Video.
Aes's Pov.
"DAD!!!"
Nagising ako sa masamang panaginip na may nangyaring masama daw kay Dad kaya ganon nalang ang dami ng luhang nabagsak mula sa mata ko.
Naisip kong tawagan si mommy at sa unang pagkakataon ay walang sumagot sa telepono, naisip kong tulog pa ito dahil alas tres palang nang madaling araw ngunit nang ibaba ko ang cellphone ko ay biglang tunog naman nito at nang tignan ko ay ang numero ni mommy ang tumatawag.
"Hello son? Kamusta ka? 'Bat ka napatawag ng gantong oras? May problema ba anak?"
Marinig ko palang ang boses ni mommy ay halos maiyak na ako dala ng pagkasabik ko sa kaniya.
"Hello m-mommy...okay lang naman po ako...si daddy po kamusta?" Pahikbi kong sabi.
"He's fine, okay lang kami dito, wag ka mag alala saamin.....ako at ang mga kapatid mo ang nag aalala sayo, may nababalitaan kami dito na halos pagod ka na daw sa trabaho mo, baka naman pinapabayaan mo na yang sarili mo huh Aes?"
"Hindi po mommy.....okay lang po ako...kakabalik ko palang po sa trabaho ko.......si daddy po kase napanaginipan ko may nangyari daw pong masama kaya napatawag po ako."
"Walang masamang nangyayari samin anak......bakit ba kasi 'di ka na nalang umuwi dito at ng hindi kana mahirapan jan.....di mo naman kailangan mag trabaho bunso...'di mo kailangan mapagod.....umuwi ka nalang dito Aes." Pakiusap ni mommy.
"Mom hindi po muna sa ngayon......gusto ko pong panindigan yung sinabi ko kay Dad......ayos lang po ako dito.....pero may tanong po ako mommy, may kinalaman po ba kayo sa hindi pagpapabayad sakin ng renta dito po sa dorm ko?"
"Son pasensya na, gusto lang naman kitang tulungan para makabawas sa bayarin mo!"
"Mom, 'di naman na po kailangan....kaya ko na po 'yon--"
"Sino yang kausap mo?......"
Binaba kona ang tawag nang marinig kong nagsalita si Daddy mula sa kabilang linya, nag text nalang ako kay mommy na ibalik nalang ang pagpapabayad saakin sa renta dito sa maliit kong dorm pero alam ko namang di na niya babawiin 'yon.
Minsan naiisip kong umuwi nalang kila mommy pero ayokong gawin, dahil minsan talagang may mga bagay kang gustong patunayan at hanapin sa sarili mo na tanging sarili mo lang din ang makakahanap na walang kahit anong tulong galing sa iba.
Minsan masasagot mo lang din ang mga katanungan sa sarili mo 'pag mag-isa ka lang, kapag ang mga taong nakapaligid sa 'yo ay nasa malayo.
Mas makakapag-isip ka ng tama at makakapag desisyon ka ng tuwid sa sarili mo dahil wala kang pinagbabasehang kahit sino.
Minsan mas mabuti din na lumayo ka nalang ng panandalian at sarilihin ang bawat oras na tanging sarili mo lang ang kasama mo, para pag nasaktan ka ay wala nang iba pang madadamay kundi ikaw na may gawa nito.
Pero akala ko pag mag-isa ako at nakaranas ako ng masama galing sa ibang tao ay kaya kona, akala ko lang pala dahil ang totoo'y hindi pa talaga.
*kriiing *kriiingg
"Hello Jayson?"
"Hello Aes? Si Jenny to..nasayo ba yung phone ko? Naiwan ko ata sayo kagabi...nasayo ba??"
"Wait tignan ko.....ay oo nandito sa bag ko......pero teka nga..kung gamit mo yung phone ni Jayson ibig sabihin 'jan ka natulog sa condo niya?"