Chapter 17.

65 5 0
                                    




"Papa! Ano ba yung pinagsasasabi mo kay nicolas!" Galit naman itong bumaling sa akin.


"Bakit? May magagawa ka ba ha?! Kelan kita tinuruang mag landi!"


"Ako ang may kasalanan papa! Wala siyang ginagawa! Ako ang sumuno-"


"Manahimik ka! Hindi ka nakikinig sa mga sinasabi ko kaya ganito ang mga nangyayare sayo! Isa kang suwail na anak!" Disappointed na sabi nito sa akin nakita ko namang naluluha lang si nanay sa gilid nito umakyat na lang ako sa kwarto ko at doon umiyak.



Nandito kami ngayon sa mansyon ng mga Alexanders kasama ko si papa at si mama kagabi pa ako nag mamamaawa kay papa na huwag ituloy ang binabalak nitong kasal sa amin ni nicolas, hindi pa ako ready! Nagaaral pa ako at alam kong aalis na din si nicolas dalawang linggo mula ngayon pinasunod naman kami ng yaya nila sa sala ng mansyon nila nicolas pag kapasok ko doon nakaupo na agad dito ang mga magulang nito kasama si nicolas na madilim lang ang muka.



"Goodafternoon, anton maupo kayo"


"Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa, gusto kong ipakasal ang anak ko sa anak niyo." Nanahimik naman kami lahat sa naging anunsyo nito napa ubo naman ang nanay ni nicolas.


"Uhm Anton hindi ba masyadong biglaan? Alam namin ang nangyari kagabi pero hindi kasal ang solu-"


"Hinawakan ng anak mo ang anak ko! Kitang kita ng mga mata ko ang paglapat ng kamay nito sa katawan ng babae kong anak! Kung ikaw ba? Ano magiging reaksyon mo dito ha?" Natahimik naman si tita.


"Pumapayag na ako anton pero baka pwede naman wag madaliin"


"DAD! hindi ako magpapakasal!" Matigas na sabi naman ni nicolas lahat kami nagulat sa naging reaksyon nito.


"Sit down kane! Sumunod ka sa sinasabi namin! Ano na lang ang sasabihi—"


"Jan! Jan lang naman kayo may pakielam eh ang masasabi ng ibang tao! Ilang beses ko bang uulitin na wala lang ang nangyari sa amin!" Tila nanlamig naman ako sa sinabi nito.


"Hindi ko siya mahal! Kaya wag niyong ipilit na ipapakasal niyo ako sa kanya! Nandidiri ako!" Napatayo naman ang tatay ko at ambang sasapak na ng hilahin ko ito tahimik na din akong umiiyak sa tabi ni mama ang sakit pala kapag galing sa taong mahal mo yung salitang yon no? Nag walk out naman si nicolas at wala na kaming nagawa kundi ang umalis na lang din sa mansyon ng mga Alexanders.



"Nakita mo na ha? Nakita mo na? Yan ba ang lalaking minahal mo? Walang modo at respeto sa atin at sayo!?"


"Papa, sorry hindi ko sinasadya please promise mag babago na ko wag niyo na kong ipakasal sa kanya" naiintindihan ko ang galit sa akin ni nicolas kung hindi ko sana siya hinalikan non hindi sana siya mapipilitang ipakasal sa akin naging selfish nga ako at yung nararamdaman ko lang ang iniisip ko.


"Hindi. Hinding hindi magbabago ang desisyon kong magpakasal kayo." Sabay alis nito sa harapan namin ni mama agad naman ako nitong niyakap at sinabing magpahinga na.


"Sis nasasaktan akong nakikita kang umiiyak" malungkot na sabi sa amin ni stella naka video call kaming apat ngayon.

"Please be strong, malalagpasan mo din yan sa ngayon sumabay ka na lang sa mga nangyayari baka mas magalit pa sayo si tito"

"Tama si zariyah sydney, saka na natin isipin ang nga susunod na magiging problem mo sis"

"Nandito lang kami for you okay? Wag kang mag dadalawang isip na magsabi sa amin kapag pinapahirapan ka niya pag kasal na kayo"

"Makakatikim sa akin ng jombag talaga iyon" malungkot naman akong ngumiti at tumngo sa kanila nagpaalam na din ako na magpapahinga ako bago ako matulog nag text muna ako may nicolas.


(I'm so sorry nicolas, gagawin ko lahat para mapatawad mo lang ako) pinatay ko na ito at sinubukang matulog kahit kumikirot ang puso ko sa sakit.





























————————————————————————
————————————————————————

Hala sydney wag kana umiyak :((

Loving you in the SkyWhere stories live. Discover now