Master.
"Marines! Iaasign ko kayo sa kaniya kaniya ninyong puwesto, I will group you in to three, first group ay grupo ni Cabrales, second ay kay Delacruz at pangatlo ay ang grupo ni Villapeña. Make sure na magagampanan ninyong tatlo ang pagiging leader ng inyong grupo para sa maayos na pagtakbo ng iba't-ibang programang inasign ko sainyo, makakaasa ba ako?"
"Sir yes sir!" Sigaw naming lahat.
Maaga kaming pumasok sa araw na'to dahil sa briefing na ginawa at iba pang guidelines para sa pagbabantay namin sa buong campus, mabuti nalamang at nalimutan ni sir Peralta ang sumbong ng aming subject teacher sa calculus dahil sa hindi ko pag attend sa klase nung nakaarang araw dahil sa isang bagay na ginawa namin ni Andrea.
Laking pasasalamat ko padin at hindi na ito naalala pa ni sir kaya't wala akong parusa ngayong araw, at ang isa pa sa ipinasasalamat ko ay hindi naging isyu at walang nakaalam sa ginawa namin ni Andrea maliban sa isa.
Na-assign ang grupo ko kasama sina Reiven at David sa Performing Arts Theater, isa sa malaking tanghalan dito sa Miontè university, nilimitahan ng coordinator ng programa ang mga estudyanteng manonood sa spoken poetry, singing at dance competition at nagbigay lamang ng tag dadalawampung ticket sa bawat departamento, kaya naman mahigpit na ipinagbabawal ang makapasok ang mga walang ticket.
"Pakilabas nalang po yung ticket!"
"Deretcho lang po kayo, sa gilid po kayo dumaan!"
"Ay miss, sorry bawal po ang pagkain sa loob, pwede niyo po munang ubusin sa labas bago po kayo pumasok!" sabi ni Reiven sa isang estudyante.
"Pre, pagbigyan mo na kilala ko yan si Jenny." pangungunsinti ni David.
"Anong pagbigyan hindi tayo pwedeng maging bias o mangunsinte dito. Para sa mga nasa labas, bawal po ang pagkain sa loob ubusin niyo muna 'yan bago kayo pumasok sa loob!" mariin kong sabi.
"Hi Geno!"
"Ang manly talaga shit!"
"Hoy mga bakla sumunod kayo kay papi Geno!" sabi ng ilang miyembro ng lgbtq.
Nasanay nalang ako sa mga salita sa paligid ko mapapuri man o ito o pangaasar, hindi kailanman naging isyu saakin ang kasarian ng isang tao dahil bukas ang isipan ko sa mga salitang, walang mali sa kung paano mo ipahayag ang totoo mong kulay basta't wala kang ginagawang mali at inaapakang tao mahigpit na respeto ang makukuha mo.
Natapos na ang pagbibigay katalinuhan ng mga kalahok sa pagbigkas ng tula at tugmaan o spoken poetry, at ngayon ay magsisimula na ang singing contest kasunod ang dance contest at awarding.
Hindi pa nagtatagal ang pagkakaupo ko galing sa kanina pang pagkakatayo ay namintig nalang bigla ang tenga ko at pumukaw ang atenyon sa ingay na nanggagaling sa pintuan dahil sa kung sinong walang habas na kumakatok dito.
"Pakibukas ng pinto!" Galing sa taong nasa labas ng pintuan.
Binuksan ko ang pinto at sinalubong ng salubong kong kilay ang nasa likod nito.
"Pwede bang hinaan mo ang pagkatok sa pinto? Nagbibigay ingay ka sa loob!"
"Pwede bang papasukin mo nalang ako? nagmamadali ako!" Matigas niyang sabi at akmang papasok sa loob.
"Teka nga, alam mo naman siguro kung sino kami? 'Di ka naman siguro bulag para hindi makita ang uniform ko?"
Ngumisi lang ito ng nakakaasar. "Wala akong pake alam kung sino ka pa at wala akong panahon para makipagusap sa 'yo, kaya padaanin mo 'ko!" Matigas niya paring sabi.