Kabanata 28

72 8 0
                                    

Ugat.



"Hindi ko alam Ven."


"Anong hindi mo alam bro? Huh?"


"I don't know, nahihirapan ako!"


"Mahihirapan ka talaga, kasi ikaw mismo ang nagpapahirap sa sitwasyon mo, look bro, ang bait ni Aes para lokohin mo!"


"Fuck!"


"Fuck talaga Geno, you know what, the last time na nakita ko si Aes, hindi ko na mapaliwanag kung totoo pa ba yung ngiti niya tuwing makakasalubong ko siya, palagi lang siyang nakayuko at walang amor sa kahit sinong nakakasalamuha niya, even us, samantalang ikaw habol ka ng habol kay Lia na alam naman nating dalawa na lumalayo na siya sa 'yo."

"Oo na, alam ko na, just please wag mo na ako sermonan dito, nandito ako para mag-isip, hindi ka nakakatulong!"

"Hindi ko na alam sa 'yo bro, alam kong nahihirapan ka, pero mas may nahihirapan dahil sa ginagawa mo."

"Alam ko naman sa sarili ko na sakin lahat ang pagkakamali bro, hindi ko na rin maintindihan ang sarili ko, masyado 'kong nasaktan si Aes, bagay na hindi ko naman intensiyon."

Nakuwento ko na ang lahat kay Reiven, at nagsimula ang lahat ng sunduin ko si Lia sa airport at dalhin niya kami sa rest house nila.

Hindi ko alam kung bakit sa rest house niya kami dinala, alam ko kay Lia na may kakaiba na sa kinikilos niya, sa totoo lang, simula ng makita ko siya ulit sa Airport noong sinundo ko siya ay nakaramdam na ako ulit ng matinding paghanga sa kaniya, lalo pa ng ma-alala ko ang dating mga galawan niya na nakita ko ulit nang pinilit niya akong uminom bago umuwi sa mansiyon nila galing sa Airport.

Maraming ala-ala ang pina-alala sakin ni Lia ng dalhin niya ako ulit sa rest house, marami mang nagbago pero alam ko at nakikita ko padin ang mga bagay na pareho naming ginawa.

Hindi ko alam kung bakit ganon nalang niya ako layuan pagkatapos ng mga pangyayari, samantalang nung nasa rest house kami ay paulit-ulit niyang hinayaan na may mangyari saamin, bagay na mas nagpa-kumbinse sakin na totoong bumabalik na ang loob ko sa kaniya.

Noong ma-huli kami sa kainan ay kakatapos lang na may mangyari saamin noon, naulit pa 'yon ng malasing siya at inihatid ko siya sa kwarto niya habang si Aes ay naiwan ko sa gitna ng talon.

Kaya ng mismong gabing 'yon, noong gustuhin ni Aes na may mangyari saamin ay nawala nalang bigla ang gana ko, hindi ko maintindihan, parang hindi ko na gusto, pero napilitan padin akong gawin.

Doon palang ay alam ko nang may nawawala na akong koneksyon kay Aes, hindi ko man gustuhing kumawala ito pero kusa itong lumalabas.

Kaya kahit nung nangyari ang aksidente ni Lia na lumabas na kagagawan ni Aes ay 'ganon nalang ang pag-aalala ko ng sobra, hindi ko na naisip na si Aes ang kausap ko at nasisigawan ko dahil sa sobrang pag aalala kay Lia.


"Paanong hindi mo intensiyon na saktan si Aes, eh hinayaan mo nga mangyari 'tong lahat." Galit paring sabi ni Reiven.

"Hindi naman kasi sana 'to malalaman ni Aes  kung hindi nagsalita yang si David!"

"Ah, so ang gusto mong mangyari ay itago nalang namin 'yang ginagawa mo bro, gusto mo  pagtakpan nalang namin lahat, huh?"


"Alam kong wala kang pinapasok na relasyon Geno, pero may namamagitan na sainyo ni Aes, nakikita naming lahat 'yon, sana manlang nirespeto mo yung tao bro, nakipag-usap ka ng maayos kung talagang ayaw mo na, hindi yung hahabol ka na agad sa iba!"



Sail in the DarkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon