ID.
"Axcel Eugene Villapeña, permission to enter the room sir!" Mga salitang binitiwan ko pagkatapos ko mag knock on the wall ng tatlong beses.
"Late ka nanaman Villapeña! Tamang tama samahan mo si Santos at Ramos mag push up at duck walk sa likod, 4 counts 20 repetition now!"
Sigaw ng prof namin sa Introduction to Marine Transportation and Engineering na si sir Angello Peralta. Laking tuwa ko nalang na hindi lang ako ang late sa araw na 'to dahil nandito din ang dalawa kong kaibigang sina David Santos, at Reiven Ramos.
"E sir, 'di po ba excuse yung traffic?" Seryosong tanong ko, pero pag tawa naman ng mga mokong na kaklase ko.
"Madami kang chaw chaw Villapeña, gusto mo madagdagan?" Sungit na sagot niya.
"Sir no sir!" Sabi ko nalang sabay ngisi at pang-aasar na tingin pa ng mga kaklase ko.
"Ito lang sasabihin ko sa inyo, ang traffic ay hindi kailanman naging excuse, kung gusto niyong hindi ma-late sa klase ko pumasok kayo ng maaga, kaya kayong tatlo gawin niyo ang pinapagawa ko para madala kayo. Okay let's continue our discussion, the marpol, also knows as marine pollution---"
"Bakit nanaman nalate ka? Tanong ni David.
"Mamaya kona ike-kwento tapusin muna natin to." Sabi ko, habang sinisimulan ang parusa.
"Bakit kasi hindi ka pa umuwi pagkatapos ng banda?" Tanong naman ni Reiven ng may halong pagtataka.
"1..2..3..1 1...2..3..2 1..2..3..3 1..2..3..4"
"Sir tapos na sir!" Sigaw ni David.
"Okay maupo kayo't makinig, at ulitin niyo pang ma late sa klase ko, sa mock bridge ko na kayo dadalhin, ewan ko nalang kung kayanin niyo ang init 'don, nga naturingan kayong officer napaka titigas ng mga bunbunan niyo!" Pagsusungit niya pa.
Pagkatapos ng nakakapagod na parusa ay nakaupo na din kami sa wakas.
"O sagutin mo na yung tanong ko, gumimik ka pa?" Tanong ni Reiven sa mahinang boses.
"Hindi Ven, pagkatapos kasi ng banda may hinanap lang ako." Sabi ko habang iniisip ang mga nangyari.
Tumawa siya. "Sino si Andrea nanaman?"
"Hindi Ven, may nakusap kasi ako doon sa loob ng stadium pero hindi ko alam kung anong pangalan niya o kahit yung itsura niya."
Tumawa nanaman siya. "Wow kailan ka pa natutong mang entertain sa 'di mo kilala? At kailan mo pa nagustuhang mag suot ng bracelet na may ganyang design? Huh?" Pang aasar ni David sa tinutukoy niyang bracelet na may ukit ng baybayin.
"Gusto niyo ng round 2 villapeña?" Diko namalayang anlakas na pala ng pag-uusap namin, kaya medjo hininaan na namin.
"Sa pagkakaalam ko napakaarte mong kumausap at mangentertain ng mga babae sa bar." Patawang dugtong pa ni David.
"Tsss, diko din alam, iba yung mood ko that time nung nag-uusap kami, atsaka nakita ko lang tong bracelet sa paanan ko sa mismong kinatatayuan nung nakausap ko...dibale kung sino man yun sana ayos na siya."
"Bakit naman?" Tanong ni Reiven.
"E mukang broken e, hayaan niyo na nga, o sainyo na tong bracelet nalimutan ko lang naman hubadin kagabi."
Tumawa siya. "Sa 'yo na pre. BTW tara mamaya pag break may bagong bukas sa 8850." Pagyayaya niya pa.
Sabi na nga ba't puro pang-aasar lang mapapala ko sa dalawang to, ano pa nga ba aasahan ko.