Prologue

615 13 0
                                    

"Wala na'ng dating pagtingin
Sawa na ba sa 'king lambing?
Wala ka namang dahilan
Bakit bigla na lang nang-iwan?

'Di na alam ang gagawin
Upang ika'y magbalik sa'kin
Ginawa ko naman ang lahat
Bakit bigla na lang naghanap?"


"Andaming napunta dito kahit 'di naman tunay na callalista, masabi lang na fan sila pero magbalik lang naman yung alam na kanta!"

Habang sinasabayan ko ang isa sa mga paborito kong kanta ng callalily, bahagya akong napahinto sa pagsabay sa banda dahil sa isang taong nasa tabi ko na hindi ko maaninag ang mukha, dahil sa patay ang lahat ng ilaw sa stadium at dahil na din sa hood na suot nito, hindi ko alam kung ako ba yung pinariringgan niya pero kahit 'ganon ay natamaan padin ako dahil totoo naman.


"Ako ba yung pinariringgan mo?...kung ako man 'yon 'di ako natatamaan, alam ko kaya lahat ng kanta nila!" Sabi ko ng hindi manlang sinisigurado kung ako nga ba ang pinariringgan niya sa dami ng tao sa loob ng stadium.


"Kung natatamaan ka problema mo na 'yon!" sagot niya ng hindi manlang gumalaw o kahit lumingon para tumingin saakin at ng makita ko ang mukha niya.


"Sino ka ba? 'Bat 'di ka nalang makikanta at maging masaya?" Tanong ko.


"Kaya mo bang maging masaya kahit malungkot yung mensahe nung kanta?" Sagot niya.


"Oo naman, 'di naman laging pag malungkot ang kanta dapat maging malungkot kadin, minsan may ipa-re-realize lang sa 'yo 'yan hanggang sa mapagtanto mong 'di ka naman pala dapat maging malungkot." Nagmamarunong kong sabi.


"Tulad ng mundong hindi
Tumitigil sa pag-ikot
Pag-ibig, 'di mapapagod

Tulad ng ilog na hindi
Tumitigil sa pag-agos
Pag-ibig, 'di matatapos"


"O 'diba, sabi lang sa chorus ng kanta, kahit may mga bagay na nawala sa 'yo basta buo ang pananalig at pagmamahal mo dito 'di ka mapapagod na gawin ang lahat para bumalik ito sa 'yo." Dugtong ko pa.


"Alam mo kahit 14 years na ang kantang 'to hindi padin 'to naluluma." Ani niya sa seryosong boses.


"Di talaga 'to maluluma lalo na sa mga taong umaasa padin sa isang bagay na malabo nang mangyari."



"Oh Bakit parang ikaw na yung nagda-drama 'jan?" Puna niya.


Natawa ako. "Wala naman, ikaw kasi ang lakas mo makahawa ng mood, Geno nga pala!" iniabot ko ang kamay ko kahit na walang kasiguraduhang aabutin niya din ito.


"Ang friendly mo naman masyado, pano kung may sakit ako at nahawaan ka?"


Natawa ako."Friendly talaga ako, at kung may sakit ka man nasa-sa 'yo na 'yun kung hahawaan mo 'ko!"


"Thankyou very much for coming, keep safe everyone, mag-ingat po kayo sa paguwi!"

Malakas na palakpakan ang nag-bigay ingay sa loob ng stadium para sa pagtatapos ng pagtatanghal ng banda, kasabay nito ang kumpol-kumpol na tao na nag-uunahang makalabas.


Dahil sa mabilis na paglalakad ng mga tao hindi ko na namalayang nawala na sa tabi ko ang kaninang kausap ko lang, at bago pako gumalaw sa kinatatayuan ko ay may kung anong bagay na nasa ibaba 'ko malapit sa aking sapatos, kaya't agad ko itong dinampot at saka nakumpirmang isa itong bracelet na may mali-liit na salitang nakasulat sa baybayin, ibinulsa ko ito at agad ng lumabas sa stadium.



"Sino ka? Nasan kana?"

Sail in the DarkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon