kabanata 6

112 11 0
                                    

Drunk.


GENO'S POV.

Hindi 'ko na namalayan na nakatulog na ako sa badtrip ko kagabi dahil sa nangyaring pagpapauwi ko kay Andrea, maaga akong nagising dahil may practice pa kami ng Colours, mahirap atsaka hindi pa namin agad nakuha yung tamang paghawak at paglakad bitbit yung mga flags kaya nagdesisyon kami na sa susunod na linggo ay aaraw-arawin na namin ang pagpa-practice.

Dahil sa pagod naisip muna namin nina Reiven at David na magpahinga sa dorm o baraks na provided ng miontè para sa maritime, criminology, at aviation student para pagpahingahan.

Nung makaramdam ako ng gutom yayayain ko sana yung dalawa pero wala na 'yung mga 'yon sa higaan at sabing umuwi daw saglit si Reiven at kumain daw sa 8850 si David.

Nag-ayos na ako ng sarili saka sumunod kay David.

Pagpasok ko palang nakita ko nang nakatayo si Aes at kausap yung kaibigan niyang si Jenny at David, at nung marinig kong parang hinahanap ako ni Aes, saka nako nagsalita, mag papalusot pa sana ang mokong nang inumpisahan ko na siyang utusan para bumili ng pagkain ko, napansin kong naghaharutan na sila David at ang Jenny na 'yon, kaya ako na mismo ang lumayo dahil nakakaasar sila tignan.

Hindi ko inakalang alam ni Aes ang gusto kong pagkain o siguro nagkataon lang. Nung binaba na niya yung pagkain nakalimutan kong ipabili pa sa kaniya yung paborito ko pang bac n' cheese kaya  pag dating niya inutusan ko siya ulit, pero nung dumating na yung pagkain nawalan naman ako nang gana, kaya binigay ko nalang sa kaniya.

Tumayo siya at nag paalam na bibili pa ng pagkain, at nung makaalis ay pansin ko na pinaguusapan nila akong magkaibigan dahil nakikita kong tingin ng tingin si Jenny sa direksyon ko. Sa inis ko tumayo na ako dahil tapos nadin akong kumain tapos dumaan ako sa gitna nila saka dumeretso sa Cr, nakakabwiset sila pareho.

Ang ayaw ko sa pa naman sa lahat yang pinagbubulungan at pinaguusapan ako.

Nung makalabas ako sa cr ay saka naman nagyaya maginom si David sa BCC, pumayag na ako dahil hindi din naman ako nakainom kagabi at gusto ko din mag hangout kahit papano.

Ayos na sana lahat dahil madami dami ding tao sa BCC dahil friday ngayon, pero nung makita kong nandito din si Aes at ang kaibigan niya ay mabilis nang nagbago ang mood ko, lalo pa nung pinalipat ni David ang dalawa sa table namin.

"Oh pre shot na tapos na si Aes!" Sabi ni Reiven.

"Waiter! Pre pahingi pa nga ng baso?!" Inis na sabi ko.

"Sige tol, teka ilan ba?" Tanong sakin ng waiter.

"Isa lang." Seryosong sabi ko.

"Oh eto pre oh, Inom well pre!" Sabi niya sabay abot ng bagong baso saka umalis.

Nakita kong tumahimik lahat nang nasa table dahil sa paghingi ko ng bagong baso.

"Oh 'bat natahimik kayo? Dito niyo 'ko lagyan Reiven, ayoko ng may kahati sa baso." Seryosong sabi ko.

"Ang arte mo naman Geno, tayo-tayo lang naman 'to!" Sabi ni David.

"Ayos lang sana kung tayong tatlo lang, eh may pinasama ka pa, sure ka bang walang nakakahawang sakit yan?" Matapang na sabi ko sabay sama ng tingin sa dalawa.

"Hoyy wala naman kaming sakit, arte nito kala mo naman napakalinis mo, eh nakikipag laplapan ka nga sa Cr hindi ka naman namin jinudge!" Matapang na sabi nung Jenny.

"Huy Jenny!!!" Pagpipigil ni Aes.

Kumulo nanaman ang dugo ko, kasabay nang hindi ko mapigilang paglalapit ng kilay ko. Hindi ko inakalang ipagkakalat nitong mokong na Aes na 'to yung mga nalalaman niya, hindi talaga natitinag 'tong lalaking 'to.

Sail in the DarkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon