Kabanata 3

160 11 0
                                    

Again.



"Eugenio, ano nanaman ang ginawa mo kay Andrea huh? Diba't sinabi ko na itrato mo ng maayos ang anak ng dellacorte? alam mo kung ano ang mawawala saatin Geno, simpleng bagay lang ang maitutulong mo. kaya ngayon pumunta ka sa office ng appollo shine at humingi ka ng tawad sa tita Bliria at tito Henry mo!" Pagpapagalit na sabi ni daddy Garret.


Sinunod ko nalang dahil kahit makipagdiskusyon pa 'ko sakaniya hindi din naman ako mananalo.


kasalanan ko bang hindi mapansin yung mga binibigay ni Andrea, e sa hindi ko nga gustong kumain.


"I'm sorry po talaga Tito Tita, 'di ko naman po sinasadya na 'di ko siya mapansin that time pati po yung luto niyo, may kinakausap lang po ako nun then pagbalik ko wala na po siya, i'm sorry po." Masuyong sabi ko.


"Wag ka sa amin mag sorry Geno, wag ko lang malalaman na niloloko mo ang anak ko, maayos ang pakikitungo ko sa 'yo at maging sa pamilya mo Geno!" Galit na sabi ni tito Henry.


"Geno, alam mo kung gaano ka kamahal ni Andrea, ayoko nang maulit to, Pwede ba yon?" Sabi naman ni Tita Blria.


"Yes po, sorry po, by the way where is she po?"


"She is with her friends, magkita nalang kayo bukas sa Miontè." Sabi ni Tita Bliria.


Hindi na ako nagtataka na pinagalitan nanaman ako ng parents ni Andrea, nagiisang anak nila ito na nandito sa puder nila kaya 'ganon nalang kung paano nila ito protektahan. Diko din lubos maisip kung bakit ba kase pinagpipilitan nila ako sa anak nila e alam naman nilang hanggang kaibigan lang ang kaya kong ibigay sakaniya.

Yung Parents ko at Parents ni Andrea ay partners sa isang kompanya ng mga sapatos at ito ay ang appollo shines, malaki ang ambag ng pamilya niya sa kompanya na parang hindi kaya mabuhay at tumakbo ng kompanya na tanging ang pamilya ko lang ang mag hahandle, kaya't maging ang lovelife ng anak nila ay pinartner narin saakin, wala akong magawa dahil baka maapektuhan nito ang partido ng aming pamilya sa pamilya ni Andrea.


Maaga akong nakapasok sa School dahil dumeretso na ako dito galing sa office ng mag asawang Dellacorte, naisipan ko naman na tumambay muna sa library dahil may i-reresearch din ako about sa project na pinapagawa saamin sa Maritime, pero malayo palang ako ay nakikita kona si David na may kasamang bagong babae nanaman.




"Hey bro aga mo ah!" sabi ni David.


"Ikaw nga din e, basta pambababae talaga active ka 'no?"


"Ano ba, pinapahiya mo 'ko e, btw si--"


"Chelsy? Kilala ko na siya, at kung ako sa 'yo Chelsy mag ingat-ingat ka jan sa mokong na 'yan, pag nakuha na niyan ang gusto niya iiwan kadin niyan!"


"Para ka namang gago Geno, siya babe una ka na muna, mukang mainit nanaman ulo nito, sunod ako, bye!" Sabay halik pa sa harapan ko, di na nahiya.


"Ano nanamang problema mo tol?" Tanong niya ng makaalis na si Chelsy.


"Hay nako Parents ni Andrea."


"Ayan, pinagalitan ka nanaman? 'bat di mo nalang kase sabihin na wala kang gusto 'don kay Andrea!" Sabi nya nang biglang dumating ang pinaguusapan namin.


"Ako ba yung pinaguusapan niyo?" Masungit na tanong nito.


"Ahh oo, tinatanong ko kase kung nakita ka niya hinahanap kase kita." pagpapalusot ko. Pero hindi niya ako pinansin saka umakyat ng hagdan papuntang library.


Sail in the DarkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon