kabanata 12

83 8 0
                                    

Sorry.

Aes's Pov.

Maaga akong pumasok dahil maaga din akong tinawagan ni mommy para kumpirmahin ang mga nangyari, nagulat siya sa mga isiniwalat ko at hindi niya padin akong magawang pagalitan at sisihin dahil kilala niya ako na hindi ko magagawang gumawa ng kahit anong eskandalo.

Pagbaba ko ng jeep ay wala paring gaanong estudyante dahil maaga pa masyado, pagpasok ko ng Gate 1 ay siyang sulpot naman sa likod ko nang nagbuhos sa akin ng tubig, dalawa lang sila ngayon na ipinagtataka ko, naririnig ko silang nagsasalita at nagtatawanan pa pero hinayaan ko nalang, paliko na ako para sana'y umakyat sa hagdan pero hindi pa ako nakakatapak sa unang hagdan ay siyang buhos naman sa akin ng itim na pintura.

Nakita kong pagkatapos ibuhos ng isa nilang kasama na nasa ikalawang palapag ay siyang malakas na tawa naman nito sabay alis, maging nang dalawang nakasunod sa akin. Papunta na sana ako ng cr pero biglang harang din sa akin ng tatlong marino saka ako dinuro-duro at inuyam ng kung ano-anong salita, madami silang pang-uuyam na sinabi gaya ng bagay lang daw sa akin ang duming nasa katawan ko dahil ganon din naman daw ako gaya ng duming ikinilat ko, pero bago pa sila tuluyang umalis ay siyang dating naman ng mga kuya kong sina kuya Aeb at kuya Aeshim.

Pinagtulungan nilang bugbogin ang tatlong marinong kanina'y nang-uuyam sa akin na ngayon ay humihingi na ng tawad, pipigilan ko pa sana ang mga kapatid ko pero siyang pigil din sa akin ni Jenny na ngayo'y kakadating lang.

Tinulungan akong maglinis ng sarili ng mga kapatid ko gaya ng pagpapasuot sa akin ng mga extra nilang damit. Paglabas namin sa cr ay siyang salubong naman sa akin na galit na si mommy kasama ang dismayadong si daddy.

Dumeretso na kami sa Director's office pero nagpaiwan muna saglit sina kuya Aeshim para daw sunduin ang mga estudyanteng nagbuhos at nang uyam sa akin. Pagpasok namin sa Director's office ay nandoon na si Geno pati ang parents niya.

Natapos ang mahabang pakikipagdiskusyon ni mommy at nagkasundong aayusin ang lahat at lilinisin ang mga pangalan ng mga nabiktima ng eskandalo.

Pinauwe ako nina mommy sa mansyon at pinakiusapang i excuse ako ng ilang araw para mag pahinga.

Malalang kaba parin ang nararamdaman ko lalo pa ngayon na pauwi na kami sa mansyon, maaring maintindihan ako ni mommy at ng mga kapatid ko, pero alam ko si daddy ay hindi.




"Ano bang sabi ko Amianda? Huwag mo nang payagan 'yang anak mo na mag dorm mag-isa, dahil wala pa namang kaya 'yan, bukod sa mag isip nang kung ano-ano at isipin na kaya niya kahit hindi!" Galit na sabi sakin ni Dad.

"Dad tama na, di naman ginusto ni Aes na masangkot 'don, wala naman siyang kasalanan." pagtatanggol sakin ni kuya Aeshim.

"Ayan kampihan niyo pa, kaya lumalaki ang ulo niyan at nagmamalaki kahit wala namang maipagmamalaki!" Dugtong pa ni Dad.

"Ano ba Haries tama na, hindi nagmamalaki ang anak mo,
gusto niya lang na may maabot siya sa sarili niya kahit wala tayo, may prinsipyo't paninindigan ang anak mo at walang mali 'don!" Galit na sabi ni Mommy.

"Tungkol diyan sa kasarian niyan huh, siguro kaya gusto niyang mag-isa para magawa niya kung ano ang gusto niya kahit alam niyang kasalanan 'yon!"

Hindi ko na kinaya pang pigilan ang umiyak sa harapan nilang lahat dahil sa mga sinasabi ni daddy.

"Dad I'm sorry po!" Tanging sabi ko.

"No Aes, wala kang kasalanan, umakyat kana muna sa taas at mag-uusap lang kami ng Daddy mo." Sabi ni Mom.

Sail in the DarkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon