Kabanata 23

84 7 0
                                    

Truth or Dare.




"Alam niyo guys maglaro nalang tayo, hindi yung puro cellphone nalang kayo 'jan!" Masungit na sabi ni Jenny ng mapansin niyang halos lahat saamin ay nag cecellphone nalang kahit may alak na sa harapan namin.


"Ano namang laro?" Tanong ni David.


"Spin the bottle, kung sino matututukan ng bote tatanungin ng Truth or Dare...but siyempre para may thrill naman, ang lahat ng pipili ng Truth ay iinom ng isang punong shot glass, para naman maganda na hindi palaging Truth ang pipiliin, mas exciting pag puro Dare diba....oh ano game?" Masayang sabi niya.

"Pero teka pala, bago tayo mag laro, kukunin ko muna yang mga phone niyo para makapag concentrate tayo sa laro!" Dugtong pa ni Jenny.

"No!!" Pag angal ni Jayson.

"Anong no ka jan? Sapakin kaya kita?" Mataray niya pang sabi at aamba pa. Nakakatuwa lang silang dalawa, nagagawa nila sa tapat ng ibang tao yung mga 'ganon, napakamapanuyo din kasi talaga ni Jayson kaya feeling ko konti nalang bibigay na 'to si Jenny at kakalimutan na niya ang maglaro sa relasyon.


Halos lahat naman ay sumang ayon sa gusto ni Jenny, kanina pa kami dito sa labas ng mansiyon simula ng maligo kaming lahat sa falls, at ngayon gabi ay naisipan ni Lia na mag bonfire dito sa gilid ng falls.


Katabi ko si Geno habang katabi niya naman si Lia, kasunod naman nito si chelsy at David, si Jayson at Jenny na katabi naman si Reiven at si Luke na katabi ko naman sa kabila.

Madilim na sa paligid at malamig ang klima habang patuloy na umaawit ang pagbagsak ng tubig mula sa talon. Hindi ganoon ka lakas ang ilaw sa mansiyon dahil nga lampara lang ang ilaw na gamit doon, kaya ang malakas na apoy at malabong ilaw ng buwan lamang ang nagsisilbi ilaw sa gitna ng malagubat na lugar na ito.


"Okay game na? Ito na yung bote oh.....pero wait, dapat pwede lahat ng kahit anong tanong at Dare huh, walang hindi gagawin at sasagutin kapag tinanong o inutusan, open minded naman tayong lahat dito diba?" Sabi pa ni Jenny saka kinumpiska ang mga cellphone namin at inumpisahang magpaikot ng bote.


Tumutok kay Luke ang bote at ang magtatanong naman ay si David.



"Oh sayo Luke...David Magtanong kana!" Sabi ni Jenny kay David.

"Hmmm interesting!" Sabi naman ni David na may pagkademonyong tingin at pagngisi pa kay Luke, tinignan ko naman si Luke pero seryoso lang siyang nakatingin kay David.

"Okay, Truth or Dare?" Tanong ni David kay Luke


"Truth!" Mabilis na sagot ni Luke sabay bigay naman ni Jenny ng isang punong shot glass ng alak sakaniya.

"Bukod kay Aes, sino pang nakikita mong magugustuhan mo dito sa mga tao sa harap mo?" Matapang na tanong ni David.


"Wala!" Seryosong sabi ni Luke at pansin ko naman si Reiven na nakatingin sakaniya na umiiling pa.

Pinaikot na ni Luke ang bote dahil siya ang huli. Tumutok naman ito kay Lia at ang magtatanong ay si Jenny.

Tumingin sakin si Jenny ng makahulugan habang nakangisi at kinabahan naman ako doon, iba din kasi ang trip nitong si Jenny kaya talagang kakabahan ako.


"Okay sis, Truth or Dare?" Tanong ni Jenny kay Lia.


"Okay sige Dare ako!" Nakangiti at matapang na sabi ni Lia.


"Amm sige, give us a five seconds friendly kiss sa isang guy na nandito sa game!" Matapang na utos ni Jenny. Tumitingin ako sakaniya pero hindi siya natingin saakin pabalik dahil alam na niya sigurong naiinis ako sa Dare niya dahil may kutob na ako kung kanino ni Lia gagawin ang utos na 'yon.


Sail in the DarkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon