Bad Morning.
"Ow shitttt... b-bakit ako nandito!"
"Ano ba ang ingay mo natutulog pa 'ko oh!"
Nagising ako sa ingay ni Aes na wala sa sariling nag sisisigaw at hawak hawak ang dibdib niya na akala mo pinagsamantalahan. Nakaupo siya sa kama at naka higa naman ako sa couch.
"Anong ginawa mo sakin?!!" Sigaw niya nang makita niya sigurong pang-ibaba lang ang suot niya.
Umupo ako at tinignan siya ng masama. "Anong pinagsasasabi mo? Umalis kana nga jan sa higaan ko matutulog pa 'ko!" Sabay pausod kong tulak sa kaniya.
"Teka nga, sagutin mo muna yung tanong ko! ANONG GINAWA MO SAKIN!!!" pasigaw niya pading sabi.
"Alam mo ikaw pinasakit mona ang likod 'ko, pati ba naman ulo ko ngayon? Mag-isip ka kung anong nangyari sa 'yo wag kang mangistorbo dahil wala pakong tulog, iinom-inom ka tapos hindi mo naman pala kaya, ang laki mong perwisyo!"
"P-pero b-bakit--w-wala akong maalala!" Sabi niya habang hawak hawak pa ang sintido.
Pinanliitan ko siya ng mata na siyang pagiwas nito.
"Nalasing ka dahil 'di ka pa tumigil sa kaka-inom pagka tapos mong magawa yung pinapagawa ko, ngayon nang tamaan kana sa utak ng mga ininom mo nag sasasayaw ka 'don sa gitna at doon ka pa nagkalat ng suka mo. Dahil 'don muntik ka pang mapa-away, at dahil naawa sa 'yo si Reiven kinuha ka niya at pinakiusapan akong iuwi ka muna dito dahil wala ni isa saming may alam ng bahay mo, Pasalamat ka pa nga 'di ka namin iniwan 'don dahil kung hindi baka nakabulagta ka na 'don ngayon!"
Pagsisinungaling ko dahil ayokong isipin niyang may pake ako sa kaniya dahil wala naman talaga, nagkataon lang.
"Tapos? B-bakit naka hubad ako?"
11:30 pm na nang maka rating kami sa Condo ko, sinilip ko siya sa likod ng kotse ko kung gising na pero hindi padin, sinubukan ko siyang gisingin pero hindi talaga magising-gising kaya wala akong ibang nagawa kundi buhatin siya papa-loob.
Hindi madaling buhatin siya dahil mabigat din, na-tiyempo 'pang sira ang elevator kaya binuhat ko din siya hanggang taas, at nung marating kona ang front side ng unit ko ay bigla naman siyang nag salita.
"Ginagawa ko naman ang lahat Dad ah.....b-bat di niyo ba ako matanggap."
Sabi niya sa mahinang boses saka ulit nawalan ng malay. Idineretso kona siya sa kama nung mabuksan kona yung pinto, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa kaniya at tanging pagtingin at pagtayo lang ang ginagawa ko.
Uupo palang sana ako pero nagulat ako nung bigla siyang naghubad ng sira-sira niyang polo pati yung puti niyang short, hububadin niya pa sana yung panloob niya pero pinigilan ko na kaya nalaglag siya sa kama papaupo.
Binuhat ko siya at inayos ko ang pwesto niya saka ko siya tinakluban ng kumot at tinabi ang hinubad niyang damit, kumuha na ako ng isa pang unan at kumot para matulog na sa upuan, inisip ko nalang na hindi na mauulit 'to at huling beses na 'to kaya pinag tiyagaan ko nalang bumaluktot sa upuan.
"Ano? Hindi mo pa ako sinasagot, bakit ako nakahubad? Atsaka bakit ka naka boxer lang, M-may ginawa ka sakin no?!" Matigas na bintang niya.
"Bakit ba ang ingay mo? Oo may ginawa ako sayo!! Okay kana?"
"A-no??"
"Diba dapat alam mo 'yan sa katawan mo kung may nangyari sa 'yo?!"
Gulat ang mata ng mokong sa sinabi ko at nakita kong hawak hawak niya ang pang upo niya na parang may iniinda habang hawak ang mga damit niyang tinabi ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/224978890-288-k336980.jpg)