Kabanata 13

70 7 0
                                    

Train.

"All officers please proceed to Office of Maritime Director!" Sigaw ng isa naming kasamahang officer.

Ang alam ko wala na kaming iba pang gagawin dahil tapos na kaming mag practice ng colours pero ano nanaman kaya 'tong ipapagawa samin.

Pumunta kaming lahat kasama sina Reiven at David at iba pang natirang officers sa room sa Office ng maritime director.

Pag pasok namin sa loob ay naabutan naming nandoon sina Dean Appachecho, sir Peralta, at ang Head coordinator ng buong School na si Ms, Soquite.


"Gentlemen!" Sigaw ni Dean.


"Sir good afternoon sir!" Sigaw naming lahat na officer.

"Now kumpleto na kayong lahat, gaya ng dati, ang departamento natin ang naatasan sa pagpapanatili ng kaayusan sa buong school para sa dadating na SHS-week, kaya nandito ang Head ng school natin dahil gusto nilang pamunuang muli ng buong maritime ang pagbabantay sa bawat laro at laban ng mga senior highschool student." Matikas na sabi ni Dean.

"Yes marines, Pero nabanggit ni Dean na kakatapos niyo lang sa inyong puspusang pag paparactice para sa colours, kaya naisip namin na hindi nalang muna kayo ang aatasan naming mag bantay sa buong campus. At isa pa, kakatapos lang din ng isyu ng isa niyong kasamahan na muntik nang magpaapekto sa pangalan ng buong school!" Mariing sabi ni ms, Soquite sabay tingin sakin.

"Sorry ma'am." Tanging sabi ko sabay yuko.

"Forget about that, mag pasalamat ka sa parents ni Velasco dahil sila ang naglinis ng pangalan mo at ng video na nakasangkutan mo." Mataray na sabi niya.

"Sana ay natuto kana Villapeña, Pasalamat ka at isa ka sa matitino kong officer kaya pinagbigyan kang hindi ma expelled at tangin parusa lang ang inabot mo, dahil kung ikaw ay isa lamang sa mga marinong bulakbol diyan ay hahayaan ka nalang namin na ma kick out agad-agad!" Mariing sabi ni sir Peralta, at pagtango ko naman pabalik.


"Okay let's move on, now officers ito ang task niyo, kukuha kayo ng tag sasampung maritime student from fresh men sa first year, second year at third year, para sila ang aatasan nating magbantay sa isang linggo sa SHS week. Five marine transpo and five marine engineering ang kukunin niyo sa bawat year, pero bukod 'don ang isa pang task ninyo ay kailangan niyong sanayin o i train ang 30 students lalong lalo na ang first year dahil kulang pa sa desiplina ang mga 'yon, at balak ko din na siyam sa mga 'yan ay gagawin kong officers ng batch nila para sa mas pinaigting na pagpapanatili ng kaayusan sa buong departamento, at maging sa buong school. Kaya make sure na masasanay niyo sila ng maigi at ang mapipili ninyong student ay ang pinakamaayos at may desiplina! NAGKAKAINTINDIHAN BA?" Mariing sabi ni Dean.


"Ai sir!" sabay-sabay naming sigaw bago lumabas ng office.

Dating grupo padin ang ginawa nila Dean kaya magkakasama padin kami nina Reiven at David na mag te-train ng mga studyante. Nagbago na ang sched ng lahat ng maritime at whole day na kaming lahat ngayon, kaya ngayon na din namin uumpisahan yung paghahanap ng matitino at desiplinadong marino.


Hindi na bago sa akin ang mag train ng mga marino dahil  siguro sa mahigit tatlong taon ko dito sa Miontè bilang Third year Marine Engineering Officer ay madami na din akong na train na iba pang fresh men.

Sinimulan na naming tatlo ang pagkuha ng five fresh men student sa Marine transpo, at after nun sinunod nadin namin sa Marine Engineering.

*knock on the wall..

Pag pasok palang namin napakaingay na sa loob ng class room, may iilang tumahimik na nang makita kaming pumasok pero may nag-iisa pading nakatalikod sa likod na naka earphone at nag nagsisisigaw pa.


Sail in the DarkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon