Ailurophobia.
"Oh gising kana, kamusta pakiramdam mo?" Tanong sakin ni Geno paglabas niya ng shower room.
"Ayos lang ako, anong oras na ba?" Tanong ko sakaniya, sa totoo lang ang sama ng pakiramdam ko maging ng ulo at katawan ko.
"Mag aalas otso na ng umaga, bumangon kana jan, at magayos kana ng katawan mo, O gusto mo paliguan pa kita?" Sabi niya 'saka dahan dahang lumalapit saakin.
"Wag na, ako na." Sabi ko, saka naman niya ako hinalikan sa noo.
"Lakad na, Kinatok na tayo kanina nina Reiven dahil kakain na daw." Sabi niya saka sinimulang magbihis.
Bumangon na ako saka dumeretso ng shower room at naligo, pagkatapos ko maligo ay nagbihis na ako saka kami sabay lumabas ng kwarto.
"Buti naman at lumabas na kayo, Kanina pa kami nagiintay!" Mataray na sabi ni Jenny.
"Umupo na kayo Aes, mukhang pagod na pagod kayo kagabi ah!" Mapangasar na sabi ni David. Hindi ko nalang pinansin.
"Aes, tumawag nga pala sakin si kuya Aeshim, Next week daw puntahan daw natin sila ni kuya Aeb, namimiss ka na daw nila." Sabi sakin ni Luke. Natuwa naman ako doon, dahil naalala ako ng mga kuya ko kahit busy sila sa Trabaho nila sa Ospital.
"Sige salamat." Maikling sabi ko,
Sobrang nararamdaman ko na talaga ang pag kirot ng ulo ko pero hindi ko nalang pinapahalata.
"Okay let's eat na!" Sabi ni Lia, kaya sinimulan nadin naming kumain.
"O kamusta kayo mga anak? Andaming nalasing sainyo kagabi ah!" Nakangiting sabi ni manang Vinda.
"Nay Vinda pasensya na po pala kayo kagabi sa kalat po namin huh." Sabi ni Lia kay manang.
"Ayos lang 'yon 'nak, ang inaalala ko nga e, baka may sumama ang pakiramdam sainyo dahil malamig sa labas pag gabi lalo na sa talon...meron ba?" Tanong ni manang, gusto ko sanang sabihing ako, pero ayokong sa harapan pa nila, kaya pagkatapos namin kumain ay dumeretso ako ng kusina para humingi ng gamot.
"Nay Vinda?" Pagtawag ko.
"Oh nak, anong kailangan mo?" Masuyong salubong niya saakin.
"Pwede po ba akong makahingi ng gamot sa sakit ng ulo?" Sabi ko at agad naman niya akong binigyan.
"Sumama ba ang pakiramdam mo?" Sabi niya sabay hipo sa ulo ko.
"Sinat palang 'yan, uminom ka na ng gamot para mawala." Sabi niya saka pagpapainom sakin ng gamot.
"Visencio at danny, pumunta na kayo sa underground at tignan niyo kung anong mayroon doon, dahil kahapon ay may kung anong kaluskos akong narinig malapit banda sa pinto, baka may malalaking daga o pusa na nakapasok doon!" Utos ni manang sa dalawa pa nilang kasambahay.
"Manang Vinda, matanong ko lang po, matagal na po ba kayo dito?" Takang tanong ko, dahil base sa galawan at suot niya ay para siyang mayordoma dito sa mansiyon.
"Dalaga palang ako anak nandito na ako, dito na ako tumanda, nakapagasawa at kalaunan ay nagkaanak, sa kasamaang palad nga lang ay namatay ang asawa kong dating hardinero dito sa mansiyon, samantang ang anak ko naman ay nasa probinsiya at doon na ipinagpatuloy ang pag-aaral." Malumanay na sabi niya saakin.
"Ganon po ba? Pasensiya na po at natanong ko."
"Wala 'yon, may kailangan ka pa ba?" Tanong niyang muli saakin, sa totoo lang mayroong tanong sa isip ko pero nahihiya akong itanong dahil baka kung anong isipin niya.