LUKE.
Aes's POV
Malalim na ang gabi pero heto ako't iniisip padin ang mga nangyayari, alam ko sa sarili kong kailangan kong papuntahin ang mga magulang ko sa Miontè pero natatakot ako't nahihiya sa kanila kung sakaling malaman nila ang mga paratang sa akin na hindi ko naman ginawa, batid kong maiintindihan ako ni mommy pero alam kong si daddy ay hindi.
Noon palang ay wala na ang loob niya sakin at ramdam ko 'yon, ako man ang bunso pero ang atensyon ng isang ama ay napunta lahat sa mga kuya ko, tatlo kaming magkakapatid at lahat sila ay may trabaho na, magkadikit ang edad nila kaysa sakin kaya't ako nalang ang nag aaral, si kuya Aeshim ay 25 at si kuya Aebrahim naman ay 24, samantalang ako ay 19.
Hindi ako kailanman nainggit sa mga kuya ko kahit na sa kanila lang nakatuon ang atensyon ni daddy dahil alam ko sa sarili kong bukod tangi din ang pagmamahal sakin ng mga kapatid ko.
Nakatulog nako sa kakaisip ngunit ginising ako ng sarili kong orasan sa katawan ngayong alas kwatro ng madaling araw, gaya nang bago ako matulog mahabang paglalakbay nanaman ng utak ko sa mga nangyari at mga posible pang mangyari, pumapasok sa isip ko ang ibat ibang pekeng senaryo na mas nagpapaigting pa ng kalungkutan sa puso ko.
Naisip kong ayusin na ang lahat ng mga gamit ko at wala sa sariling nilinis ang buo kong kwarto kahit alam kong malinis na ito.
Minsan talaga kapag wala ka sa sarili mo o lutang ang isip mo sa mga bagay bagay kung ano ano nalang ang magagawa mo at maiisip mo nalang na bakit mo nga ba ginawa.
Napagdesisyunan ko nang mag ayos ng sarili dahil pasado alas singko na ng umaga, kumain ako't nagbihis saka bumaba at nag abang ng jeep sa labas, ilang minuto lang akong nag abang nang biglang may kung sinong naka kotse ang busina ng busina sa harap ko, wala akong maaninag na mukha dahil tinted ang sasakyan nito pero laking gulat ko nang bumaba ang lalaki galing sa loob.
"Aes? Sabi na at dito ka nag dodorm, buti nalang at napilit ko si tita Ami na sabihin kung saan 'tong lugar na 'to!"
"Luke? 'Bat nandito ka? Kailan ka pa dumating? At..atsaka bakit ka naka uniform pang Miontè?" Gulat kong tanong dahil naka uniform siyang pang Miontè at pang Maritime pa talaga.
"Halika.....pumasok ka muna sa kotse at ipapaliwanag ko sa 'yo!" Masayang sabi niya.
Pumasok na ako dahil mukang papunta din siya sa pupuntahan ko.
"Sabi ni tita Ami dito sa Miontè ka daw nag aaral, naghahanap kase ako ng school na may Marine Courses dahil nga gusto ko maging marine--"
"Huh? Kailan pa?"
"Basta naisip ko lang na kumuha ng Marine course." sabi niya sabay tawa.
"Eh kailan ka pa nga dumating?"
"Kararating ko lang nung monday pero bago pako umuwi dito galing Australia pinaasikaso kona kay mommy yung pag papa transfer ko!" Masayang sabi niya.
Si Luke allen Silvestre ang kababata ko simula nung grade school palang hanggang midyear ng highschool pero simula nung grade 8 kami ay dinala siya ng daddy niya sa Australia para doon na ipagpatuloy ang pagaaral, totoong mayaman ang pamilya niya, sila lang naman ang may ari ng malalaking mall dito na ipinangalan kasunod ng apelyido nila.
"Oh kamusta kana Aes?" Tanong niya nang matahimik ako, pero hindi muna ako sumagot.
"Huy, kamusta kana sabi ko!?" Natatawang tanong niya.