Jealous.
Geno's Pov.
"Pero Dad!"
"What? Ipinagkatiwala saakin ng mag-asawang Dellacorte ang anak nila, dahil 'jan din naman school mo papasok ang anak nila, and besides magkakilala naman na kayo ni Athealia since highschool kayo diba? At ginawa mo na din sakaniya 'to before, so ano pa bang problema mo?"
"Pero Dad, ayoko na pong magkaron ng koneksyon sakanila lalo sa kakambal ni Lia."
"Naiisip mo ba yang sinasabi mo Geno? Gusto mo bang mawala din ang koneksyon natin sa kumpanya? Si Andrea ay nasa US na, tapos na yung isyu niyong 'yon, at napagtanto nina Henry at Bliria na mali talaga ang anak nila, hindi nila ipagkakatiwala ang isa pa nilang anak saatin kung hindi nila tayo pinagkakatiwalaan, so no more but's Eugenio, pumunta kana ng Airport at sunduin mo na si Athealia!" Matigas na sabi ni Daddy bago ibaba ang tawag.
Gusto nila na ako ang magsundo kay Lia sa Airport at hindi lang 'yon, gusto nila na ako ulit ang tumingin tingin sakaniya habang nandito siya gaya ng nasa Senior Highschool pa kami.
Wala naman akong magagawa dahil kahit na hindi ako sumang ayon sa gusto nila daddy at parents ni Lia hindi padin ako mananalo sakanila at susundin at susundin ko padin ang utos nila dahil sa tanginang kumpanya na yan.
Ayoko na parang nag susunod sunudan kami sa mga gusto nila, I know na malaki ang ambag nina tito Henry at tita Bliria sa kumpanya pero sina daddy ang mas nag pagod sa lahat, at nakikita ko ang pag pupursigi nila doon.
Hindi na ako pumasok pa ng klase ko at dumeretso na ako sa Airport para sunduin si Lia, matagal na kaming walang koneksyon ni Lia simula ng umuwi siya sa US pagkatapos ng graduation namin ng Senior Highschool, at gaya ng dati magsisimula nanaman na magpapaalala saakin ang mga bagay na sana hindi nalang nangyari.
Nakatayo lang ako at may hawak na papel na may apelyido ng pamilya nina Lia sa waiting area ng Airport, inaabangan ko lang na may babaeng hawigin ni Andrea na lalapit saakin.
Kahit na magkakambal sila ni Andrea hindi ko parin makita ang pagkakatulad nilang dalawa, kung sa pisikal ay wala na, lalo na siguro sa ugali.
Bago pa man ako lumipat ng pwesto para sana mas makita ko ang mga papadating, ay biglang pansin ko naman sa babaeng kakalabas lang sa glass door na hawak hawak ang salamin sa mata habang binabasa ang mga banner sa harap niya, hindi ako sigurado kung si Lia 'yon pero itinaas ko nalang din ang hawak hawak kong papel.
Chineck niya pa ang phone niya kaya matagal din siyang nakatayo sa gitna, hindi ko masisisi ang mga taong nagbubulungan sa tabi ko dahil kapansin-pansin naman talaga ang magarbo niyang suot, kung si Lia man siya ay masasabi kong mas gumanda at mas sumexy pa siya base sa mga nakikita ko ngayon.
Tinanggal na niya ang suot niyang salamin, at hindi nga ako nagkamali na siya nga si Lia matapos niyang tumingin at ngumiti pa saakin na senyales na nakita na niya ako.
Kumaway pa siyang muli saakin habang diretchong naglakad sa exit.
Bumalik na agad ako ng kotse para salubungin siya.
Nakita kong nakatayo na siya sa gilid ng airport road kaya hininto kona sa tapat niya ang sasakyan saka ako bumaba.
"Hi!" Bati niya sakin. Tumango lang ako saka kinuha ang bitbit niyang maleta, nakaramdam ako ng hiya ng makita ko siya.