Sungit.
Aes's Pov.
"Ow god 'bat ngayon pako nagka diarrhea.."
Nagulat ako nang biglang may pumasok sa cr dito sa mini gym at parang mga pusang nagkakaluskusan at na tiyempo pang dito sa tabi ng cubicle ko pumwesto.
***ughh**ughhh***kissing...
"Ow shit anong ginagawa nila!?"
Si Andrea ang nakita kong nasa labas ng Cr bago ako pumasok kanina kaya ang kutob ko ay si Andrea at si Geno ang gumagawa ng kababalaghan dito sa katabi kong cubicle, kay Geno lang naman patay na patay si Andrea kaya alam kong sila iyon.
Pero dahil sa kagustuhan kong manigurado kahit masama ay sinilip ko sa taas ng cubicle kung tama ba ang kutob ko, at hindi nga ako nagkamaling sila iyon.
Gusto ko silang sawayin pero natatakot ako at nahihiya din, at dahil tapos na din ako gumamit ng cr, dahan dahan ko nang binuksan ang pinto pero laking gulat ko na tumunog yung pinto at sinabayan pa ng pagtahimik ng dalawa, nang marinig kong bumukas ang pintuan nila ay agad akong tumakbo papalayo sa mini gym.
Sa kamalasang palad nga lang ay nalaglag ko pa ang ID ko sa loob ng cubicle.
Sobrang saya ko na nagawa ko pang manalo sa singing contest kahit muntik nakong malate dahil kay Geno na nakipag diskusyon pa sakin sa entrance ng Performing arts theater.
Naglalakad ako sa Quadrangle ng batiin ako ng mga kabigan ni Geno pero laking gulat kong nandon din si Geno na ang sama ng tingin sakin, umiwas ako ng tingin at sIyang pagdating naman ni Andrea, sinubukan kong umalis pero pinigilan ako ni Geno sa hindi ki alam na dahilan.
Biglang preno ng mga paa ko ng sabihin niyang 'wait', at biglang kabog din ng dibdib ko sa di malamang dahilan, at ng makalapit ay may tinuran siyang mga salitang pagpaparinig at kung hindi ako nagkakamali, iyon ay ang pakikinig ko sa ginawa nila ni Andrea sa Cr at maging ang pagtakbo ko.
Hindi ko alam kung paano niya nalaman, ngunit nang bigla niyang tanungin kung nasan ang ID ko saka lang ako nagka ideya na nadampot niya ito sa Cr na siyang pinagsisisihan ko.
Nakumpirma kong nasakanya ang ID ko at pilit ko itong kinukuha sakaniya pero ayaw niya ibigay, nasa gitna kami ng Quadrangle kaya ako na mismo ang sumuko, maging sa kagustuhan niyang gawin akong utusan.
Sobrang gulat ko na simula kinabukasan noon ay magiging utusan na niya ako, 'nandon din ang pangamba dahil nung kami ay nasa parehong school palang ay sobrang barumbado na niya, mahilig maghanap ng away, at mambabae bukod sa pagiging CAT officer niya, hindi ko lang alam at bakit ngayon ay medjo bumait-bait na siya ng kaunti.
Oo, bumait na siya niyan.
Nagkaron ako ng kasalanan na sobrang pinagsisisihan ko ngayon, gustuhin ko mang sumuway sa gusto niya ay diko magawa at kahit kailan yata ay diko na magagawa, maging ang binabalak ko noong pagsumbong sa directors office ay nawala nadin sa isip ko, at ang tanging nasa isip ko ngayon ay pano ko i susurvive ang bawat araw na kasama ko siya.
"Hoy Aes anong nangyari sa 'yo, kanina ka pa tulala jan?" Tanong ni Jenny.
"Wala naiisip ko lang si Geno."
"Geno nanaman, 'bat dimo nalang kase 'yan ireport sa office para 'dika na niyan i blackmail, ewan ko sa 'yo Aes masyado kang natatakot 'don, gusto mo ako na mag sumbong?" Maangas niyang tanong.
"Tapos ano? Sa tingin mo pag nagsumbong ako matatapos na 'don lahat? Hindi Jenny mas matindi pa!"
"Hay nako ewan ko sayo!"