Lia.
"'Di ka padin talaga nagbabago Aes, mas lalo mo lang akong pinapahanga sa 'yo."
kahit naka pikit ako at tulog ang katawan ko, nagising lang kusa ang diwa ko sa mga maliliit na bulong malapit sa tenga ko.
Pagbukas ko ng mata ko ay si Geno na nakatitig sa akin sa napakalapit na anggulo ang bumungad saakin.
Sinusuklay niya ng isa niyang kamay ang buhok ko habang ang isa naman ay inuunanan ko.
Kahit alam niya na naka mulat na ako at nakatitig lang din ako sa mata niya gaya ng ginagawa niya saakin ay hindi niya padin pinapalis ang makahulugang titig at paghaplos niya sa buhok ko.
Magkakaiba ang mga nararamdaman ko sa mga oras na 'to, naiiyak ako na masaya at kinikilig, pero kahit ano dito ay wala akong mapakita at tanging mabilis na tibok lang ng puso ko ang nararamdaman ko na sana ramdam niya din.
Hindi ako makagalaw at mas dumilat pa ang mata ko sa agarang paghalik niya sa mga labi ko, tumagal lang iyon pero walang paggalaw sa mga labi namin at tanging pag dampi lang, ramdam ko ang sinseridad na ipinaparating niya sa pagdamping iyon, at hindi agad 'yon nawala kahit inilayo na niya ang labi niya sa labi ko.
"Di na kita ulit sasaktan." seryoso niyang sabi saka pinang yakap ang isa pa niyang kamay sa likod ko dahilan ng pagkakasubsub ko sa dibdib niya habang dampi-dampi naman ulit ng labi niya sa noo ko.
Wala akong ibang magawa kundi damahin lang ang lahat ng mga nangyayari saamin ni Geno, lagpas isang linggo na, na dito siya natutulog sa dorm ko pagkauwe namin galing school, at dahil 'don walang katahimikan sa gabing madilim ang pinatahimik namin ni Geno sa mga di makamundong gawain naming dalawa.
Mga bagay na ayoko ng matapos.
Gaya ng lagi na niyang ginagawa, lagi na niya akong hinahatid sa Miontè at pagkatapos ay umuuwi din sa dorm niya para mag asikaso para sa pagpasok niya sa hapon.
"Gising na jan Aes, 5am na!" Gising niya sakin na siyang nakatayo at walang suot na damit pang itaas gaya ng pagkakita ko sakaniya nang unang gising ko.
Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako ulit sa pagkakayakap niya at heto siya ngayon, pinapabangon na niya ako.
"Bakit hinayaan mo pa ako matulog kanina?" Tanong ko habang kusot kusot ang mata.
"Pano gustong-gusto mo yung yakap ko kaya nakatulog ka ulit!" Nakangisi niyang sabi.
"Di naman!" Sabi ko sabay tayo para sana pumunta ng cr pero siyang harang naman at yakap pa sa bewang ko.
"Tara ligo na tayo!" Sabi niya sa tenga ko at marahang pag-amoy niya pa.
"Para kang sira, Ano nanaman yan, Kakatapos lang natin kagabi!" Pagsusungit ko.
Hindi ko pa nga malakad ng maayos ang mga binti ko dala sa pagkasakit ng katawan ko ito nanaman siya, Napaka Wild naman kasi lagi.
"O siya sige na, Magkainan nalang tayo!" Pilyo niya pang sabi.
"I mean, kumain na tayo...nagluto ako!" Nakangisi niyang sabi.
"Ano namang niluto mo? Marunong ka ba?" Pangunguwestiyon ko.
"Oo naman, Tara na!" Sabi niya sabay hila saakin sa kusina.
"Itlog at hotdog, 'Yan na 'yun? Kahit sino naman Geno kaya magluto niya!" Pangaasar ko. Agad niya akong sinamaan ng tingin at dahan-dahang lumalapit saakin na siyang paglayo ko naman, pero ng maabutan niya ako ay siyang subo naman sakin ng hotdog habang piga piga ang mga pisnge ko para ngumanga.