Kabanata 17

99 7 0
                                    

Revealed.

Aes's Pov.

"Bili na tayo Aes, kanina pa ako nagugutom!" Pagpipilit ni Luke sakin.

"Ano ka ba Luke, hindi pa Recess, Anong oras palang oh!" Sabi ko sa kaniya dahil ilang oras pa bago mag Recess pero hila-hila na niya ako palabas ng room.

"Sige na pleaseee?" Pagmamakaawa niya.

Pumayag na ako kahit labag sa loob ko, hindi dahil sa ayaw ko kundi dahil natatakot ako.

"Bakitt ka ba kase natatakot, e kasama mo naman ako?" Mayabang niya pang sabi.

"Oh talaga? Hindi pa nga nakukuha yung ID ko sa guidance councelor dahil sa 'yo, nalate lang naman tayo nung isang araw dahil 'jan sa katakawan mo!"

"Ansama mo naman, 'ganon na ba talaga ako kataba?" Lungkot lungkutan niyang sabi.

"Ewan...Halikana....masyado kang maarte jan....pag tayo nahuli nanaman sinasabi ko sa 'yo ah....kilala mo naman si Dad konting gusot ko dito sa school galit na galit agad!" Sabi ko habang sinisimulan ng maglakad papunta sa maliit na canteen na may iilang stall.

Walang mga estudyante sa loob ng campus dahil di pa naman talaga labasan at dahil marahil ay kagaya ko natatakot din sila sa mga CAT officers.

Ewan ko ba dito kay Luke napakatapang, samantalang ako sa picture nalang yata ako makakatitig at diretchong makakatingin sa isang officer doon.

"Miss, can i buy one order of Tempra and Soba?" Sambit ni Luke sa tindera ng mga japanese food.

"Sorry, last na ito at naka reserve na, mamaya pang Recess dadating yung stock balik nalang kayo!" Sabi samin ng tindera sa bukana ng canteen.

"Oh halikana, pumasok na tayo baka may teacher na, mag-intay ka nalang ng Recess." Sabi ko kay Luke pero nakangisi lang ito pabalik.

"Ano nanaman yan, bahala ka, Ayoko pumunta sa main!" Ang tinutukoy ko ay ang malaking canteen na madaming bilihan ng pagkain dito sa school namin.

Ayoko pumunta doon dahil madalas ay nandoon ang mga officer.

"Osige ganto nalang, intayin mo 'ko dito tapos babalikan kita kapag nakabili na ako, wag kang aalis dito ah, sabay tayo papasok!" Masaya niyang sabi saka tumakbo papuntang main.

Lumabas na ako ng canteen at nagtago sa gilid ng malaking pader katabi ng bukana ng canteen.

"Ate, pwede ko na makuha yung pina reserve ko?"

Narinig kong sabi ng isang pamilyar na boses ng lalaki sa kaninang pinagbilihan namin.

Sinubukan kong tukuyin kung tama ang hinala ko at hindi naman ako nagkamali na si  Geno nga, Geno ang madalas kong naririnig na tawag sa kaniya pero Axcel Eugene Villapeña ang buo niyang pangalan, siya lang naman ang pinaka maangas at kinatatakutan sa lahat ng mga CAT officers, siya din ang lalaking hanggang sa larawan ko nalang kayang tignan.

Sail in the DarkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon