Kabanata 14

76 8 0
                                    

Confused.



"Woahhh bro kailan pa nagka banda dito, May pa open mic pa!" Gulat na sabi ni David.

Maganda ngang nilagyan nila ng banda dito sa loob ng BCC dahil mas malaking attraction ito sa mas madami pang customer.

"Babe para s-sayo 'to, Sana bumalik kana 'sakin!" Sigaw ng isang lasing na lalaking nakatayo sa gitna ng stage.

"Umuwi ka na baby
Hindi na ako sanay ng wala ka
Mahirap ang mag-isa
At sa gabi'y hinahanap-hanap
Kita..."

Nagdala ng ingay at hiyawan sa pagsabay ng mga tao sa loob ng bar ang ginawang pagkanta ng lalaki, dahilan ng paglakas niya pa ng todo sa mic.

Hindi ko nakikita ang sarili kong ganoon ka desperado para kumanta pa sa gitna ng madaming tao balikan lang ng isang babae, pero sa bagay na kung iiwan siya ay maiintidihan ko pa pero para gawin 'yan hindi siguro.

Nang matapos niya ang kanta saka naman nagsalita yung Vocalist ng banda.

"People?? The mic is free now, Sino pa po ang gustong maki jamming?!" Masayang tanong ng babaeng vocalist.

"Ito poo dito!!!" Nagulat akong sigaw ni David at Reiven kasama si Chelsy habang tinuturo ako sa Vocalist, halatang may tama na ang dalawang 'to dahil madami-dami nadin ang nainom nila.

"Ano ba tigilan niyo nga ako, Nakakahiya!" Pagsaway ko dahil andami nang nakatingin sa pwesto namin maging sila Aes na nasa unahan malapit sa stage.

"Ayan may performer na tayo, Halikana kuya wag kanang mahiya!" Masayang sabi pa ng Vocalist.

"Patay kayo sakin mamaya!" Pagbabanta ko kila Reiven bago ako tumayo pero tinawanan lang ako, konti palang ang nainom ko pero dama ko na nabg kaunti ang init sa katawan ko.

"Okay sir, ano pong kakantahin mo?"
Tanong sakin ng vocalist, sa totoo lang wala talaga akong maisip habang tinatanong ako, na Memental block ako pag feeling ko lahat ng atensyon ng mga tao nakatuon sakin.

"A-hm paano bang magmahal?" Wala sa sarili kong sabi, nawawala ako sa sarili ko lalo pa at nakikita kong nandito sila Aes at nakatingin sakin, parang kanina lang ay halos sungitan ko sila pero ngayon ay kakanta pa ako sa harap nila, bwiset kasing mga mokong na to, humanda to sakin mamaya.

"'Paano ba ang magmahal', Sir?" Tanong pa ng vocalist at pagtango ko naman pabalik.

Diko alam bakit yon yung sinabi ko pero alam ko naman yung kanta, nag pe-perform na ako sa banda namin nina Reiven at David sa Miontè kaya hindi naman ganoon ka hirap sakin ang kumanta, minsan lang talaga ay nawawala ako sa sarili pag pakiramdam ko lahat ay naka tingin na sakin.


"Okay sir, the mic is yours!" Sabi ng vocalist bago bumaba ng stage.

Nagpalakpakan na ang mga tao at siyang tingin ko naman sa pumapalakpak na si Jenny at Jayson habang naka akbay naman si Luke kay Aes, naasar nanaman ako sa nakikita ko pero kailangan ko nang kumanta dahil naguumpisa nang tumugtog ang banda.

"Heto na naman ako,
Nag-aabang ng bago sa istorya ko,
Paulit-ulit na lang
Paulit-ulit na lang.

Heto na naman ako,
Tinitignan sa'n nagkamali ang puso ko,
Parang walang katapusan
Walang katapusan.

Kahit pilitin pa'ng sarili
Ibigin ka, mali,
Ako'y Mali

Ako'y Mali
Paano ba ang magmahal?
Palagi bang nasasaktan

Umiiyak na lang palagi,
Gusto ko nang lumisan.
Paano ba ang magmahal?
Kailangan bang nasasaktan

Lagi na lang, di maaari
Ngunit ayaw lumisan..."

Sail in the DarkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon