Kabanata 25

95 7 0
                                    

Boyfriend.



"Aes, kamusta ang pakiramdam mo?"

Pamulat palang ang mata ko ay pansin kona agad si kuya Aeshim sa bandang kanan ko, maging si kuya Aeb at si Luke, nandito din sina Jenny at Jayson pero ang inaasahan kong si Geno ay wala.


"Aes, ayos ka na ba?" Tanong muli ni kuya Aeshim dahil napansin na niya yata ang pagtahimik ko.


"A-ayos lang ako kuya, ano po bang nangyari?" Utal kong sabi. Medjo mabigat pa din ang ulo ko at hindi ko alam kung paano ako napunta dito, basta't ang alam ko lang ay bigla nalang akong bumagsak doon sa rest house nina Lia.


"Nag febrile convulsion ka, nag collapse ka dahil sa taas ng lagnat mo, buti nalang at naisugod ka agad dito at naisikaso ka agad nina mommy." Sabi ni kuya Aeshim.


"Bakit kasi alam mo ng malamig nag babad ka pa sa tubig!" Masungit na sabi ni kuya Aeb, hindi nalang ako sumagot dahil kahit anong sabihin ko ay papagalitan niya lang ako.


Naisip ko bigla si Lia kaya sana'y itatanong ko kila kuya kung ano na ang lagay niya ng bigla namang pumasok sa loob ng kwarto sina Mom at Dad.


"Oh honey, how are you?" May pag aalalang na sabi ni Mommy.


"I'm fine po Mom." Sagot ko. Nakita ko si Dad na kagaya kanina ni kuya Aeb ay magkasalubong na ang kilay.


"Ano ba kasi yang pinag gagagawa mo Aes? Kung saan-saan ka napunta, ni hindi mo naman kaya alagaan ang sarili mo, sarili mo na nga lang ang inaasikaso mo ganyan pa ang nangyari sayo, baka 'yang pag aaral mo napabayaan mo na!" Galit na sabi sakin ni Dad. Hindi ko siya matignan sa mata dahil sobra talagang nakakatakot 'yon, nasa baba lang ang tingin ko habang napansin ko naman ang pagtunog ng cellphone niya.


"Excuse me, i have an appointment! At ikaw Aes, mag-uusap pa tayo!" Galit niyang turan saakin saka lumabas ng kwarto.

Kahit ilang taon kona nararanasan 'yon sakaniya simula pagkabata ko ay hindi parin talaga ako nasasanay at talagang nakakatakot padin, lalo pa ngayon na bihira niya nalang ako pagalitan dahil wala ako sa mansiyon, naalala ko lang na kahit maliliit na bagay o problema basta kasama ako ay todo ang galit niya saakin.

"Wag mo nang isipin pa ang sinabi ng Daddy mo, mainit lang ang ulo 'nun dahil sa kapalpakan ng mga staff kanina." Mahinahong sabi ni Mommy.


"Mom, sorry po." Mahinang turan ko.

"No, it's okay son, wala kang dapat ikahingi ng tawad, alam ko naman na hindi mo pinapabayaan ang pag-aaral mo, magpagaling ka honey, aalis na muna ako dahil may gagawin pa ako sa labas." sabi ni Mommy saka humalik sa noo ko at lumabas na ng pinto.

"Kuya Aeshim, kamusta na nga pala si Lia?" Tanong ko ng biglang pumasok ulit sa isip ko si Lia.

"She's fine, nagka mild skull fracture lang siya dahil sa pagka untog niya sa bato, nakainom din siya ng maraming tubig dahil sa pagka hulog niya sa tubig, hindi pa siya nagigising hanggang ngayon dahil sa tinamo niya, but she's fine naman na." Sabi ni kuya Aeshim.

Nakahinga naman ako ng maluwag sa sinabi ni kuya. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kung sakaling may mangyari sakaniyang masama, alam kong kasalanan ko lahat 'yon kaya't sana'y pag gising niya ay mapatawad niya ako.

"Amm Aes, mauna na muna kami ni Jayson, babalik ako mamaya, magpagaling ka huh!" Sabi ni Jenny, tumango naman ako saka sila lumabas ni Jayson sa kwarto.

Naisip ko tuloy na ang laki talagang perwisyo ang nagawa ko, na halos lahat sila ay naapektuhan dahil saakin.

Nagpaalam nadin saakin sina kuya Aeb at kuya Aeshim dahil may mga aasikasuhin pa daw silang mga pasyente.

Sail in the DarkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon