Kabanata 15

88 7 0
                                    

Kondisyon.


"Before we start, gustong ipasabi ng PBM o Senior high school maritime na pwede daw bang tulungan niyo sila sa dadating na Battle of the Bands, dahil bawat strand daw ay kailangang makabuo ng banda, nabanggit ko  sa kanila na ang department natin ang champion sa loob ng dalawang taon kaya naisip nilang mag patulong." Sabi ni Sir peralta pagpasok ng room.

"Eugene, buo pa ba ang banda niyo?" Tanong niya sakin. "Ai sir! Buo pa naman." sagot ko.

2 years na kaming champion sa battle of the bands tuwing University week, nakalas ang banda naming 'Ai Band' nang mag transfer sa ibang school yung Lead Guitarist at Drummer namin, pero bago pa sila umalis nag champion na kami nung first year palang kami. Binuo ko ulit yung banda namin at nakilala ko naman sina Reiven at David nang sabay mag audition ang dalawa bilang drummer si David at Lead guitarist naman si Reiven. Sa pangalawang battle namin na kasama na sina Reiven at David ay nag champion ulit kami. Naisipan naming mag Gig last year pero natigil 'yon dahil sa hindi regular na pag attend ng iba naming ka banda.

"Okay since buo pa kayong banda, tulungan niyo ang PBM, maganda na magkaroon kayo ng interaction with them dahil sooner or later dito rin sila mag ka-college at makakasalamuha niyo na din sila."

"Ai sir! Kami na po bahala." Sagot ko."Sure ka bro?" tanong ni Reiven.

"Oo, gusto ko ding malibang at may ibang pagkaabalahan, kesa naman makinig lang tayo ng ilang oras sa klase, O ano pumili ka?" "Sabagay, wala din naman tayo masyadong gagawin."

Monday ngayon at ngayong araw ang simula ng SHS week.

Bago pa ako pumasok ng Morning class dinala kona ang sampung ni-train ko sa kaniya kaniya nilang pwesto kasama dito si Luke.

Lumabas na ako ng room kasama sina Reiven saka namin pinuntahan ang dalawa pang miyembro ng banda namin na Pianista at Bassist.

After naming masundo sinabi din sa amin ni sir Peralta na nasa Studio na daw ang mga PBM na kasali sa battle of the bands kaya pinuntahan na namin agad.

May tatlong sariling studio ang Miontè at kumpleto din sila sa instrument kaya hindi kami mahihirapan sa apat na araw na pag papractice dahil last day sa friday ang battle of the band.

"Bro, matanong ko lang, ano palang nangyari nung friday night nung umuwi na kami ni Chelsy?" Tanong ni David habang naglalakad kami papuntang studio.

"Ikaw ang dapat 'kong tanungin, anong ginawa niyo ni chelsy nung friday night?" Patawang sabi ko na sinabayan pa ni Reiven at ng iba pang member.

"Edi ano pa ba!" Yabang na sabi niya na tinutukoy na may nangyari sa kanila ni chelsy.

"Ay teka bro bibili lang kami." Sabi ni David saka niyaya ang ibang member sa maliit na food stall, pero pansin ko na di sumama si Reiven.

"Oo nga bro ano nang nangyari nung hinatid mo si Aes nung Friday?" Tanong ni Reiven.

"Ahmm..Ayon, doon ako natulog."

"Huh?...We?...Bakit?" Gulat na tanong niya.

Ikinwento ko lahat ng nangyari samin ni Aes kay Reiven simula nung kinausap ako ni Luke sa cr ng BCC, paghahatid ko kay Aes, pagtulog sa dorm niya at kinuwento ko din yung mga wirdong ginawa niya habang nandon ako sa dorm niya.


"Seryoso ginawa niya 'yon? Bakit kaya?" Takang tanong niya. Kahit sino naman magtataka na bigla kang yayakapin tapos sasabihing wag ko siyang iwan.

"Diko nga din alam, nagugulahan talaga ako sa mga nangyayari." Sabi ko nalang. "Alam mo bro pati ako naman naguguluhan sa mga asta mo."  Nagulat akong sabi niya.

Sail in the DarkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon