mga pares na may iba't ibang twist na patok na patok sa mga tao kaya ayun, nagkaroon sila nang ka kompetensya. Pero para sakin mas masarap pa din yung kainan na yun." mahaba na paliwanag nito

Kaya tumango lang ako at muling ibinaling ang tingin ko sa dagat.

Yes, po opo dinala niya na naman ako sa dagat para daw makalanghap siya nang sariwang hangin.

"Na Inlove ka na ba?" out of the blue kong tanong

Nakita kong nabulunan siya kaya agad kong inabot ang tumbler ko na may lamang tubig na kagaaran din niyang kinuha at ininom.

"Ano ba naman yan!" inis na sabi nito

Kaya napatawa nalang ako at tinapik ang balikat niya.

"Kumalma ka, ang high blood remember." natatawa kong sabi at ginaya ang tono niya.

Kaya tinignan niya ako nang masama tsaka ako tumayo at tumakbo palayo sa kanya.

"ALICEEEEEEE!!!" tawag nito sakin kaya napatigil ako sa pagtakbo at humarap sa kanya tsaka binelatan siya.

Ngunit taka ko siyang tinignan dahil unti-unting lumalabo ang paningin ko at hndi ko na masyadong makita nang klaro si Mikhail.

Hanggang sa naramdaman kong nawalan na ako nang malay.

"H'wag ka ngang tumakbo!"

Napamulat ako nang mga mata ko dahil sa ingay.

Agad kong nilibot ang paningin ko at laking gulat kong napahawak sa bibig ko.

Tekaaa eto yung beach na pinuntahan namin ni Mikhail ah!

Teka bakit parang mag kaiba ang beach noon at ngayon?

At teka sino ang dalawang bata na naglalaro at naghahabulan sa aking harapan?

Hindi ko maintindihan! ano ba ang nangyayari?!

"Pag lumaki na tayo at may sari sarili nang trabaho papakasalan kita!!!" nakangiti na sabi nang batang lalaki ngunit hindi ko makita nang klaro ang wangis nito.

Kaya napatawa nang malakas ang batang babae at inakbayan ang lalaki.

"Basta ako? magiging sikat ako na writer at papakasalan kita!"

Napatigil ako at nagtatakang tinignan silang dalawa.

Teka, kamukhang kamukha ko ang batang babae na nasa harapan ko.

"Siguraduhin mong hahanapin mo ako paglaki natin ah? At papakasalan mo ako!" sigaw nang batang babae at itinaas ang dalawa niyang kamay

"Oo naman no! Sigurado akong paglaki mo, mas lalo kang tatangkad." nakangiti na sabi nang batang lalaki

"Uyy tinatawag na tayo tara na!" napabaling ang tingin ko sa batang lalaki na hindi ko din makita nang klaro ang wangis nito.

Kaya napalingon ang dalawang bata at tumango.

Lost in LoveWhere stories live. Discover now