Chapter 20.

77 5 0
                                    




Natagpuan ko na lang ang sarili kong nandito sa mansyon nila nicolas. Nang makita naman ako ng guard agad ako nito pinapasok at pinaupo naman ako ng mga yaya sa sala.


"Oh iha anong ginagawa mo dito?" Ngiting sabi sakin ni ma'am leanne katabi lang nito ang asawa nitong seryoso lang din ang tingin sa akin.


Unti unti akong lumuhod sa harapan nila na ikinagulat nilang dalawa.


"Please po ma'am sir hayaan niyo na pong umalis ng bansa si nicolas, maabot ang mga pangarap niya at magawa ang gusto niyang gawin" umiiyak kong sabi dito habang nakaluhod pa rin, agad naman akong pinatayo ng mommy ni nicolas habang naluluha luha.


"Sabihin mo iha, pinapahirapan ka ba niya? Anong ginagawa niya sayo? Ha? Sabihin mo sa amin iha please"


"Wala po ma'am gusto ko lang pong bigyan siya ng kalayaan at maabot ang mga pangarap niya please mo maam sirr hayaan niyo po siyang umalis sa sabado sige na po" wala namang nagawa ang mga ito at nagsitanguan.


"Alright iha, ibobook ko na ang flight niya ngayong gabi. Don't cry and don't kneel infront of us again ever" pakiusap sa akin ng tatay nito tumango naman ako at tumayo na.


Noong gabing yon dun na nila ako pinatulog nag shower lang ako saglit at nagbihis na din para makatulog, naka ilang ikot nako dito sa kama pero hindi pa rin ako makatulog wala akong nagawa kundi ang tumayo at kumuha ng gatas. Pabalik nako ng makita kong pumasok din sa kitchen si nicolas halatang halata dito ang gulat.


"What are you doing here" madiing tanong nito sa akin matamlay lang akong ngumiti dito, naramdamn naman ata niyang wala akong sasabihin kaya tumalikod na ito sa akin na parang inaabangan na kong lumabas ng kitchen.


Imbis na lagpasan siya niyakap ko siya patalikod at tahimik na humagulgol naramdamn ko naman ang paninigas niya senyales na hindi niya inaasahang yayakapin ko siya.


"Hayaan mo muna akong yakapin ka sa huling sandali, hindi man tayo naging masaya sa pagiging mag-asawa natin sigurado akong sasaya kana ngayon. Mahal kita e kaya lahat gagawin ko para lang sumaya ka" naramdamn kong haharap ito kaya mas hinigpitan ko ang yakap dito para mapigilan siyang humarap sa akin.


"Lagi mong aalagaan yung sarili mo ha? *sob* sorry sorry sa lahat ng nagawa ko, sa mga pagkakamaling desisyon ko, hay nadamay ka pa hayaan mo hindi mo na mararanasan ito. Lagi mong tatandaang mahal na mahal kita okay? Ipagdadasal kita lagi. Wag ka ding mag alala hindi ako aalis" dahil ikaw ang hahayaan kong umalis.

Ng hindi ko na kayang pigilan pa ang damdamin ko agad akong umalis at tumakbo pa punta sa kwarto ko at nagkulong mabuti na yong nasabi ko sa kanyang mahal ko siya sa huling pagkikita namin ngayon, bukas sisiguraduhin kong hindi niya ko makikita para hindi niya maisip na ako ag dahilan bakit malaya siyang makakaalis na sa poder ko. Minsan talaga sa pagmamahal hindi puro hawak minsan matuto din tayong bumitaw kasi yun yung mas nakabubuti, doon kayo mas sasayang dalawa. Magkahiwalay man kayo atleast alam mong masaya siya kahit hindi ikaw ang dahilan ng mga ngiting ito.























————————————————————————————————————————————————

Ayan na :(( sumuko na si sydney gurl...

Loving you in the SkyWhere stories live. Discover now