Dali-dali akong tumakbo sa hallway papunta sa first subject ko ngayong umaga kainis naman kasi nalate ako ng gising kanina dahil nakainom ako ng konti kagabi wine lang naman yon pero nalasing agad ako! Hayy hinding hindi na talaga ako iinom!"Ayy sorry sorry kuya nagmamadali nagmamadali" taranta kong inayos ang nga nahulog niyang libro pang pilot to ah? Hindi ko nalang yon pinansin at agad ding tumayo ni hindi na nakabaling sa lalaking nabangga ko potek sakit ng noo ko! Pader ba siya??
Laking pasasalamat ko nang wala pa si ma'am guerrero sa room! Hayyy salamat naman major sub ko pa naman to baka bigyan ako ng mababang score! Yung scholarship ko pa naman inaalagaan ko. 11:30 nang magbell pumunta nako sa restaurant na lagi naming pinagkikitaan ng barkada.
"Oh beks bakit namumula yang noo mo?" Napahawak naman agad ako dito hanggang ngayon namumula pa rin? See pader talaga siya.
"May nakabangga kasi ako kanina habang tumatakbo sa hallway! Malelate na kasi ako sa first sub ko kaya ayon nabunggo ako sa dibdib nong lalaking non" reklamo ko naman sa mga ito.
"So meaning gadibdib ka lang nung guy?"
"Siguro? Hindi ko naman nakita yung fez niya uhh basta sobrang bango" parang naamoy ko na nga yung pabangong yon nakalimutan ko lang saan.
"It's a sign that you make tulog na sa afternoon sis para your bones will laki laki na din" imagine seryoso pa yung muka ni solana habang sinasabi yon.
"HAHAHAHAHA potek panira ka talaga solana! Ang cute cute ng language mo ang easy ma gets" sarkastikong sabi ni stella na ikinatawa naming tatlo.
Uwian na namin ngayon, pagod na pagod din dahil sa sobrang daming pinagawa samin ngayong araw ni ma'am naglalakad na ako palabas ng gate habang nagkakalkal sa bag shems asan na ba yung id ko?
"Are you looking for this?" Baling ko sa baritong boses sa gilid ko halos mapaupo ako sa lapit ng muka sa akin ni nicolas oo! Si nicolas my luv hihi.
"Ah eh uhm ih yes?" Alanganing ngiti ko dito nakita ko naman ang ngisi nito sa labi pak na pak mga sisss itinaas niya yung kamay niya senyales na ibibigay na niya yung id ko kaya tinaas ko nadin ang kamay ko para kunin ito ng bigla nitong itinaas ang kamay.
"Ow oh, not that fast babe" halos hawakan ko na yung panty ko sa ngiting iginawad nito sa akin oo sige nicolas babagalan ko at ginawa ko naman iyon dahilan para mapakunot ang noo niya.
"Uhm not that fast eh? Inislow mo ko nalang yung kamay ko?" Bigla na lang to tumawa ng malakas habang hawak hawak pa ang tyan luh? Baliw lang si crush?
"Silly. Fine hindi muna kita sisingilin ngayon sa susunod na lang" kumindat pa ito bago umalis sa harapan ko doon ko lang hinayaang huminga ang sarili ko shockssss hindi pala ako humihinga kanina! Saka ano siya siya pala yung lalaking nakabunggo ko kanina! Wahhhhh sarap talaga minsan maging tanga tanga sa daan no? Free touch kay crush hihi nakangiti akong lumabas sa gate at chinat agad ang barkada pagkauwing pag ka uwi ko sa bahay.
(Astridsydney_ : Mga sis!!!!! Si nicolas yung nakabangga ko!!!)
(@ValerieSol : really?? Ano happen kanina?!)
(Zarialorie : ay malandi kang bakla ka! Dapat pala piniga mo na yung dibdib ni fafa nicolas!)
(KaeytStellar : HAHAHAHAHA kadiri ka talaga zariyah! Dapat nag hima hinatayan ka sis! Kulang ka sa acting!)
(Astridsydney_ : ahahahahaha!!! Ang babad niyo zari saka stella! Yuckk dalagang filipina to no!)
(@ValerieSol : truelalu sis! Don't make usap sa mga bakla na yan! Issa waste of time!)
(KaeytStellar : aba! Nagaadvice lang naman kami! Ikaw din! Kawalan mo yon! Kaya next time apply apply din siz)
(Zarialorie : agree ako to da highest lebel bekmars! @kaeytstellar!)
Natatawang pinatay ko nalang ang cellphone ko sa kaharutan ng mga yon hayy laking pasasalamat ko talaga kay God at binigyan niya ko ng mga kaibigang tulad nila Solana,Zariyah at Stella.
Noong gabing yon ginawa ko lang lahat ng mga assignments ko at kahit ang iba don ay next week pa ang pasahan. Hindi ako ganon katalino pero masipag ako pagdating sa pagaaral gusto ko kasi talaga maabot lahat ng mga pangarap ko saka mapagtayuan ng bahay sila papa at mama.
"Anak dinner na tara na sa baba" agad naman ako sumunod kay mama naabutan namin si papa at ang nakababatang kapatid ko na nakaupo na sa maliit naming lamesa.
"Oh anak kamusta ang pagaaral?" Tanong agad sakin ni papa habang kumakain kaming lahat si mama naman ay sinusubuan si ashton dahil medyo makalat pa to pagdating sa pagkain.
"Okay naman po pa, may scholarship pa naman ako Dalawang taon nalang makakatapos na rin ako" ngiting sabi ko kay papa.
"Tama yan anak, pagbutihan mong mabuti ha? Wag muna yang boyfriend boyfriend na yan! Di yan nakabubuti" pangaral naman nito sa akin.
tumango lang ako at tinulungan si nanay matapos kami makakain umakyat naman agad ako sa kwarto ko para makapagpahinga na. Maaga pa kasi yung klase ko bukas baka malate na naman ako pero kung itry ko kaya yung sinabi nila zari? Aisshhhh dalagang filipina sydney! Pinatay ko na ang ilaw sa kwarto ko at hindi nagtagal nakatulog na din ako habang naaaninag ang pagliwanag ng phone ko nevermind.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
-Y
YOU ARE READING
Loving you in the Sky
عاطفيةAvalon series # 1 A story of a pilot named Nicolas Kane Alexanders, who runs his own airline. In his last night shift flight, a gorgeous flight stewardess named Astrid Sydney Anderson approached him for some reason. He is amused but the girl still s...