Bad trip.
**knock on the wall
"Axcel Eugene Villapeña, permission to enter to the room sir!" Sigaw ko sabay saludo.
Kabado kong binuksan ang nakaawang na pinto at bumungad saakin ang buong Faculty member ng Senior Highschool Department at Maritime Department, nasa loob din ang ilang kasamahan kong officers sa room kasama sina Reiven at David.
"Hanggang dito talaga late ka Villapeña!" Bulalas ni Sir Peralta.
"E sir may---"
"Wag ka nang mag rason, bukas tayo magtutuos sa hindi mo pag attend kanina sa klase ko!" Galit niyang sabi.
"Okay, marines, saglit lang to, ngayon ay kumpleto na kayong officers, may iintroduce kaming ipapagawa sainyo dahil gusto ng Senior Highschool department na bumuo tayo ng Colours na binubuo ng isang sword man, right and left rifles, 1st, 2nd and 3rd flag para sa bawat recognition at awarding na gaganapin pagkatapos ng bawat semester. Ang 3rd flag ay reserba lang para sa 1st and 2nd pero kailangan pading umattend para sa practice." sabi ni Dean Appachecho
Nakahinga naman ako ng maluwag sa mga sinabi ni Dean, dahil ang buong akala ko'y may nakakita nanaman sa mga ginawa ko.
"Ia-assign kayo ng sir Peralta niyo kung saan kayo nababagay na pwesto at tuturuan kayong humawak ng mga flags, bukas 6am sharp nasa oval kayo para sa paunang practice, naiintindihan?"
"Sir yes sir!" Sigaw naming lahat.
"Okay dismiss!"
Lumabas na kami ng office of Maritime director at pansin kong naguusap sina Reiven at david, hinayaan ko nalang saka kami dumeretsong tatlo sa Cr para magbihis pang jogging dahil baka mas lalo pang magisip ang dalawa kung hindi ko pa papatulan ang alok na mag jogging.
"Geno may di ka sinasabi samin!" Pagtatakang sabi ni Reiven.
"Oo nga pre, pangalawang beses na 'to Akala ko di nanaman tayo makakapag jogging, sayang naman kase yung mga babaeng nakatambay 'don" Patawang sabi ni David.
Ngumisi ako. "Bihis na ba kayo? Tara na sa oval!" Pagiiba kong sabi.
Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa dalawang to na dalawang beses nang may nangyari samin ni Andrea dahil ang tanging alam nila ay inaayawan at iniiwasan ko 'yon.
"Tignan mo yan, kala ko ba tropa tol, 'Tas nag tatago ka samin? tablado naman sa 'yo Geno!" pagtatampo kunwaring sabi ni Reiven.
Tumawa ako. "Ano ba kasing sinasabi niyo? 'di lang ako umattend sa klase ng dalawang beses ganyan na iniisip niyo, dipa ba kayo sanay?"
"Pre pag nag c-cutting ka kasama kami lagi, tas ngayon ikaw lang? Sabi mo pupuntahan mo lang si Andrea tapos 'di kana nakabalik." Sabi ni Reiven.
"Di kaya may ginagawa sila ni Andrea? Hmmm interesting!" Paghihinala ni David.
"Sige basta ipangako niyo sakin na 'di niyoko aasarin lalo na sa tapat ng ibang tao?" Tanong ko kahit alam ko namang di mapagkakatiwalaan 'tong dalawa pag dating sa pang aasar.
"Oo nga tol, kami lang to oh wala ka bang tiwala samin?" Sabi ni Reiven.
"May nangyari samin ni Andrea dalawang beses." Pagkumpirma ko sa hinala ng dalawa.
"Tangina sabi na ih, gago ka kala ko ba ayaw mo sa tao? Tas ngayon pinapapak mo na pala hindi pa kayo? bangis mo Geno!" Patawang sabi ni David.