Quit.
"Bro i'm really sorry, hindi ko naman kasi naisip na may nangyayari na sainyo ni Lia that time, hindi ko intensiyon gawin 'yon sa 'yo bro." Sabi ni David nang maka sakay na kami sa sasakyan ko. Hindi nalang ako nagsalita dahil hindi na din ma-process ng utak ko yung sasabihin ko, dala ng matinding pag-iisip.
"Bro kanina ka pa walang imik, ayos ka lang ba?" Tanong sakin ni Reiven. Tumango nalang ako bilang sagot.
Mahigit isang linggo na rin akong ganito, sobrang gulo ng isip ko, hindi ko maisip na mangyayari 'tong lahat, at nag simula 'yon noong mangyaring mahuli kami ni Aes na magkasama kami ni Lia sa dorm ko.
Halong awa, sakit at pagkahiya ang naramdaman ko ng makita ko si Aes na basang basa ng ulan at diretso lang na tumutulo ang luha mula sa mata niya.
Walang salita ang lumabas sa bibig niya at diretso lang na nakatayo sa tapat ng pintuan ko. Gusto ko siyang yakapin at hingian ng tawad sa mga panahong 'yon, dahil sa mismong oras na 'yon ay na po-proseso na ng utak ko na sobra ko siyang nasaktan, pero ng tangkain kong gawin 'yon ay umatras lang siya at yumuko.
Nakita kong tumingin saakin si Lia at kaunti nalang ay tutulo nadin ang luha nito, pero bigla nalang siyang naglakad papasok sa loob ng kwarto ko.
Gusto kong kausapin si Aes pero magsasalita palang sana ako ay bigla naman din siyang tumalikod at diretso nang naglakad palayo sa akin. Sinundan ko si Lia sa loob at pagpasok ko ay nakabihis na siya at walang imik din akong iniwan sa kwarto ko.
Simula nang oras na 'yon hanggang ngayon ay wala akong naging pagkakataon na makita at makausap si Aes at Lia, maging ang Cellphone ko ay hindi ko na din madalas buksan.
"Bro mali yung daan mo!"
Bigla nalang akong natauhan sa lakas ng boses ni Reiven. Hindi ko na napansin na mali na pala ang dinadaanan namin papunta sa mall na pagmamay-ari ni Luke.
Hininto ko ang sasakyan. "Pasensiya na." Sabi ko.
"Gusto mo ba ako nalang mag drive?" Tanong ni David pero tumanggi ako.
Niliko ko na agad ang sasakyan para tumama na ang daan at sandali lang ay narating na din namin ang Mall.
"Dito ka nalang muna Geno, kami nalang ang kukuha ng overall suits kay Luke." Sabi ni Reiven, tumango nalang ako.
Hindi ko na rin muna siguro gustong makita si Luke, dahil paniguradong magtatanong lang din siya tungkol sa nangyari.
Ilang minuto na ang nakalipas simula ng iwan nila ako dito sa parking lot sa loob ng sasakyan ko, pero hindi ako mapakali kaya gusto ko na sana sila sundan, pero palabas palang ako ng sasakyan ko ay may nakita akong dalawang lalaki na mabilis na naglakad sa harapan ng sasakyan ko, pamilyar saakin ang pangangatawan ng isa, pero yung kasama niya ay hindi, iniisip ko na si Aes ang isa doon kaya mabilis akong lumabas.
Malayo layo na sila saakin pero tutok ang tingin ko sa pinaghihinalaan kong si Aes.
"Aes!" Sigaw ko, hindi na ako nag-isip at wala na akong pake kung siya 'yon o hindi, pero hindi naman siguro ako nagkamali dahil bigla nalang silang tumigil pareho.
Kinabahan ako ng bahagya, dahil hindi ko alam kung anong mukha ang ipapakita ko sa kaniya kung sakaling siya nga 'yon.
Nakita kong kinausap niya ang kasama niya, kaya naglakad ito pabalik sa sasakyan nila, nagkatinginan kami ng lalaking kasama niya at ang lalim ng tingin 'nun saakin.