kabanata 27

156 7 0
                                        

Something's wrong.



"Tara na kumain na tayo Aes, napakatagal dumating nito ni Jayson, lagot talaga 'to sakin." Nagaalburotong ilong sa inis nanamang sabi ni Jenny dahil kay Jayson.


"Mabuti pa nga at kanina pa ako nagugutom."



"Teka, hindi ba kayo sabay kakain ni Geno?" Takang tanong niya.



"Hindi ko nga alam e, wala namang sumusundo sakin."


Pasado alas dose na ng hapon at kakatapos lang ng klase namin ni Jenny. Kasalukuyan kaming nasa hallway sa tapat ng room namin habang hinihintay niya si Jayson, at ako naman ay si Geno.


Wala naman kaming napag-usapan ni Geno kanina bago kami maghiwalay sa 8850 na sabay kaming kakain ngayon, pero nagbabakasakali lang naman ako na pupuntahan niya ako.


"Nakakainis talaga, napakatagal kahit kailan, hindi ko talaga 'to kakausapin, nakakairita, hindi manlang sumagot sa mga text ko." Mariin at halatang galit na sabi na ni Jenny.



Natawa ako. "Alam mo ikaw, kunwari ka pa, dati wala kang pake kahit 'di ka niya puntahan, but look at
you now."


"Che! Bahala talaga siya, hindi ko siya papansinin!" Patuloy niyang pagkainis.



"Napaka toxic natin 'jan Jenny!" Mas lumakas pang tawa ko.



"Humanda talaga 'to sakin, ang alam ko wala silang last period at kanina pang 10:00 am 'yon!" Mariing sabi niya.


Mas lumakas pang tawa ko. "Nakakatawa ka, bakit hindi mo kasi tawagan?"


"No way, baka isipin niya pa hindi ko kayang kumain ng wala siya!"


"Bakit hindi nga ba?" Patuloy kong pang aalaska.


"Alam mo ikaw, isa ka pa." Sabi niya sabay irap.





"Geno? Pumasok ka na ba sa klase mo?"

"Kumain ka na ba?

*Message sent.




"Ano Aes? Tara na? sino ba yang tinetext mo?" May paghampas niya pang sabi.



"Wala, tara na." Sabi ko nalang sabay tayo.



"Aes!" Nagulat akong tawag ni Luke mula sa kabilang pasilyo, himala at hindi niya kasama si Reiven.


"Oh bakit?" Takang tanong ko ng makalapit na siya.


"Anong bakit? Hindi ka ba sinabihan ni kuya Aeb, na ako ang maghahatid sa 'yo mamaya?" Takang tanong niya.


"Ayy oo nga pala, ayos lang ba?"


"Oo naman, pinaalala ko lang kasi baka umuwi kana." Sabi niya.


"Hindi pa naman, kaka-tapos lang din ng klase namin, balak nga namin kumain, gusto mo ba sumama?" Alok ko.



"Oo sige, para naman may laman ang utak ko mamaya sa pag rereview." Natatawang sabi niya.



"Bakit nga pala hindi mo kasama si Reiven?" Nakangising tanong ko.


Minatahan niya ako. "Ano nanaman 'yang iniisip mo?" Natatawang sabi niya.


"Ikaw nga umamin ka sakin, simula nung hindi kana dumidikit saakin si Reiven na ang kasama mo, anong meron sainyong dalawa?" Malakas hanggang sa pabulong kong tanong.



Sail in the DarkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon