Kabanata 11

83 8 0
                                    

Hack.



Geno's Pov.

"Why did you do that Geno! Huh, Anlaking kahihiyan ng ginawa mo!" Sigaw ni daddy sakin.

"I'm sorry dad." Tanging nasabi ko habang naka yuko dahil wala akong maiharap pang mukha sa kanila, ayoko di naman sabihin na si Andrea ang kasama ko 'don dahil mas magagalit lang sila.

"Who's that girl Eugene?" Tanong ni mommy.

"It's just a random girl mom, I'm really sorry po." Pagsisinungaling ko.

"Kausapin mo yang anak mo Eula at hindi ko alam kung anong pwede kong gawin jan!" Galit na sabi ni dad, saka umakyat sa taas.

"Mom..I'm sorry."

"Geno naman, malaki kana, alam mona ang tama at mali, alam kong lalaki ka at walang mawawala sa 'yo kung sakaling magbunga ang ginawa niyo ng babaeng 'yon, pero maling mali 'yun lalo pa't sa school niyo ginawa. I'm so dissapointed Eugene."

"Ang buong akala ko'y desiplinado kana, pero heto't pinapapunta pa kami para sa eskandalong ginawa mo." Dugtong pa ni mommy.

Hindi kona nagawang magsalita pa at umakyat narin si mommy sa taas. Habang nagiisip ako para bukas, ganon nalang din kabilis pumasok sa isip ko yung mga nangyari samin ni Aes.

Pagkatapos ko malaman na kumalat na sa buong Miontè ang video namin ni Andrea, kahit kabado ako ay pumunta padin agad ako sa school para sana magpatulong mapatigil yung pagkalat ng video.

Pero bago pa man ako pumunta doon ay naimbestigahan na pala agad nila kung saan galing at sino ang nag upload ng video, sabi sakin ni Reiven na siyang kumausap sa invetigator ng Miontè ay galing daw sa account ng isa sa mga estudyante dito sa school ang nag upload ng video at ikinalat pa sa lahat, pinatanong ko ulit kung sino ang walanghiyang estudyanteng 'yon at nagulat akong sinabi sakin ni Reiven na si Aes daw ang may gawa.

Ganon nalang ang galit ko nung malamang siya ang nag upload ng video, hindi ko din napigilang isipin na siya din malamang ang nag video sa amin.

Wala na akong ibang inisip pa kundi siya nga, dahil alam kong may galit din siya sakin at minsan niya na din kaming nakita sa Cr, siguro kumukuha lang siya ng ebidensya para malakas ang laban niya kung sakaling magsumbong siya sa office.

Sabi sakin ni David ay nakita daw niya si Aes kasama si Jenny sa quadrangle, kaya agad akong pumunta doon para komprontahin siya.

Masyadong eskandaloso kung doon ko siya gigisahin kaya pinasunod ko siya sa likod ng College building sa construction site.

Nakita kong malakas ang loob na kala mo walang kaalam-alam at walang kasalanan siyang humarap sakin, tinanong ko siya kung bakit niya inupload pero hindi niya daw alam, pinakita ko ang video sa kaniya pero pansin kong nasaktan siya sa pag-abot ko dahil tumama yon sa dibdib niya, pero ganon nalang din siya kagulat nang mapanood niya yon.

Hindi padin ako naniniwala sa mga sinasabi niyang wala siyang alam kaya ganon nalang ang pagtaas ng galit ko maging ang boses ko sa kaniya, pero pilit niya pading  sinasabi na wala siyang kaalam-alam dito.

Pansin ko ang sinseridad sa kaniya lalo sa pag-iyak niya pero hindi padin ako ganoon kakumbinsido dahil sa imbestigasyon na nangyari at siya ang lumalabas na may gawa, alam kong kasalanan ko 'yon, pero hindi naman 'yon kakalat at malalaman ng iba kung hindi niya inupload.

Hindi ko na nasabi pa ang bagay na 'yon sa kaniya dahil mas pinili ko nalang siyang paalisin dahil mas umiigting pa ang galit ko pag naalala ko ang kumpiramasyon na dala ng imbestigasyon na siya ang gumawa.

Sail in the DarkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon