kabanata 30

93 6 7
                                    

Unexpected.




GENO'S POV.

*kriiinggg kriiingggg...

*Reiven is calling...

Napaka aga pa at masakit pa ang ulo ko pero pinilit ko nang bumangon dahil kanina pa alarm ng alarm ang alarm clock ko, at ngayon naman ay ang pagtawag ni Reiven.

"Bro?"


"Anong oras na kanina pa ako natawag, nakabihis ka na ba? Nandito na yung mga PBM, ikaw nalang ang kulang 'sating officer!" Bulyaw na sabi ni Reiven. Ngayon lang pumasok sa isip ko na ngayon na pala ang immersion ng Senior high.


"Sorry bro, kakagising ko lang."



"Tsk, sige sunduin ka nalang namin ni David diyan, mag asikaso ka na!" Galit na sabi niya. Mabuti nalang talaga at may maaalalahanin akong kaibigan.


Ang alam ko ay isang linggo kami doon, yun lang ang alam ko dahil kahit isang meeting wala akong in-attend-an.


Bigla namang napadpad ang mata ko sa mga contacts sa phone ko, si Aes kasi ang nasa unahan, kaya bigla nalang pumasok sa isip ko na tawagan siya, naalala ko lang din kasi na tatawag ako sa kaniya kahit nasa immersion ako.


*Calling Aes....



*Ringing...


Nag ri-ring pero walang sumasagot, hindi naman na ako nag expect na sasagot siya, pero gusto ko lang din subukan ulit.


*Calling Aes...


*The number you have dialed is now unattended, please try your call later...


*Tok tok tok...


"Bro?" Nagulat nalang ako na may kumakatok agad sa dorm ko. At halatang sila Reiven 'yon. Bakit parang ang bilis nila.


"Oh bakit hindi ka pa nakapag-asikaso, 3:30 na oh, kailangan 4 nandoon na tayo, bilisan mo!" Bulyaw sakin ni Reiven, pagkatapos ko buksan ng pinto.


"Kakagising ko lang kasi, pasensiya na." Sabi ko.


"Nag-usap na tayo kagabi Geno, mag-ayos kana, wag mo na masyado pag-iisipin yang problema mo, may tamang oras at panahon para diyan." Pananaway niya nanaman, para na siyang si Dad kung mag salita, masyado narin siyang nawiwili kaka-saway sakin.


"Oo Dad ito na!" Sabi ko, bigla namang tawa ni David.


Binato ako ng tsinelas. "Bilisan mo na!" Sigaw niya. "Teka nakapag empake ka na ba ng mga gamit mo?" Tanong niya. Napakamot nalang ako, dahil hindi pa talaga.



"Ano ba naman yan bro, ano bang ginagawa mo?" Sabi ni David.



"Sige na, kami na mag hahanda, maligo ka na, bilisan mo lang para matulungan mo kami!" Sabi ni Reiven.



Naligo nalang ako agad saka ko sila tinulungang mag empake ng mga gamit ko pag tapos ko.



"Wala ka na bang naiwanan?" Tanong ni Reiven. Umiling ako. "Wala na tara na." Sabi ko, saka na kami lumabas ng dorm.



"Bro nga pala, since you do not attend meetings, you are assigned to check the cabin, every night. tapos you will also be the one to guide the senior highs in the engine department nadin." Nagulat akong sabi ni David na nasa likod ng sasakyan ko.



"Sakin lahat?" Takang tanong ko. "E anong gagawin niyo?"



"Sa Calisthenics kami na assign pareho ni Reiven, mas mahirap nga yung samin e, diba Ven?" Sabi niya sabay tapik kay Reiven na katabi ko naman.



Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 07, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sail in the DarkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon