Gaya ni Jenny na ngayon ay nakatulala ay manghang mangha din ako sa loob ng kwarto."Wow!" Tanging sabi ni Jenny.
Mas maliwanag ng bahagya dito kaysa sa labas, pero dito ay puro pula at itim na kulay ang mas umaangat, ibat ibang muwebles ang nandito na napakaganda at mukang mamahalin, maging ang chandelier sa taas na kumikinang kinang pa.
Gaya ng sa labas ay may nakaukit din sa ceiling at napapalibutan ito ng ibat-ibang ilaw na nakapatay.
Malawak sa loob ng kwarto, kumpleto sa gamit at may tatlong hagdan na pataas para makapunta sa lugar na sa tingin ko ay shower room na binubuo ng purong tempered glass, may mga buhay na halaman din sa bawat sulok ng kwarto na mas nagpapaganda sa loob.
"Aes konti nalang mapapahanga na ako talaga!" Manghang sabi ni Jenny ng makita niya pa ang ilang antigong gamit sa gilid ng kama.
Pumukaw din ng pansin ko ang mga touch screen na switch sa pader malapit sa makapal na kurtina, may tatlong switch dito at ng pindutin ko ang una ay bigla nalang dumilim at bumukas dahan dahan ang pulang ilaw sa buong kwarto, ng subukan ko namang pindutin ang pangalawa ay bigla namang umilaw ang paligid na glasswall at nagumpisang bumagsak ang tubig sa loob nito na kala mo umuulan sa labas.
"Wow Aes.....i mean.....wow!!!..Grabe naman dito!" Bulalas ni Jenny. Pati naman ako ay manghang mangha pero may isa pang switch kaya pinindot ko na din.
"Ohhh anong nangyayari?" Takang tanong ni Jenny ng biglang may lumabas na glass door sa tabi ng magkabilang kurtina sa bukana ng kwarto.
"Glass door siguro." Sabi ko habang iniintay ito magsara.
"Grabe napaka high tech ng mga gamit dito, simula sa pinakaluma hanggang sa pinakabagong mga gamit, bongga talaga, well muka naman kasi silang mayaman. Pero alam mo Aes, hindi padin nagbabago yung amoy ko jan kay Lia, i smell something....ahmm--"
"Yan ka nanaman, alam ko na yang iniisip mo, mukha naman siyang mabait ah, 'di niya gagawin 'to lahat kung masama siya at iba ang pakay niya." Sabi ko nalang kay Jenny pero kahit pa anong sabihin ko ay may sarili parin siyang instinct sa mga nakikita niya. Nai-kwento kona din kasi sakaniya yung tungkol sa pagsundo ni Geno kay Lia sa airport at maging ang pagbabantay ni Geno kay Lia, dahilan kaya siguro patuloy siyang nag-iisip ng kung ano-ano.
"Oo, mukha naman siyang mabait, pero kapatid parin siya ni Andreang bruha and take note kakambal pa.....kaya ako? Sure ako na magkadugtong din ang sungay niyang dalawang 'yan!"
"Aes!" Biglang tawag naman ni Luke sa labas. Hindi niya kami nakikita sa loob ng kwarto pero nakikita namin siya sa labas, siguro ay tinted glass door ito kaya ganoon.
Binuksan kona ang glass door gamit ang switch kaya nahinto nadin sa pagtawag si Luke.
"Tara na kakain na daw." Pagyaya niya samin.
Habang naglalakad kami papuntang dining area ay naisipan ko namang tanungin si Luke, dahil bakas padin sakaniya ang pagtatampong mukha at alam ko 'yon dahil ganon na siya dati pa.
"Luke, ayos lang ba kayo ni Reiven?" Diretcho kong Tanong.
Huminto siya kaya napahinto din kaming dalawa ni Jenny.
"I'm okay, tara na." Seryosong sabi niya saka muling naglakad.
Kahit hindi niya naman sabihin halata namang hindi siya maayos, pero hinayaan ko nalang din alam ko namang saglit lang din 'yan.