Outing.
"Aes......Aes!" Tawag ko sakaniya. Ano bang problema nito at napakainit ng ulo kanina pang umaga.
"Aes...hintayin mo nga ako!" Utos ko sakaniya pero hindi parin siya namamansin.
Kanina ng galing kami sa Quad papunta sa room niya hindi niya nanaman ako pinapansin, tinatanong ko nga siya kung payag ba talaga siya sa pagyayaya ni Lia sa outing pero hindi din siya nasagot.
Sinundo ko siya sa room niya ngayong morning break nila, nalate lang ako ng bahagya at pag tingin ko sa room nila ay siya nalang ang tao doon na nakapangalumbaba at nakaabang sa pagdating ko. Dahil siguro doon kaya siya nagsusungit nanaman ngayon.
"Teka Aes.....ano ba buksan mo nga 'to!" Mariing sigaw ko mula sa labas ng pinto ng pumasok siya bigla sa cr.
May naririnig akong boses na nag-uusap sa loob at kumpirmado kong isa si Aes doon sa nakikipagusap.
"Aes, buksan mo to!!" Pasigaw ko ng sabi. Wala pa namang tao sa first floor ng building na 'to na malapit sa Cr kaya wala pang nakakarinig saakin.
Nagulat nalang ako ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito si Luke. Tumingin pa siya sakin pero pinanlisikan ko lang din 'yon ng tingin saka pumasok sa loob.
Ni lock ko ang pinto ng makumpirma kong wala namang tao sa loob bukod kay Aes na hindi ko alam saang cubicle pumasok.
Hinahampas ko isa-isa ang cubicle para magbukas ito at makita ko si Aes, pero sa limang cubicle dito ay sa dulo ko siya naabutan.
Pagbukas ko ng pinto ay nag-aayos na siya ng sinturon niya. Nagbuhol lang ako ng braso habang tinitignan siya sa ginagawa niya.
"Oh anong tinitingin-tingin mo?" Masungit niyang sabi, pero tinititigan ko lang siya.
Akma pa sana siyang lalabas ng cubicle pero pinigilan ko na siya hanggang sa mahigit at maitulak ko siya pasandal sa pinto sa labas ng cubicle.
"Ano bang ginagawa mo?" Masungit niyang sabi pero gaya ng dati hindi siya makatingin ng maayos sa mata ko.
"Ano ba kasing problema mo, bakit 'di mo 'ko pinapansin?" Masungit ko ding tanong sa tanong niya.
"Pake mo ba?" Matapang niyang sabi.
"May mens ka ba ngayon, bakit ganyan ka, nalate lang naman ako ng bahagya." Mahinahon at mapanuyo kong sabi. Ayoko ng sabayan pa ang init ng ulo niya, dahil kung pareho kaming mainit baka lumala lang ang lahat.
"Padaanin mo na ako, nagugutom na ako!" Mariing sabi niya habang tinutulak ang dibdib ko na halos nakadikit na sakaniya, pero wala naman siyang napapa galaw sa kahit saang parte ng katawan ko dahil mas malakas ako sakaniya.
"Bakit ka nga kasi nag susungit?" Tanong ko ulit.
"Wala lang, marami akong iniisip." Walang buhay niyang sabi.
"Ano nanaman 'yang iniisip mo? Atsaka anong pinag usapan niyo ni Luke?"
"Hindi ko alam!" Mariing sabi niya nanaman. Napupuno na 'ko talaga kaya mabilis ko siyang ginawaran ng napaka haras na halik, alam ko namang isa lang 'to sa mga nagpapawala ng inis niya saakin.
"Mmmmm...G-genooo!!" Pagpupumiglas niya.
Pumipiglas pa lumalaban naman sa halik ko.