Kabanata 18

108 8 0
                                    

Talon.




"L-Luke ano ba 'to?" Pagtataka kong tanong ng malapitan ko siya sa gitna ng mga nagkukumpulang mga estudyante.


"Hindi mo ba nagustuhan? ayaw mo ba?" Tanong niya din pabalik. Nahalata niya yata ang pagkagulat ko.


"Hindi sa ayaw ko, hindi mo ba alam kung gano ako kinabahan ng malaman kong nabugbog ka tapos ganto lang pala?" Seryoso kong sabi habang padami nadin ng padami ang mga tao sa paligid namin.


Napakadaming bulaklak ang hawak niya bukod pa sa hawak ng ibang estudyante sa paligid dito sa Quadrangle, pansin ko ding wala dito si Jenny na nagsabing nabugbog si Luke.


"Aes, para sa 'yo lahat ng 'to...alam ko namang di ka pupunta kapag sinabi kong gagawin ko 'to...atsaka sorpresa nga diba bakit ko pa---"


"Luke, Naappreciate ko naman 'to lahat...pero sana hindi nalang or sinave mo nalang yung mga ginastos mo dito!"


"W-wala lang naman 'to sakin Aes, gusto ko lang naman iparamdam sa 'yo yung mga kaya kong gawin....hanggat hindi pa huli ang lahat." Nakayukong sabi niya.

"Hindi pa naman huli ang lahat Luke, at kahit kailan hindi magiging huli ang lahat dahil magkaibigan tayo."

"Para sayo, Pero para sakin hindi, at alam kong alam mo 'yon!" Madiin niyang sabi sakin.


"Bakit Aes? Dahil padin ba jan sa lalaking 'yan?" Sabi niya sabay turo kay Geno na ngayon ay nakakulot ang noo at magkabuhol pa ang mga braso.


"Hindi Luke, wala siyang kinalaman dito, alam mo sige, ipapadala ko sa dorm yang mga bulaklak na 'yan..pero 'wag mo nang ulitin kasi hindi naman na kailangan.....sige na may klase ka pa, salamat dito!" Sabi ko habang kinukuha ang mga bulaklak.


"Bumalik na kayong lahat sa klase niyo!" Narinig kong utos ni David sa mga estudyante sa paligid.


"Bitawan mo na yan, Halika na!" Nagulat akong biglang sabi ni Geno at kinuha ang mga bulaklak sa kamay ko saka nilapag sa sahig, hila-hila niya na din ako palayo sa pwesto ni Luke nang biglang habol naman ni Luke ng suntok kay Geno.

"Luke!!!" Saway ko kay Luke habang sapo-sapo ko naman si Geno matapos niyang suntokin.


"Gago ka ah, Anong karapatan mong---"

Di na natapos pa ang sinasabi ni Luke ng sundan din ng dalawang magkasunod na suntok ni Geno si Luke sa mukha.


"Bro tama na!!!" Biglang dating naman ni Reiven para umawat.


Pinuntahan ko si Luke para alalayan dahil kahit hindi ko dama ay alam kong malakas ang pagkakasuntok sakaniya ni Geno.


"Ilayo niyo na sakin 'yan! Baka kung ano pang magawa ko 'jan!" Galit na sabi ni Geno saka naglakad papalayo.



Inalalayan ko si Luke at dinala namin ni Reiven sa clinic.



"Okay ka lang ba Luke?" Mahinahon kong tanong sakaniya ng matapos siyang gamutin ng nurse sa clinic. Wala siyang kibo at hindi din siya nakatingin saakin.


"Luke, i'm sorry, nagulat lang din ako sa ginawa mo, bakit kailangan mo pa kasi manakit?" Pilit ko pang tanong.


"So ako pa ang mali Aes? Ginawa ko lang naman yun para sa 'yo, tapos gagaguhin lang ni Geno lahat?!" Matigas niyang sabi.


"Luke, mali paring manakit ka, hindi ka ganyan dati Luke, anlaki na ng pinagbago mo." Seryoso kong sabi.


"Nagbago ako dahil binago mo 'ko Aes..sobrang naiinsecure ako sa sarili ko kasi mataba ako dati at iniisip ko na hindi mo ako magugustuhan, tapos nag ayos ako ng sarili ko at nagbakasakaling magustuhan mo pero hindi padin talaga!" Seryoso niyang sabi at nangingilid nadin ang luha sa mata niya.

Sail in the DarkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon